Chapter 10

992 42 1
                                    

Chapter 10


Pakiramdam 'ko lumulutang ako sa kawalan. Pakiramdam ko unti-unti nang nawawala ang gravity ng earth. Pakiramdam ko tumigil ang buhay ko ng ilang segundo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung kasama ko pa ba si Jester sa tabi ko. Hindi na maalis sa tenga ko ang mga tawang iyon na akala mo naka-repeat na at hindi ko na mahinto. Hindi ko maidilat ang mga mata ko at nakapikit lang ako sa kawalan na kung saan patuloy lang ako sa pagbagsak. Walang akong ideya. Wala na ba ako?

Pakiramdam ko hangin na lamang ako na tinatangay kung saan saan hanggat sa bumagsak ako sa sahig na tila wala man lang akong naramdaman. Tila wala akong naramdaman ni kahit anong sakit. Wala.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Gaya ng napaginipan ko, nasa madilim na lugar ako. Hindi ko alam kung saan o anong meron dito. Maya-maya lamang ay may nakita akong umiikot na bagay na nakalutang sa isang ere.

"Isang portal?" tugon ko dahil hindi naman sa kalayuan ay kitang-kita ko ang portal na 'yon.

Dali-dali naman akong tumakbo doon sa portal na 'yon at hinigop na lang ako pagkapasok na pagkapasok ko.

Ngayon hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Wala akong alam sa lugar na ito at bakit ako napunta dito? Nasa isang liblib na lugar ako hindi ko pa napuntahan o nakita kahit kailanman sa buhay ko. Parang ang layo mula sa kabihasnan. Mahangin ang lugar, wala akong napapansing mga taong nasa paligid ko. Nasaang mundo ba ako?

Naglalakad lakad lang ako dito sa lugar na ito, nang may nakita akong naglalakad ng pasuray suray at agad agad naman akong nagtago sa may mga basurahan. Kahit medyo umaalingasaw ang amoy ng mga basura ay pinilit kong tisiin para lamang makakapagtago mula sa nilalang na iyon. Gumawa ako nang butas para makita kung sino o ano man 'yon. Pero nang matanaw ko kung sino 'yon ay napakunot noo na lang din naman ako.

Hindi ko kilala pero isa lang ang masasabi ko. Nasaang mundo na ba ako? Bakit may zombie dito? Nananaginip ba ako? Hindi naman siguro nasa pelikulang The Walking Dead ako diba. Nahihibang na ako o lumawak lang ang imahinasyon ko? Nang sinilip ko ulit ang butas. Palapit na ito ng palapit sa lugar na kinalalagyan ko. Kinakabahan ako dati first time kong makakita ng zombie sa tanang buhay ko. Kung nasaang mundo man ako, tiyak na hindi ko na 'to babalikan. Bakit ko pa kasi pinasok ang portal na 'yon! Nakakapangsisi!

Napapikit na lang ako nang marinig ko palapit ng palapit ang mga ungol ng nilalang na iyon. Hindi sapat ang lakas ng kwintas ko sa mundong ito dahil ngayon dapat nililigtas na ako nito pero wala e. Masyadong delikado ako dito, hindi ko alam kung nasaan na ako. Jester, nasaan ka ba? Pakana ba ito ng Life Taker na sinasabi ni Metria? Sino ba siya at bakit ginagawa niya ang lahat ng mga ito, pati ba naman ako nadadamay na.

Nagtaklob ako nang basurahan at nagtago kahit na alam kong mabaho ito. Makatakas lamang sa mga 'yon.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago alisin ang basurahan sa tabi. Huminga ako ng malalim at nasinghot ko lahat ang amoy ng basurahan. Xana, kalma ka lang. Mga zombie lang 'yan, hindi mo yan ikamamatay pwera na lang kung lapain ako ng zombie na 'yon. May mga ilan pa akong nakitang zombie na pagala-gala sa mga kalsada kaya hindi pa safe kung lalabas na kaagad ko.

Kaya nagpalipas ako ng ilang minuto at nang masigurado ko namang wala nang mga zombie sa paligid ay naging kalmado na rin ako.

Nang alisin ko ang basurahan sa paligid ko ay agad agad din naman akong naglakad kung saan saan hangga't sa may nakita akong karatulang may nakasulat na 'Welcome to Hell Village Hindi ko alam kung kikilabutan ba ako sa nabasa ko o dahil nasa mismong lugar na ako. Hell Pavilion', wala akong alam na ganitong lugar. Ni hindi ko nga nababasa sa mga horror stories ito e, pero kung saan man ito tiyak na hindi ko gusto mamalagi rito.

"Nagugutom na ako." Aniko nang bigla na lang ako nakaramdam nang pagkagutom. Saan ako kukuha ng pagkain? Hindi ko alam kung meron bang grocery stores dito o kahit tindahan man lang pero ayon sa mga nakikita ko ay malayo sa kabihasnan may mga ilang kabahayan sa paligid at 'yon lang ang makikita mo. Natanaw ko ang mga iilang bahay bahay sa bandang dulo ng lugar na ito. Hindi ako gumagawa ng ingay habang naglalakad baka kasi mamaya may makarinig at makakita sa akin at lapain pa ako ng buhay. Ayokong mangyari 'yon, iyong nilalapa ka. Naku naku!

Napansin ko namang bahagyang bukas ang pintuan ng isang bahay na katabi ng isang restroom. Kung subukan ko kayang pumasok baka merong makakain man lang. Pampalipas gutom lang din naman.

Lumapit ako sa pintuan at dahan dahan itong itinulak na walang kaingay ingay na maririnig. Madilim ang loob ng bahay, kinapa ko ang gilid ng dingding kung meron bang switch ng ilaw at sakto naman ay meron naman. Agad ko itong binuksan.

Nang lumiwanag naman ang kapaligiran ay napansin kong maluwag ang pasilidad na ito. Pinangalibutan lang ako ng makakita ako ng mga bahid ng dugo sa sofa. Hindi ko na 'yon pinansin kundi nagdire-diretsyo na lang ako kung nasaan ang kusina. Dali dali kong binuksan ang refrigerator at sakto naman ay maraming pagkain at dali dali ko itong kinuha.

Umupo ako sa may dining table at nagsimulang kumain.

Matapos ang ilang minuto na pagkain ko ay busog na rin naman ako. Pero sa kabila ng pagkabusog ko ay nakaramdam ako ng pagtayo ng balahibo. Tila sa bawat galaw ko ay may nakatingin sa akin. Tumigil ako, pinakiramdaman ko ang paligid ko.

Agad nabaling ang tingin ko nang may isang mabilis na anino akong natanaw. Hindi naman siguro dala ng gutom ito dahil busog na ako. Tumayo ako, nanginginig na ang mga tuhod ko. Kinakabahan ako.

Tila kabog ng dibdib ko na lang ang naririnig ko.

"BWAAAAAAH!" Isang boses ng lalaki ang narinig kong sumigaw. At may kaboses pa 'to.

Lumapit ako nang dahan dahan at nang magkita kami. "BWAAH!" Hindi ko siya namukhaan kundi, isang portal ang bumukas at hinigop ako papasok.

Saan ako dadalhin nito?

At teka, si Jester ba 'yon?!

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now