Chapter 22

529 26 1
                                    

Chapter 22


XANA

MASAKIT ang ulo ko. Minulat ko ang mga mata ko, masakit pa din talaga at medyo nahihilo pa ako. Pagkamulat na pagkamulat ko ay nakita ko ang napakakisig na mukha ni Metria sa aking harapan. Agad akong napabangon sa pagkakahiga sa hita niya. Namumula na siguro ako ngayon. Hindi ko alam ang ibigsabihin pero nahihiya ako.

"Anong nangyari sakin? Pangalawang beses na ba 'to?" Pagtataka kong tanong sa kanya.

Tumitig lang ang mga mata niya sa akin. Hindi ko alam pero nakaka akit ang mga pagtitig niya na iyon. Ngumisi siya kaya bigla akong natauhan sa pagtitig sa kanya. Pero nakaramdam ako ng haplos ng haplos sa pisngi ko at nang tinitigan ko si Metria ay unti unti na nitong inilalapit ang mga mukha niya.

Mukhang itutuloy na niya ang ilang beses na hindi pagkakatuloy ng halik niya sa akin.

Unti unting naglapat ang aming mga labi. Pumikit ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pagkadikit nang labi niya sa akin ay nakaramdam ako nang kuryente sa amin at pinigilan niya akong kumawala mula rito subalit idiniin niya pa ang mga labi ko sa labi niya.

Sa pagdikit ng mga labi namin. Ibat ibang imahe ang bigla kong nakita. Ang sarili kong nakatayo, mag isa at walang kasama. Pinapanood ang mga puno na nililipad ang mga dahon. Maya maya lang ay nagkaroon nang madilim na pangyayari.

Nakita ko ang sarili ko na nakahalundusay sa mga tuyong dahon. Kitang kita ko kung paano, hipan ng malakas na hangin ang mga abo ng katawan ko.

Nagbago bigla ang paligid ko.

Kinabahan ako sa nakikita ko. Mga demonyo, mga alagad ng kasaaman at mga hindi normal na nilalang. Isa isa silang lumapit sa akin at agad silang nataboy nang isang malakas na hangin na nagmumula sa akin. Tinignan ko ang mga katawan ko, mga kamay ko. Hindi normal katulad ng iniisip ko. May mahahabang kuko at matatalas at mapupulang tingin. Kakaiba. Ibang-iba sa normal na Xana Etroia.

Hindi ako normal.

Muling nag iba ang mga imahe. Ako ang nakatayo at maya maya lang ay bigla biglang matutumba. Ang mga pangyayaring 'yon ay nangyayari lamang kapag ang katawan ko ay pinipilit na ilabas kung anong tunay na nasa loob nito.

May dugo rin akong demonyo? Paano nangyari 'yon? Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko. Sinabi ko noon sa sarili ko na malinis ako, wala akong pinapatay na mga tao at walang dugong kasamaan ang nananalaytay sa akin pero sa mga nakikita ko, kabilang ako doon. Nakakapanlumo.

"Hindi mo siya pwedeng kunin!" Sigaw nang babae na may hawak na baby.

"Hindi! Akin 'yan! Anak ko yan! Ang panibagong prinsesa ng mga demonyo!" Sumigaw ito na nakakapangibalot sa akin.

Biglang sumulpot ang mukha ng isang lalaki sa madilim kong paligid.

Hindi ko na kaya.

Agad akong umalis sa pagkakalapat ng mga labi ni Metria. Hindi maaari. Hinihingal ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. Lahat ng nakita ko ay ang tunay na ako. May hindi pa pala ako nalalaman sa sarili kong pagkatao. Pati sarili ko hindi ko na kilala.

"Alam mo na?" Ngising pagtatanong sa akin ni Metria.

"May alam ka ba?" Nanginginig kong tanong sa kanya. Hindi ko alam na pwede pala akong maging isang kampon ng kadiliman at anong sinasabi doon na panibagong prinsesa?

