Chapter 16

560 30 6
                                    

Chapter 16


PAGKAPASOK ko sa puting portal ay agad akong dinala nito sa paaralan. Ramdam kong nagbalik normal na ang mga katawan ko. Nangangamba rin ako, bakit pa kasi kailangan ng pulang punyal para kalabanin ang nilalang na 'yon. Kung tutuusin siguro, mahina na lang 'yon kasi matanda na lang siya. Hindi na ako hihingi ng tulong kay Metria. Ayokong magkaroon ng utang kay Metria kung ang maging kapalit ay maging ang buhay ko.

Ang ingay ng buong paaralan. Ilang beses na rin hindi ako nakapasok dahil sa mga nangyayari sa akin. Tiyak na babagsak ako nito sa iilan kong mga subject. Nahinto lang ako sa paglalakad nang may makita akong babae na umaangat mag isa na tila nahihirapan. Nakahawak siya sa mga leeg niya na may pilit ditong itinatanggal. Nakita niya ako, inabot niya ang kamay niya tila ba humingi siya nang tulong sa akin. Hindi ko nakikita ang nilalang na pumapatay sa kanya.

Hinawakan ko ang kwintas ko at muling itinuon ang tingin sa dalaga. Pero huli na, nalaglag ito at wala nang malay. Agad ko itong nilapitan at hinawakan ang pulso. Marahan kong pinakiramdaman pero wala na. Patay na ang babaeng ito. Napa atras ako nang bigla biglang naging abo ang mga katawan nito.

Tumayo na ako. Naiinis na ako. Wala talagang magawa ang Life Taker na 'yon kahit sino sino na lang ay pinapatay niya.

"Miss Xana, saan ka pupunta at may klase tayo! Balik!" Tinitigan ko lang ang propesor ko. Sumunod na lang ako sa kanya, pwede naman akong magdahilan para makaalis sa klase niya.

Nang makapunta kami sa silid ay laking gulat ko lang na kakaunti na lang ang estudyante dito sa silid. Wala sa upuan si Metria at Jester.

'Teka si Jester nga pala!'

Pinapunta na ako sa upuan ko ng propesro. Hindi na kami lalagpas ng bente dito sa silid, siguro kagagawan ito ng Life Taker kaya paunti ng paunti ang mga estudyante. Hindi ko alam kung paano matatapos ang kagagawan ng Life Taker pero hindi pa ito ang nahuhuli, narararamdaman kong may mas matindi pa sa gagawin niya.

Turo ng turo ang propesor ko pero wala ang utak ko sa mga tinuturo niya. Mas pinagtutuunan ko nang pansin kung paano matitigil ang mga pangyayari para maging maayos at mapayapa ang lahat.

Iniangat ko ang ulo, gulat ko na lang nang lahat sila ay nakatingin sa akin maging ang propesor.

"Tumayo ka daw." Napalingon ako sa katabi ko. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang makita ko si Metria dito.

Hindi ko na siya pinansin kaya tumayo na lang ako.

Biglang huminto ang lahat. Tila naging bato silang lahat. Nanginginig ang mga binti ko. Napalingon ako kay Metria na walang ginagawa. Pinapaikot ikot niya lang ang ballpen sa mga daliri niya. Ibinalik ko ang mga tingin ko sa mga kaklase ko. Normal na ulit. Nakahinga ako nang maluwag.

Ano na naman bang nangyayari?

Umupo na ako dahil hindi ko alam ang maisasagot sa propesor. Pero nang paupo na ako, pinalabas naman niya ako. Aangal na sana ako nang biglang nagboluntaryo si Metria na samahan daw ako. Wala akong magawa kasi naiirita na talaga ako sa kanya. Kinakabahan kasi baka may gawin siyang masama sa akin.

Hindi malayong mangyari na patayin niya rin ako, sa mga tulong na ginawa niya. Alam kong buhay din ang kapalit no'n.

