Chapter 5

1K 45 7
                                    

Chapter 5


SUMUNOD naman sina Xana at Jester sa matandang lalaki. Gusto na sanang umatras ni Jester pero mapilit din si Xana dahil sa gusto nitong malaman ang sagot sa katanungan sa kanyang isip. Magkahawak nang mga kamay ang dalawa habang sinusundan sa madilim na lugar na ito. Bukod kasi sa madilim, tahimik din at mga yabag lang din nila ang naririnig. Hindi mo nanaisihin pa na pumunta dito dahil kung ano ano na lang din ang maiisip mo na imahe kapag nandito ka.

"Maghintay kayo rito." Sabi sa kanila ng matandang lalaki at naiwan naman silang dalawa sa labas ng isang pintuang gawa sa kahoy, as in hinfi pa furnished ang isang 'to, literal na pinagdikit-dikit lang ang mga kahoy at ginawang pinto. Bagaman madilim sa paligid ay nagkakaroon pa rin naman ng liwanag sa paligid dahil sa ilaw na nagmumula sa cellphone ni Xana.

"Ano ba kasing pinunta mo talaga dito, Xana!" sabi ni Jester sa kanya.

"May gusto lang kasi akong malaman. Matagal ko na rin kasing balak na pumunta dito pero pinagbabawalan ako pero ngayon chance ko na, hindi rin naman malalaman ni mama na dito tayo nagpunta." Ngisi pa ni Xana. "Saka, hindi naman tayo magtatagal kaya 'wag kang bading diyan." Asar pa niya sa kaibigan niya.

"Oy! Sinong bading!" aniya. At ilang saglit lamang ay umangal na ito, "bakit ang tagal kasi.

"Naku Jester! Tigil-tigil mo nga ako." Sabi ni Xana dahil todo na kapit nito sa braso niya. "Alam mo 'wag kang masyadong duwag Jester kaya madalas kang pakitaan eh."

Ngumuso na lang din naman si Jester sa sinabi ng kaibigan nito. Tama nga rin naman si Xana dahil minsan ang takot ang nagiging daan ng mga nilalang na 'yon para mas mapadali ang pag-atake nila o pumasok sa isang katawan ng tao.

Sa kabilang banda naman ay abala ang matandang lalaki na may hinahanap sa kanyang lumang mga libro. At nang mahanap naman nito ang libro na kanina pa na hinahanap ay binuklat agad nito sa pahina kung saan nandoon ang pulang punyal. Lumang luma na rin mga papel ng libro dahil sa sobrang tagal na at kaunting maling hawak mo man lang ay maaaring mapunit na ang mga ito.

Binasa naman ng matandang lalaki ang pahinang iyon kung saan may litrato pa ng pulang punyal na nakuha ni Xana mula kay Metria. "Ang pulang punyal ay may hindi natatanging kapangyarihan na kung sino ang nagmamay-ari ay siya lang ang makakagamit. Magliligtas ito sa kapahamakan ng isang normal na tao."

Napakunot noon na lang din naman ang matandang lalaki. Inisip nito kung sinong nagmamay-ari ng ganitong pulang punyal dahil tanda niya pa noon na parang nakita na niya ang ganitong uri ng bagay mula sa kanyang mga naging mag-aaral. Alam naman ng matanda na may natatangi itong kapangyarihan, pero iba ang gusto nitong malaman ngunit di nakasaad sa pahinang iyon. Binasa muli ng matanda ang iba pang mga nakasulat. Pero hindi niya talaga mahanap iyon. Kumuha ang matanda sa isang garapon kung saan may mga laman itong pulseras. Pulseras na puro patulis ang mag hugis. Inilapag niya ang libro at lumabas na sa pinto dala dala ang pulseras sa kamay.

"Mga bata! Sino ba ang nagmamay-ari niyan?" Tinanong nang matanda ang dalawa. Bumalik ang dalawa sa katinuan dahil kanina pa sila hindi mapakali nang may simisitsit-sitsit sa kanila. Itinaas ni Xana ng punyal at tinignan ito.