"Oo, tuwing mahihimatay ka laging nangyayari sayo 'yon. Hindi lang naman ikaw ang prinsesa ng mga demonyo kundi pati ang nanay mo."

Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya. Pati ang nanay ko nasabit pa. "Anong nanay ko? Normal ang nanay ko. Normal din ako!" Pagpupumilit ko dito.

"Xana, hindi ka normal. May dugo ka nang demonyo, hindi ko alam kung kanino mo nakuha. Sa nanay mo ba o sa tatay mo. Pero isa sa mga posibilidad. Isang demonyo ang isa sa mga magulang mo at pwedeng ang tatay mo ang demonyo at ginawang prinsesa ang nanay mo."

"Kung demonyo ako, bakit mo ako tinutulungan?"

"Kasi gusto ko at sa kapatid ko." Malamig nitong sagot sa akin. Nilingon siya at nakatititig lamang ito sa mga mata ko. Pansin ko rin sa mga mata nito. Niyakap ko si Metria. Hindi ko alam, may namumuo na ba akong

Pero sa mga oras na ito ay hindi pa namin pwedeng pagka abalahan ang mga ito.

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. "Kailangan na natin mahanap ang The Life Taker!" Tumayo kami at nagsimula nang maglakad.

Wala pa rin kaming alam kung saan namin makikita ang Life Taker basta dinadala na lang kami nang mga paa namin kung saan saan. Kung demonyo pala ako, bakit ako ang pinupuntirya ng Life Taker at gusto nitong patayin at bakit hindi ko maramdaman sa sarili ko na isa akong kampon ng kadiliman.

Siguro dahil hindi naman talaga ako masama. Dugo ko lang ang nananalatay sa katawan ko hindi ang buhay ko. Mabuti pa rin ang hangarin ko na maligtas at maibalik ang kapayapaan sa paaralan ko.

"Nandito na ata tayo." Napahinto kami sa isang mataas ng pintuan na halos kataas na nang dalawang pinagpatong na building. Nilingon ko si Metria at hinawakan na lamang nito ang mga kamay ko.

"Xana, kahit anong mangyari. Huwag kang humiwalay sa akin. Sa akin ligtas ka." Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko at ramdam ko naman sa boses nito ang kanyang sinseridad.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sa kaba ba o sa kilig na nadarama ko. Dahan dahan kaming naglakad patungo papasok sa loob. Ngunit hindi namin ito mabuksan dahil sa sobrang laki at bigat nito.

"Gumawa ka na lang ng portal." Ani ko kay Metria.

Mabilis itong umiling sa sinabi ko. "Hindi pwede, masyadong delikado kung gagamitin natin ang portal. Walang kasiguraduhan kung saan tayo mapapadpad nito. Kung sa normal na mundo ay nagagawa ko pero hindi dito."

Napatango na lamang ako sa mga sinabi nito.

Hindi ko pa rin maisip kung bakit hindi man lang nabanggit sa akin ni mama na may dugo kaming demonyo. Ang ayoko kasi, ang marumihan ang malinis kong pagkatao.

Sinubukan gamitan ni Metria ng kapangyarihan niya ang pintuan subalit hindi talaga kayang mabuksan buksan dahil sa tibay nito. Masyadong matibay ang pag kakagawa sa isang pintuan na sobra sa kataasan.

"Saan niyo balak pumunta?! Wahaha!" Napaharap kami ni Metria at nakita namin ang libo libong nilalang nakapalibot sa amin. "Sa amin ka mapupunta, prinsesa!" halakahak pa ng mga ito.

Mukhang mapapalaban pa kami bago namin harapin ang Life Taker.

Ang demonyong mga walang patawad kung pumatay.

Agad nagsilusuban ang mga ito, isa isa silang tinitira ni Metria gamit ang mga kapangyarihan nito. Agad din akong nakaramdam ng pagbabagong anyo. Ngayon, kontrolado ko na ang sarili kong kakayahan, napangisi na lang ako.

"Metria, handa na rin ako." Sinugod namin ang nilalang na papalapit din sa amin.

Walang makakapatay sa akin. 

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now