Chapter 18

531 28 0
                                    

Chapter 18


METRIA

SABAY-SABAY na sunod sunod na kalabog ang narinig namin kani-kanina lamang tapos nawalan pa ng malay si Xana. Agad ko naman siyang sinalo para hindi mahulog. Nagulat lang ako sa kanya na mag iba ang kanyang mga mata. Nakita ko na ito noon at ngayon muli ko na namang nakita. Hindi ko alam kung anong senyales 'yon pero alam ko ang ibigsabihin ng mga matang 'yon.

Hindi normal si Xana. May katawan siyang kayang labanan ang mga nilalang na hindi nakikita.

inala ko si Xana agad sa clinic ng paaralan. Hinihintay ko lang siyang magkaroon ulit nang malay. Nakaupo lang ako sa tabi niya. Hindi rin ako minsan panatag kay Xana. Minsan ko nang pinagdudahan ang isang 'to. May mga gusto akong malaman sa buhay niya dahil sa nagiging kababalaghan din sa paaralan an ito at isa na rin doon ang pagkakaroon ng kwintas

"A-ah." Bigla itong bumangon at tumingin sa kin. "Anong ginagawa ko dito." Nakahawak sa ulo nitong tugon sa akin.

"Nawalan ka nang malay kanina." Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Bakit?" taka pa niyang tanong sa akin.

"W-Wala akong alam, siguro napwersa mo lang lakas mo." Ngumisi ako.

Bumalik ang tingin ko kay Xana na tinititigan na ako. Nanliit pa ang mga mata nito na parang may gustong alamin akin. I smirk.

"Anong tingin 'yan?"

"Metria? Sino ka ba talaga?" Napataas ang dalawa kong kilay nang tanungin niya kung sino ako. Umayos ako nang pagkaka upo at humarap sa kanya.

"Gusto mo akong makilala?" Walang ekspresyon ang mga mukha ni Xana at bagsak lang ang mga ito. Tumango ito sa akin.

"Hmm," Inalis ko ang tingin sa kanya. "Ako lang naman si Metria Xaxon. Anak ng makapangyarihan na espiritista. Kung tatanungin mo ako, kung paano ako nagkaroon ng kapangyarihan 'yon ay sa tungkol ng master ko. Si Master Hanu. Nagpaturo ako sa kanya kung paano malalabanan ang mga nilalang na hindi nakikita. Nagpaturo ako sa kanya dahil na rin sa kapatid ko na si Zessa. Gusto kong maghiganti sa Life Taker pero sa sobrang lakas nito hindi kayang tapatan ng mga tinuro sa akin ni Master Hanu. Walang makakatalo, pero may nakilala akong mas may higit pa sa kakayahan ko para matalo ang Life Taker." Tumingin ako kay Xana. Napalunok na lamang ito nang laway.

"S-Sino naman?"

"Ikaw." Halos malaglag ang panga niya nang sabihin ko ang pangalan niya.

"Anong ako?! Hindi! Hindi pwede!" iiling-iling pa niyang sabi sa akin na pakiramdam ko, ayaw niya gawin 'yon.

"Xana, tingnan mo. Ikaw lang ang naglakas loob na kalabanin ang Life Taker. Ikaw lang ang nakilala kong may kwintas na katulad ng suot mo na sa pagkakaalam ko at ni Master Hanu ang kwintas na 'yan ang binigay ng Life Taker sa isang espesyal na tao. Ikaw lang ang babaeng may lakas na sobra pa sa Life Taker."

"H-Hindi kita maintindihan!?"

"Halika at papaintindi ko sa'yo." Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at marahan idinampi ang labi ko sa labi niya. May naramdaman akong kuryente na dumaloy sa amin kaya napaigtad at umalis si Xana. "Kung gusto mo maintindihan, hindi ka dapat umalis at tiisin mo ang sakit."

Umiwas na lamang ito ng tingin sa akin.

"Hindi ko naman kailangang intidihan pa, okay na." Bumalik ang tingin niya sa akin. "Handa na akong kalabanin ang Life Taker."

Napakibit balikat ako sa sinabi niya at tumayo na lang. "Dumaan muna tayo sa templo ni Master Hanu upang mabigyan tayo ng kaunting babala."

Kung hindi iintidihin at aalamin ni Xana ang mga bagay bagay na nangyayari sa kanya. Hindi magiging maayos at ligtas ang kakalabasan ng kapangyarihan niya. Pwede niya pa itong ikamatay. Kung hindi lang talaga siya umalis sa pagkakadampi ng mga labi namin. Alam na niya sana.

Ang malambot niyang labi. Nandoon lahat ng katotohanan. Kung ano ang nakikita ko tuwing nagbabago siya ng anyo.

Naghintay muna kami ng ilang minuto para tuluyang maging maayos ang pakiramdam ni Xana. Pagkalabas namin ng clinic ay maraming estudyante ang nagkukumpulan sa harap ng pintuan palabas.

Agad kaming tumungo ni Xana doon.

"Si Metria 'yan diba?"

"Oo, ang hawt niya talaga!" kinikilig pa na sabi ng isa.

"Tama ka diyan, girl."

Napangisi na lang ako sa mga pinagsasabi nila kasi kahit mangyari, bawal mapalapit ang loob ko sa mga normal na tao dahil labag 'yon sa pinanggalingan namin, at si Xana, hindi naman siya normal kaya hindi ako nababahala.

Sarado pa rin pala ang mga silid at pintuan dito sa loob ng paaralan. Paano kami makakabalas nito. Ayokong gamitin ang kapangyarihan ko dito at madami lang makakakita at makakasaksi, tama na noon ang ginamitan ko ang isang estudyante na sinasaniban para umalis ang masamang kaluluwa nito sa kanya. Ayos na 'yon. Ayokong makilala nila ako ng tuluyan.

May biglang sumigaw na babae at umalingawngaw ang boses nito. Tila humihingi ito nang tulong. Sabay ng pagsigaw nito ang pagbukas ng mga saradong silid at pintuan. Nakapatay na naman ang Life Taker. Inuubos na lahat ng mga estudyante dito sa paaralang ito.

Mula kasi nang mga nagaganap na ganito at hindi 'nila' maipaliwanag ay tinawag na ang paaralan ng impyerno. Tila dito na rin kasi naninirahan ang mga pinapatay at pumapatay. Dito pinuntirya kasi maraming inosente at malalakas na kaluluwa.

"Hindi ba natin tutulungan 'yon?" Tanong sa akin ni Xana. Iling lang ang tinugon ko sa kanya at hinigit upang makalayo sa mga naglalabasang mga estudyante.

"Hindi na natin maililigtas ang taong patay na." Hindi na naman sumagot sa akin si Xana. Nagtago kami sa isang halamanan at doon ko ginamit ang portal upang mapabilis kaming makapunta sa templo ni Master Hanu.

Pagkalabas namin sa ginawa kong portal ay agad din itong nawala.

Nasa templo na kami ni Master Hanu pero may ibang enerhiya akong naramdaman kaya hindi muna kami nagpatuloy at pumasok sa loob.

Isang sigaw ang nagmula sa templo kaya agad agad kaming pumasok.

Nadatnan naming nakahilata ang Master Hanu at walang malay. Binuhat ko ito at dali daling dinala sa silid niya.

Hindi ko papatawarin kung sino man ang gumawa nito.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now