"S-si." Sasabihin pa lang sana ni Xana kung sino nang may umagaw nito mula sa kamay niya.

"Ako." Si Metria. Nanlaki ang mata ng dalawa at hindi makapaniwala na makita si Metria sa harap nila. Yumuko ang lalaki upang magbigay galang sa matandang lalaki. "Paumanhin Master Hanu. Nakuha ko lamang ito sa aking mga magulang at ninakaw sa akin ng kaklase kong ito." Matalas na titig ni Metria kay Xana.

Agad naman akong napa-atras, "naku! Wala po akong ninananakaw diyan!" nanginginig pang sabi ng babae.

"Xana, bakit mo ginagawa 'yon?" bulong ng kaibigan nito.

Wala nang nagawa pa si Xana na parang ang mga kaba at takot ni Jester ay nalipat sa kanya.

"Ikaw pala 'yan Metria, tama nga ang hinala ko na sa'yo ko 'yan nakita noon." Ani ng matandang lalaki. Ang mga pulang punyal na 'yon ay galing sa mga magulang ni Metria na binigay sa kanya gamit pangtanggol sa kanyang sarili sa mga hindi normal na nilalang.

"Opo, Master! Sige po, mauuna na ako." Bago pa tuluyang umalis si Metria ay tiningnan pa nito si Xana at saka agad tumalikod si Metria dahil nagmamadali rin ito. Nagkaroon kasi ito ng kutob na na kay Xana ang kanyang pulang punyal ay sinundan niya ito hanggat sa dalhin din siya sa temple.

"Master niya po kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Xana sa matanda.

"Oo, wala na kayong dapat ikabahala nasa mabuting tao naman pala ang bagay na iyon." Nagtinginan ang dalawa sa sinabi ni Hanu. Nasa mabuting tao, sumagi sa isip ni Xana iyon. Paanong nasabi ng matandang lalaki na mabuting tao si Metria kung gayon hindi pa buo ang tiwala ni Xana doon dahil baguhan lang din naman ito sa kanilang paaralan. At isa pa 'yon sa iniisip ni Xana, kung bakit nagkaroon pa ng transferee sa kalagitnan ng kanilang taon.

"Pero ano pong meron doon?" Dagdag ni Xana. Umiling na lamang sa kanya ang matandang lalaki at tinapik siya sa balikat.

"Wala ka na dapat malaman pa." Tango at mahinang sagot lang ang kanyang natugon.

"Mauuna na po kami." Hinatak hatak ni Xana ang kaibigan upang umalis na silang dalawa.

"Maiwan ka Jester." Nahinto ang dalawa sa paglalakad nang tawagin si Jester ng matanda.

"Ako po? Tinatawag niyo ako? Pangalan ko 'yon diba? Ako nga." Turo ni Jester sa sarili.

"Baliw, sino pa ba Jester dito?" Binatukan siya ng kaibigan.

"Maiwan mo muna kami, may paguusapan lang kami." Ani Master Hanu.

"Ayoko nga." Pagtanggi at angal ni Xana. Lumapit ang matandang lalaki kay Jester at hinawakan ito sa kamay. "Maghintay ka dito!" matalim na sinabi sa kanya ni Master Hanu.

Naglakad ang dalawa papunta sa kwarto kung saan hindi sila makikita ni Xana. Napakibit balikat na lang si Xana at dahil na rin sa takot tumakbo na lang palabas ng templo at doon na lang niya hihintayin si Jester.

Ilang minuto lang ay lumabas na rin si Jester ng templo at tumungo papunta sa kaibigan. Tumayo si kinauupuan si Xana. Pinagpagan ang puwitan na nadumihan.

"Anong pinag usapan niyo?" Tanong ni Xana.

"Hindi naman importante kaya wala 'yon." Naglakad na lang silang paalis ng templo pero may isang bagay na tinatago si Jester na ayaw ipakita kay Xana. Ano kaya 'yon? At ano ang pinag-usapan nila ni Master Hanu. Nakakapagtaka naman.

The Life Taker (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon