Chapter 20

499 23 8
                                    

Chapter 20


XANA

"METRIA! METRIA!" Hingal na hingal ako sa paghahabol ko kay Metria kasi parang naglalakad na tumatakbo ang ginagawa niya e ako naman itong tumaktakbo na, hindi ko pa rin siya masabayan sa kanyang paglalakad. Hindi niya rin ako nililingon kaya napapaisip ako kung anong nangyari sa amin dalawa o kung anong meron sa kanya. "Metria naman..." usal ko at napatigil naman ito sa kanyang paglalakad at humarap sa akin ng dahan dahan na sa tingin ko ay guilty pa siya sa pagtawag ko pang iyon.

Kaasar.

"Kung gusto mo talaga gawin ang misyon na 'to Xana, sumunod ka na lang at please lang, shut your fucking mouth."

Napatihimik din naman agad ako sa sinabi niya at muli naman siyang naglakad kaya sinundan ko na naman muli siya. Meron kaya 'to ngayon kaya ang sungit? O bipolar lang talaga ang isang 'to, hindi mo masasabi na mabait siya sa oras na 'to kasi mamaya-maya din ay susungitan ka lang. Mas lalo kayang nakakabadtrip 'yon.

Hinihingal na ako sa isang ito. Pumasok kami sa isang kweba at hindi ko alam kung anong gagawin namin dito. Ang sinabi niya lang sa akin ay meron daw kaming kailangang kunin na instrument para mapatay ang Life Taker at kung ano man'yong kukunin namin, wala talaga akong ideya dahil ayaw niya rin sabihin sa akin kaya para akong na sumusunod na lang sa kanya.

May sinabi rin sa akin si mama bago ako sunduin ni Metria ay 'wag ko daw masyadong ipagkatiwala kay Metria ang lahat ng nalalamanan ko pero sinabi ko naman kay mama na wala naman akong alam sa mga nangyayari kaya wala talaga siyang makukuha sa akin na impormasyon o kung ano man 'yon.

Nang medyo tumatagal na rin kami sa paglalakad papasok ng kwebang ito ay biglang dumili ang kapaligiran. "Metria?! Metria?! Nasaan ka?!" tawag ko sa pangalan nito.

Nagkaroon ng ilaw na nagmumula sa kwintas ko kaya muli kong nakita si Metria na nasa harapan ko na mismo. Nang mapansin niyang nasa harap ko siya ay agad din itong umalis. "Tumabi ka lang sa akin, wag kang lalayo. Baka mapahamak ka pa." Babala nito sa akin.

Hawak hawak niya ang kamay ko habang tinatahak namin ang madilim na kweba. Hindi tulad noon na kahigpit ang hawak niya sa akin. Hindi namimintig ang mga pulso. Tila nakaramdam ako ng kasanayan sa kanya.

"May nararamdaman ka ba?" Napatingala ako para makita ang mukha niya.

"W-wala." Utal ko pang tugon sa kanya.

"Manhid ka kung gano'n." Hindi ko alam kung anong irereact ko sa kanya. Kung manhid ako, hindi ko sana mararamdaman ang mabilis na tibok nang puso ko sa tuwing hahawakan mo ang mga kamay ko.

Kahit papaano pala ay mas namumuwati ang good side ni Metria.

Huminto si Metria sa paglalakad kaya ako nagtaka naman ako at nahinto na rin sa paglakakad.

"B-bakit?"

"Pumwesto ka lang sa likod ko." Dali dali naman akong nagtago papunta sa likod niya. Hindi ko alam na may matikas din pala itong pangangatawan. Matangkad din siya sa akin dahil hanggang balikat niya lang ako.

"Hindi kayo makakatakas." boses nang isang lalaki ang biglang umalingawngaw sa kweba. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ito na naman ang labanan. Mapapasabak na naman kami sa laban ng mga demonyo o kung ano mang klaseng nilalang ang sumagupa sa akin. Hindi kami magpapatalo.

May nagliparang mga paniki sa ibabaw namin kaya napaupo kami ng hindi sa oras. Hindi tumitigil sa dami ang paniki, tila hindi nauubos. Parang walang katapusan na dumadaloy ang mga maiitim na panicking iyon sa itaas namin, tila mga mapupulang mga mata lamang nito ang maaaninag mo. Nakakakilabot.

