Chapter 21
NARARAMDAMAN ko pa rin ang patuloy na pagbagsak ng katawan ko sa hangin na nakakapaso ng balat. Ramdam ko ang malamig na hangin at pinaghalong mainit nito sa likod ko. Tila hinahampas ito pero wala akong nararamdaman. Sa patuloy na paghulog ng katawan ko, unti unti akong nawawalan ng hininga, nahihirapan akong ibuga ang hangin sa loob ko.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Wala namang mangyayari masama sa akin. Nandiyan si Metria para tulungan ako.
Unti unting bumagal ang paghulog ko at naramdaman kong bumagsak ako sa isang malambot na bagay. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Metria na buhat buhat ako at salo-salo ng kanyang mga bisig. Nakatitig lang ito sa mga mata ko. Dahil sa sobrang kaba ko, niyakap ko itong lalaking buhat buhat ako.
Niligtas na naman niya ako.
Naramdaman kong may tumulo sa pisngi kong luha na agad ko din namang pinunasan ang mga ito. Humiwalay din ako sa pagkakayakap sa kanya. Tumitig ang kanyang mga mata sa akin. Napansin kong napatingin siya sa mga labi ko, kinagat niya ang mga labi niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Binaba na niya rin ako.
Pero sa pagbaba niya, muli akong nahulog. Hindi mismo sa lugar na 'to. Kundi kay Metria. Hindi ko alam kung bakit lagi siyang nandiyan kapag humihingi ako nang tulong, minsan hindi ko naman kailangan pero handa siyang protektahan ako. Hindi ko pwedeng ipagkaila na, nagkakagusto na ako sa taong ito.
Pero ayon nga sa gusto ko, mission first before anything else.
"M-Metria," Hindi pwede, nauutal ako. Hindi ata tama na umibig ako sa kanya. "Kailangan na nating tapusin ito."
Hindi siya tumugon sa akin pero hinawakan niya ako. Pumiglas agad ako kasi may naramdaman akong kakaibang bagay nang mag dikit ang mga kamay nami.
"Xana..." Seryoso at manly nitong binanggit ang pangalan ko. "Tara na..." Napailing itong naglakad. Nauna na naman ito sa akin maglakad sa akin, kaya wala akong nagawa kundi sundan na naman siya sa paglalakad.
Hindi ko alam pero halatang umiiwas sa akin si Metria. Wala akong alam. Wala naman akong ginawang masama diba? Wala naman.
Masyadong malayo na ang nilalakad namin pero hindi pa rin namin nakikita ang Life Taker. Kahit anong nilalang ay wala kaming nakakasalubong. Mainit ang lugar at sobrang pinagpapawisan na ako dito. Ibang klase ang impyerno.
Nakahabol ako sa Metria at nakasabay na ako sa paglalakad nito. Napansin kong tinignan niya ako sa gilid nang mata at binaling ulit ang tingin sa daan. Seryoso muli siya. Hindi niya ako kinakausap.
Anong gagawin ko? Hindi naman ako naiilang kay Metria.
"Nasa impyerno ba tayo?" tanong ko sa kanya kahit obvius naman sa paligid namin.
"Nandito nga tayo."
"Eh, nasaan 'yong sinasabi mong Dark World?" tanong ko pa.
"Nasa kabila ang daan no'n Xana, hindi rin naman doon ang kailangan nating puntahan kundi ang kaharian ng Life Taker." Aniya.
Napalunok na lamang ako ng laway at wala na akong maisip pa na itatanong ko sa kanya. Napakagat labi na lamang ako at bumuntong hininga na lang.
"May problema ka ba?" Mismo ako natauhan nang magsalita ito.
Huminto ako sa paglalakad, napansin naman niya ito at huminto rin siya. Humarap siya sa akin at dahan dahang lumapit. Hindi ko alam pero mismong mga paa ko ang umaatras tuwing lalapit siya.
"Metria, paano kung sinabi kong may gusto ako sayo?" Nakayuko ako at hindi ko inabalang iangat ang ulo ko.
Narinig ko itong ngumisi, siguro sa kanya wala lang 'yon nararamdaman ko. "Ano ba 'yang problema mo?"
Napansin ko ang mga paa nito na palakad palapit sa akin. Nakaramdam ako nang mga hawak niya sa pisngi ko, dahan dahan niya itong iniangat. Unti unti niyang inilapat ang mukha niya sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan, nadala ako nang tukso at pumikit na rin.
