Teaser

2.6K 78 4
                                    

Kilala ang pinapasukang paaralan ni Xana bilang isang 'Impyernong Paaralan' dahil sa mga hindi maipaliwanag na kababalaghan. Maraming usapin tungkol sa paaralan, mga kahindik hindik na storya na siyang kinatatakutan. Balakin mo mang umalis, may kapalit ang bawat aksyon na iyong gagawin. Tila may malas ang paaralan na siyang nadadala ng mga estudyante.

Hanggat sa dumating ang araw kung saan natuklasan ni Xana ang kanyang tinataglay na abilidad na makasalamuha ang mga demonyo. Isang paraan na naging daan ni Xana para matigil ang lahat ng ito at ang isugal ang kanyang buhay at kaligtasan.

Sa kanyang pag-aala tagapagligtas ay makakaharap niya ang naging puno't dulo ng lahat. Ang The Life Taker. Gagawin lahat ni Xana para matigil at matapos nang tuluyan ang kadiliman ng Life Taker pero paano niya tatanggapin ang lahat kung ang bawat kadiliman ay may tinatagong sikreto? Handa nga bang isugal ni Xana ang sariling buhay sa kapalarang walang kasiguraduhan? Magwawagi nga kaya si Xana sa kamay ng Life Taker? O sa huli, kadiliman pa rin ang magwawagi?

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now