Chapter 3

1.3K 50 21
                                    

Chapter 3


DALAWANG ARAW makalipas ang pagkamatay ng isang estudyante. Ang estudyanteng ito pala ay matagal na ring ginagambala at matagal ng pinaglalaruan ng mga masasamang nilalang. Siguro isa sa sobrang takot ng babae kaya siya pinaglalaruan kaya naglakas loob siyang umalis sa impyernong paaralan na iyon.

Sa burol ng babae wala ni isang kapwa kamag aral ni ang pumunta dahil sa mga kuro-kuro na kung sino man ang makilamay doon, tiyak na ikaw ang susunod dito.

Sa bahay ni Xana. Nag aalala pa rin ang babae sa nangyari sa kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit dalawang beses ito nawalan ng malay. Inihanda na ni Xana ang kanyang gamit dahil papasok na siya sa impyernong paaralan na iyon. Sino nga ba ang hindi papasok? Dahil kung hindi ka papasok tiyak na buhay mo agad ang kapalit.

Masyadong malakas ang kapangyarihan ng itim na espiritu na gumagambala sa buong paaralan. Hindi lang isang nilalang ano nandoon kundi samu't saring nilalang na hindi mo makikita. Isang malakas na nilalang ang nagkokontrol sa kanila.

"Nak, mag ingat ka ha?" Paalala ng ina sa kanyang anak. Tumango na lang ang babae bilang tugon sa ina. Nag-aalala din ang mga magulang nila dahil kahit sila takot sa mga nagyayari.

Lumabas na si Xana ng bahay. Napansin niyang may nakatayong lalaki sa harapan ng gate nila. Nang tinanaw na niya hindi niya mamukhaan dahil ito ay nakatalikod. Naglakad si Xana papunta sa gate at pinagbinuksan ito.

Nakilala agad ni Xana ang tindig nito. Si Jester. Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaki sa labas ng gate nila? Susunduin ba siya? Hahawakan na sana ni Xana ang lalaki sa balikat pero bigla agad itong umiwas at nanlaki ang mga mata.

"Oh Jester! Di ako multo kaya wag ka magulat diyan, wag nga ako." Ani Xana na matawa-tawa pa.

Tulala lang nang kausapin ito ni Xana kaya ang tawa niya kanina ay napalitan ng ngiwi. Hindi ito kanya nakatingin. Lumingon sa patalikod si Xana para makita kung sino ang tinitingnan ni Jester at nang makita niya ito. Isang binata na kapareho ng kanilang uniporme sa paaralan ang naglalakad na may hawak hawak na bulaklak sa di kalayuan.

Agad naman binalik ni Xana ang tingin sa kausap niya. Pero paglingon niya dito, wala na ang taong nasa harap niya. Nagtaka agad si Xana kung saan nagpunta ang lalaki. Napakibit balikat na lamang ito at napag-isip isip na niloloko na naman siya nito.

Naglakad na lang ulit si Xana at hindi na pinansin ang pagkawala ng kaibigan. "Xana!" Agad siyang napalingon nang may tumawag sa pangalan niya.

Pero paglingon niya.

"Shit." Nakarinig siya ng dalawang putok ng baril. At ang mas kinatakot pa niya ay ang lalaking tinitignan kanina ni Jester ang winakasan ng buhay.

Hindi kinaya ni Xana ang nakitang pangyayari, pangalawa na ito. Bakit siya lagi ang nakakakita ng mga pangyayari. Senyales na ba ito na siya na ang susunod na papatayin? May paraan ba para ito ay mapigilan?

Bumilis ang tibok ng puso ni Xana dahil sa kaba niya. Pinanindigan siya nang bahalibo nang makita ang dumadaloy na dugo sa kalsada. Nang may dumaan na tricycle agad siyang pumara dito at sumakay sa loob. Puno na naman ng kaba si Xana dahil sa nakita niya. Lagi na lang siyang nakakasaksi ng mga bagay na hindi naman dapat at ano pa ang mas malala, iniwan pa siya ng kaibigan niya kaya lalong takot si Xana pero kailangan pigilan ang takot. Kailangan 'wag mong iparamdam na takot ka.

Hindi naman kalayuan ang paaralan sa bahay ng dalaga. Pero mas pinili niyang sumakay na lamanng dahil sa kaba. Ilang saglit lang din nang makarating na siya sa impyernong paaralan.

"Welcome to hell." Agad nitong bulong sa sarili niya. Papasok na sana siya ng pintuan ng paaralan ng may bumangga sa kanya.

Nang pansinin niya ito. Baguhan ang naturang estudyante. Makikita mo sa pagmumukha niya na may natataglay itong ibang enerhiya. May kakaiba na namang naramdaman si Xana, hindi sa paligid niya kundi sa lalaking bumunggo sa kanya.

The Life Taker (Published by LIB)Där berättelser lever. Upptäck nu