Nakaramdam ako nang pag init nang mga kamay at hindi ko makontrol at naitapat ko sa dibdib ni Metria. Napadilat ako at ilang sandali lang ay tumilapon si Metria.
Halos malaglag panga ako, mangiyak ngiyak nang makita ko siyang tumalsik palayo sa akin gamit lang ang mga naturang kamay ko. Kitang-kita sa malayo na iniinda ni Metria ang sakit na natamo niya mula sa akin. Pasensya na, hindi ko sinasadya gawin 'yon Metria. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Wala pa rin akong kontrol sa lahat.
Lalapit sana ako sa kanya pero ang bigat ng mga paa ko patungo sa kanya. Hindi ako maka alis sa kinatatayuan ko. Nakaramdam ako nang hilo at unti unting bumagsak ang katawan ko.
Mawawala pa ata ako ng malay.
ILANG oras ang makalipas at naramdaman ko medyo maayos at hindi na mabigat ang pakiramdam ko. Minulat ko ang mga mata ko at makita ko si Metria na nakatingin sa akin. Nasa binti niya ako at nakahiga dito. Napabangon agad ako sa kanya.
"Anong nangyari? Bakit hindi pa natin pinupuntahan ang Life Taker?"
"Hindi mo ba naaalala?" Napataas pa nitong kilay na nakatingin sa akin. Hindi ko maiwari na umiwas sa mga tingin niya. Nadi-distract ako sa mga titig niya.
"W-Wala..." Pag amin ko.
"Napapadalas ata, handa ka na ba malaman ang tunay na ikaw?" Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Metria. Hindi ko siya maintidihan. Ang naaalala ko lang naman ay nahulog ako at sinalo niya ako. 'Yon lang, wala nang iba.
"M-Metria... Tara na!" Tumayo ako hinintay ko siyang tumayo rin. Napansin kong bago siya tumayo ay napahawak pa ito sa mga dibdib niya at nakikita ko sa mukha nito ang sakit. Anong nangyari sa kanya? "Anong nangyari sayo?" Pag-aalala ko dito.
"Gusto mo talaga ako 'no?" Nagulat ako sa tanong niya at hindi ko na ulit pa siya tinanong. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
Naglakad na kami, hindi namin alam kung saan namin makikita ang Life Taker pero sigurado kami na dito sa impyerno naninirahan ang isang iyon. Ang walang kasing sama na pumapatay ng mga inosente na estudyante. Maghihiganti rin kami.
"Teka lang! Xana, ako nang bahala!" Pumunta sa harap ko rin Meria at hinarangan ako mula sa mga nilalang na biglang humarang sa amin. Mga nilalang na halos lumuwa na ang mga dila. Kampon siguro ito nang Life Taker o kung hindi man, sila ang mga gustong patayin ako. Nararamdaman ko na rin naman na malapit na namin siyang matunton.
Agad napatay ni Metria ang isang nilalang na nakapaligid sa amin. Pero may natitira pang dalawa. Sobrang lakas ng isa, kaya pa nitong pahabain ang mga dila at ipulupot sa kanyang katawan.
Minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin namin natatalo ang nilalang na ito. Hindi ako makatulong kay Metria dahil sa tuwing gusto ko lumaban, siya agad na pigil nito sa akin.
Hindi na ako nakatimpi pa nang ilabas nito ang napakahabang dila at dinikitan ang magkabilang balikat ni Metria. Agad nitong napabagsak si Metria. "Metria, Metria..." Nag aalala kong tanong sa kanya.
"Umalis ka na at lumayo!" Sigaw nito sa akin kahit nahihirapan siya. "Tumakbo ka na!
"Hindi!" Hindi ko na naramdaman ang katawan ko at sinugod na lang nito ang nilalang na halos lumuwa ang dila.
Agad ko itong napabagsak. Nakaramdam na naman ako nang pagkahilo, nawala na rin ang pakiramdam ko na mabigat pero tuluyang bumagsak na naman ang katawan ko. Mako-kontrol din kita, tiwala lang.
BINABASA MO ANG
The Life Taker (Published by LIB)
ParanormalPUBLISHED BY LIB Available in any Precious Pages Stores and all leading bookstores nationwide. The Life Trilogy #1 The Life Taker (Wattpad Revised Version)