Umupo ako sa tabi ng pintuan gano'n din naman ang ginawa ni Metria. Hindi ko siya nililingon. Ayoko ding humingi nang tulong sa kanya.

"Ano nang balak mo ngayon?" Biglang tanong niya sa akin. Hindi ko siya nilingon.

"Ako nang bahala do'n." Sagot ko.

"Kung gusto mo nang tulong, nandito lang ako." Hindi ko na napigilan na hindi siya lingunin.

"Kung hihingi ako sayo ng tulong? May kapalit ba yan?!"

Natawa tawa siya sabay ngumisi. Parang baliw, kaasar!

"Kailan ba kita hiningian ng kapalit, ilang beses na kitang tinulungan."

"Hindi mo ako papatayin?" taka kong tanong sa kanya.

Tumaas ang kilay niya na nakatingin sa akin. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Maliban na lang kung gawin mo sa akin 'yon pero pasensya na rin noon sa ginawa ko sa'yo, hindi ko dapat gagawin sayo 'yon nadala lang ako ng damdamin ko."

Ilang minuto rin akong nakatitig sa kanya. Napatingin ako sa mapupulang labi niya, sa mapupungay niyang mga mata. Sa ilong niya na sobrang tangos.

Unti unti siyang lumapit. Tila nabato ako sa kinauupuan ko at hindi ko maigalaw ang ulo ko. Palapit siya ng palapit hanggat sa nararamdaman ko na ang paghinga niya. Napapikit na lang ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Tila sasabog na, hindi ko alam sa kaba ba o sa nararamdaman ko ngayong katabi si Metria.

Nakaramdam ako ng malambot na labi na dumampi rin sa labi ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Metria na hinalikan ako.

Agad din naman siyang umalis dito. Nakatingin lang ako sa kanya, tila natulala siya sa ginawa niya. Hinalikan ako ni Metria? Pero bakit?!

Tumayo si Metria at naglakad palayo sa akin.

"Saan ka pupunta?" Hindi siya lumingon.

"Hahanapin ang Life Taker." sabi niya.

"Hindi pa siya ang pakay ko, kundi ang nanay niya!" Napahinto siya sa paglalakad nang sabihin ko 'yun.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin.

"Siya ang kailangan kong patayin bago ang Life Taker, kaya kung pwedeng humingi nang tulong sayo ay mararapatin mo." Tumayo na rin ako.

"Anong tulong?" Sabay ngisi nito.

"Ang pulang punyal mo."

Natigil pa siya saglit pero may kinuha siya sa bulas niya at nilabas niya ang pulang punyal. Nakita ko ito dati sa kanya at nahulog niya. Nabalik din naman agad sa kanya nang makuha niya sa templo.

"Ang pulang punyal ay hindi gaanong kalakasan pero bakit ito ang hanap mo?"

"Hindi ko rin alam, pero yan ang sabi ng tumulong sa akin."

"Sino siya?"

"Hindi ko alam ang pangalan niya pero dito rin siya nag aaral dati. Isa siya sa mga nabiktima ng Life Taker. Sinira ang mukha niya."

Nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Metria nang sabihin ko 'yun.

"Bakit Metria?"

Umiling iling ito. "May naalala lang ako."

Napatango na lang ako sa kanya. Kahit ngayon hiwaga pa rin sa akin kung sino ba talag 'tong si Metria.

"Bakit sino ba siya? Saka bakit sinasabi niya sa akin na ikamusta ko daw siya sayo?" Nakayuko na lang kasi ito.

"Kapatid ko. Kung hindi ako nagkakamali."

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa kanya. Hindi ko rin naman alam na kapatid niya pala 'yun. Nakakagulat kung tutuusin. Ang kapatid ni Metria, pinatay ng isang Life Taker.

Siguro isang dahilan niya na 'yon para patayin at wakasan ang pamamalagi dito ng Life Taker.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now