Chapter 5; Friends

3 3 0
                                    

Yey happy friday! Maaga akong pumasok sa school kasi nakakahiya naman kapag ma late ako.

May mga kaibigan narin ako pero ganun parin nahihiya parin sila. Ayos lang naman rin sakin yun. Habang nagchecheck ng attendance si mam ay may biglang dumating..

"Good morning mam"bati nito. Lahat kami napatingin sa likuran kasi nga walang pintuan yung room namin. Nagulat ako kasi bestfriend ko pala yung nagsalita! Wuaahh ansaya!!

"Good morning din. Dito ba yung assign room mo?"tanong ni mam sakanya.

"Opo mam,ako po si Miko San Miguel"sagot nya kay mam.

"Okay you may take your seat"si mam. Gusto ko sana syang katabi kaso wala ng vacant seat sa girls eh. Kaya sa front seat sa boys na lng sya umupo tutal wala namang nakaupo don. Napasimangot tuloy sya,natawa na lng ako sakanya.

"Pssst! Miko! Hii!"senyas ko kay miko kasi baka makita kami ni mam.

"Hello MJ! Cm8s pala tayo eh"si miko. Ngumiti ako sakanya kaya lang may napansin akong kakaiba sa mga cm8s ko. Pero hindi ko na lng pinansin. Basta ang mahalaga masaya ako.

"Okay class you may take your recess"si mam. Agad namang lumapit si Miko sakin para sabay kaming mag recess.

"MJ kamusta? Alam mo hindi ko gusto na dito pala room ko"sabi nito na nagdadabog. Nako! Parang bata talaga tong best friend ko.

"Ayos lng ako miko. Ako nga rin eh pero wala na talaga tayong magagawa"sagot ko sakanya.

Bumili lng kami ng biscuits at juice tapos bumalik agad sa room at doon nag-uusap habang kumakain kami.

"MJ may gwapo ba tayong cm8s?"biglang tanong nya sakin. Natawa na naman ako sakanya.

"Ay nako! Ikaw na bahala tumingin kung sinong gwapo rito. Basta ang alam ko maganda ako"pang-aasar ko kay miko tapos tinaasan nya ako ng kilay.

"Mas maganda ako sayo noh"sagot niya pero tinawanan ko lng siya. Oo lalaki ang best friend ko pero anong magagawa natin? Eh pusong babae sya eh.

"Sige MJ balik na ako sa upuan ko,time na kasi"tumango lng ako sakanya kasi kumakain ako eh.

"MJ alam mo ba kung pano isolve toh?"nagulat ako ng biglang kinausap nya ako. Napatingin ako sakanya tapos sa papel nya.

"Oo ganto lang dreiven" tapos tinuro ko sakanya kaya lng may napansin ako. Hindi naman sya nakikinig sakin eh! Palagi lang syang nakatingin sakin kaya tumigil ako at tumalikod.

"Ano nga ulit yun mj?"sabi nya. Hays pinagtitripan lng ata ako nitong lalaking toh. Andaming pwedeng tanongin,bat ako pa?

"Oy ikaw ha! Alam kong alam mo yan eh! Hindi ka naman kasi nakikinig habang nagsasalita ako"inis kong sagot sakanya. Ngumiti lang siya at nagpasalamat tapos bumalik sa upuan.

Pagkatapos ay ipinasa na naming lahat ang aming papel tsaka nagkwekwentuhan ulit mga cm8s ko.

"MJ ang kulit nito oh! Kanina pa nya paulit-ulit sinasabi na makikipag kaibigan sya sayo"iritang sabi ni miko sakin pero ang masaklap lng ay sinigaw pa talaga nya kaya ayun narinig ng iba. Buti na lng hindi nila pinansin yun.

"Anukaba miko pakihinaan mo naman yung boses mo"sabi ko sakanya.

"Oy hindi ah! Wag kang maniwala jan mj. Di totoo yan!"sabat naman ni Dreiven. Sus kitang-kita sa mukha niya na nagpapalusot lng. Tsaka alam ko kung nagsasabi ng totoo ang best friend ko.

"Palusot ka pa! Bat ba ako inuutusan mo? Siguro may gusto ka sakin noh!"tumawa ng nakakaloka si miko kaya napatawa narin ako. Si dreiven? Ayun hindi maipinta yung mukha,parang natatawa kay miko na nandiri kasi nga pareho silang lalaki.

"Oy assuming ka ring bakla ka"si Dreiven na sobrang natatawa kaya napatawa narin ang mga kaibigan nya.

Uwian na at inaayos ko na yung gamit ko nang may nagsalita sa likod ko.

"ehem..ehem..ahh mj"si dreiven. Nagtaka naman ako kung anong kailangan nito sakin.

"Pwede bang ano...makipagkaibigan?"tanong nya sakin. Natawa ako ng mahina sa seryoso nyang mukha.

"Ano ayos lang ba? Hmm friends?"sabi nya habang hinihintay yung sagot ko.

"Friends"nginitian ko sya at halata sa mukha nya ang pagkatuwa. At nagpaalam na ako sakanya na aalis na.

Haaaay grabe ang inet ng panahon tsaka ang boring kasi wala akong kasabay palabas ng school, habang naghihintay ako ng masasakyan ay nauhaw ako kaya bumili muna ako ng maiinom. Naku! Di pa ako kumakain pero bahala na.

Habang nag-aabang ulit ako ng masasakyan ay nakita ko si Dreiven na nag-aabang rin ng masasakyan. Hmm teka bat may kasama syang dalawang babae? Tsaka napapagitnaan pa siya. Nakita kong inakbayan ni Dreiven yung nasa kaliwa niya tapos inalalayan pa niya pasakay ng jeep yung nasa kanan niya. Sino kaya yun? Bat kaya ang close nila sa isat-isa? Ohmygod! Chickboy ata yun eh. Tsssk T.T 

*_*~*_*~*_*~*_*~*_*~*_*~*_*~*_*~*_*

Nasa bahay na ako at hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino yung dalawang babaeng kasama ni Dreiven. Urgh!! Naiinis ako! Bat ko ba kasi iniisip yung lalaking yun?! Pake ko ba sakanya?! Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa akin eh!

Natapos ang araw ko na iniisip ko parin yung nakita ko kanina. Haaaay ewan.

Especially For You💘Kde žijí příběhy. Začni objevovat