"Tara na, do'n na tayo." Tumango ako kay Metria at dahan dahan lang kaming naglakad na bended knees para hindi kami mahagip ng mga nagliliparang mga paniki dahil kung hindi kami mag-iingat ay baka atakihin pa kami ng mga ito. Delikado na.

Nakarating kami sa dulo nang kweba. May pintuang nakasara dito na kulay dilaw. Nawala na rin ang mga nagliliparang paniki sa ibabaw namin kaya nakakalakad na kami ng maayos. Lumapit kami sa pinto at sinuri ni Metria ang pintuan. Paano nagkaroon ng pintuan dito?

May inilabas na bagay si Metria at itinapat sa mismong kandado nito. Nagkalasan naman ang mga kinakalawang na kandadong iyon nang ilabas ang puting liwanag mula sa sandata ni Metria.

"Tara na pumasok na tayo," Bahagyang itinulak ni Metria ang pinto ay tuluyang pumasok. Mapapansin namin na hindi ganoon kalakihan ang silid na ito dahil pabilog lamang ang pasilidad at tambak ng kung ano-anong mga gamit ang nandito. Hindi na rin naman ako nag paligoy pa at sumunod na dito. Ang liwanag pa rin ng kwintas ko ang nagsisilbi naming ilaw.

Umagaw naman din sa atensyon ko ang bagay na nasa gitna mismo ng bilog na silid na ito. "T-teka ano 'yan?" mangha ko pang tanong.

Humarap ito sa akin si Metria at ngumisi. "Ang sagradong kutsilyo."

Kinuha niya ito at tinitigan. Ilang sandali lang ay nakaramdam kami ng pagyanig ng lupa. Agad akong lumapit kay Metria at kinapitan ang mga braso nito. Hinawakan niya ang kamay ko. "Huwag kang mag alala, nandito lang ako."

Gumawa ng portal si Metria at ilang sandali lang ay pumasok kami sa portal na 'yon pero bago kami pumasok ay may napansin akong mga anino na tila pasugod sa aming dalawa ni Metria pero mabuti na lamang ay nakapasok kaagad kami doon at isa-isang gumuho ang silid na iyon. Niluwa naman kami ng portal sa labas ng kweba at ang kweba ngayon ay naharangan na nang mga malalaking bato.

Hinihingal akong lumabas ng portal kaya nagpahinga muna ako saglit. "Metria, nakita mo ba yung mga anino kanina?"

"Hindi." Malamig nitong sagot. Siguro hindi niya talaga nakita. Napakibit balikat na lang ako sa kanya.

Kung iyon man ang mga nilalang na gustong pumatay at magwakas sa buhay ko ay hindi rin ako magpapatalo. Kung nandiyan ang Life Taker na gusto ako ang kunin, hindi rin naman ako magpapatalo sa mga nilalang upang pigilan ko ang mga gagawin ko.

Ilang saglit lamang ay nagsimula na namang maglakad si Metria at iniwan na naman ako dito. Sinundan ko naman siya sa abot nang makakaya ko.

Nagbukas na naman muli siya nang portal at pumasok ito sa loob. Dali dali akong tumakbo papasok sa portal na pinasukan niya. Mabuti na lang naka abot naman ako.

Pagkaluwa ng portal sa akin ay nakaramdam ako ng pagtaas ng mga kinain ko sa sikmura ko. Nasusuka ata ako doon, hindi ko talaga maiwari ang pakiramdam ko kapag pumapasok at niluluwa ng portal. Halo-halo ang pakiramdam ko. Minsan nakakahilo, hindi mo talaga mapaliwanag. Siguro masasanay na lang din ako.

Nang mapansin ko ang paligid ay kakaiba.

Nasa ibang dimensyon ako. Hindi pwede.

Hindi rin ako nagkakamali kung nasa impyerno ako.

Nakita ko Metria na nakatingin sa akin, lumapit ako sa kanya pero may biglang humigit sa kamay ko na kung sino man at ay pakiramdam ko nahuhulog ako sa walang hanggan na mainit na hangin ng impyerno.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now