Chapter 12; Bae❤

2 1 0
                                    

"Mjjj! Malas talaga yung araw ko kahapon" si jev. Salubong niya agad sakin. Pero umupo lang agad ako at yumuko.

"Hoy! Bat ka late?"si rieza. Wow ha! May pangalan kaya ako.  Nakayuko parin ako at nakatago yung mukha ko sa buhok ko.

"Hindi ako late"mahina kong sagot. Hindi ako late kasi hindi pa naman dumating si mam.

"Late ka parin kasi 6:15am na"sabi ni rieza. Okay sge pero 15minutes lang.

"Hala! Bat ka umiiyak mj?" si miko. Ha? Ano na namang pinagsasabi nito? Nakayuko ako kasi nahihiya akong makita niya ako..ni ferris.

"Baka naman masakit ang ulo nito"si Shawn. Hays napaka intrigera talaga ng mga toh.

''Broken Hearted"si khyla. Ano?!

"Uy hindi ah!"ako. Kapag ba nakayuko,broken hearted agad?

''HAHAHAHA" alam nyo yung nakakaasar? Yung tipong tawang-tawa sila sa reaksyon ko.

"So totoo nga?"si rieza. Hindi ah! Hindi magiging broken itong heart ko!

"Ano bang trip nyo?!"naiinis na tanong ko sakanila.

"Ikaw anong nangyayari sayo?"si jev.

"Wala nga...inaantok lang talaga ako"ako. At yumuko ulit ako.

"Ayy puyat sya"si miko. Pagtingin ko sakanya. Ay eto na naman yung pang-aasar niyang mukha.

"Bat ka puyat? Anong ginawa mo? Sinong iniisip mo? Broken hearted lang kasi ang nagpupuyat"si miko ulit. Hay kung makaasta parang expert. Eh never pa nga'ng nagkaron ng relationship to. Ay oo nga pala! Lagi nga pala itong broken hearted kasi laging umaasa. Peace haha.

"Nababaliw!" Si Shawn,Jev,Rieza at Miko. Napatingin tuloy ako sakanila kasi bigla-bigla nalang sumisigaw. Nakita siguro nila yung biglang pagtawa ko. Natawa lang naman ako sa iniisip ko tungkol kay miko eh.

"Alam nyo kayo ang baliw eh kasi kung ano-ano iniisip nyo"natatawa kong sabi.

"Nababaliw na ako..saiyo ohh.. Ako ay litong-lito..Naloloka..Naiiba..Sa kaiisip sayoooh.."pinagkaisahan na naman nila ako. Nakakainis kasi tamang-tama ako sa ikinanta nila.

Hindi ko na lang sila pinansin kasi puyat talaga ako. 2hours lang kasi yung tulog ko. Pano ba naman kasi! Si ferris hindi matanggal sa isip ko. Andaming tumatakbo sa isip ko kung anong mangyayari sa relationship namin. Kung magwowork ba? Okay ba? First Ever Boyfriend ko kasi siya. Ayokong sayangin yung NBSB ko kung hindi naman siya seryoso. Wala akong experience sa relationship noh. Hindi ko alam kung pano yan. May mga imaginations rin ako gaya ng nababasa ko sa ebooks na mga love story. Napapanood ko sa TV. Yung mga drama sa radyo. Hay mj! Reality to so please stop thinking those things kasi imaginations lang yan lahat.

"Hi bae"si ferris. Hindi ko siya tiningnan. Nasa likod ko siya, nakaupo at nakayuko parin kasi talaga ako. Pano ko nalaman na siya? Eh syempre siya lang naman yung bae ko.

"Bae okay ka lang ba?"si ferris. Pero hindi ko parin siya tinitingnan. Actually hindi lang siya kundi lahat ng kaklase ko. Grabe nangangawit na yung leeg ko. Hindi ko masyado magalaw.

Nang hinihimas-himas ko yung leeg ko ay may bigla akong naramdaman. Yung tipong may umaamoy-amoy at humihimas rin sa buhok ko. Napatingin agad ako sa likod ko kasi may kung anong inet akong naramdaman.

"ferris"mahina kong sabi. Pagtingin ko kasi sa likod ko ay sobrang lapit ng mukha namin kasi nakayuko rin pala siya sakin. Napaatras naman agad ako. Uminit ng husto yung pakiramdam ko.

"Wala lang"sabi niya at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa sa buhok ko. Nakikiliti ako pero pinigilan ko.

"Uyyyy! Bat ang sweet?"kaklase namin. Eto na naman sila. Hindi ko alam kung bakit pero nagugustuhan ko yung ginagawa niya sa buhok ko. Hinayaan ko na lang si ferris. Hanggang sa dumating si mam.

"Uhmm bae?" si ferris.

"Hmm?" sagot ko. Naiilang pa kasi akong tawagin siya sa call sign namin.

"Wala lang" sabi niya na may halong ngiti. Adik ata sa "wala lang" to.

Nagpaumanhin si mam sa sobrang late niya. Si ferris naman bumalik na sa upuan niya pati yung ibang kaklase ko. Okay naman yung klase namin ngayon tsaka mababait rin naman pala yung mga bago naming guro.

"Bae"nag-iisa lang ako sa upuan habang kumakain ng bigla akong tinabihan ni ferris. Juskopooo! Anong gagawin ko? Aalis? Stay? Ay oo tama! Behave at dapat hindi halatang naiilang ako.

"Uy..uhm..hi..hehe..kaw pala" grabe naiilang talaga ako. Sa sobrang pagkailang ko sakanya ay huminto ako sa pagkain ko at tinitingnan siya habang kumakain.

"Oh bat ka huminto sa pagkain bae?"si ferris. Hindi ko alam kung bat hindi ako makatingin ng deretso sakanya.

"Busog na kasi ako"sagot ko. Ngumiti lang siya tsaka kumain ulit kaya lang bigla siyang tinawag ng mga kaklase kong lalaki kaya nagpaalam muna siya sakin tsaka lumabas sila. Nakahinga naman agad ako ng maluwag.

Sa next subjects namin ay may quizzes agad pero hindi naman ganun kahirap kasi naintindihan naman namin yung mga tinuro ni mam samin. Hanggang sa eto na ang pinakahihintay ng lahat. Ang uwian!

"Bae"rinig kong pagtawag sakin ni ferris. Lumingon naman agad ako.

"Bakit?"sabi ko at naghihintay ng sagot niya kaya lang nagulat ako kasi nakatingin siya sakin pero yung tipong walang ekspresyon yung mukha niya at hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Nagbye lang siya sakin at akmang aalis na. Teka anong problema nito?

"Uhm..Bae"ako. Lumingon agad siya at lumapit agad sakin na nakangiti.

"Ano nga ulit yun?"sabi niya na parang ang saya niya talaga.

"Ah ano kasi..ano"nauutal kong sagot kasi unti-unti syang lumapit sakin..grabe ang lapit na naman ng mukha namin sa isat-isa.

"Ulitin mo yung sinabi mo"siya. Ha-ah? Ayteka ano nga ulit yung sinabi ko? Hala! Tinawag ko siya gamit yung call sign namin.

"Bae.." mahina kong sagot sakanya. Wala namang masamang tawagin ko siya kasi call sign naman namin yan pero hindi ko talaga mapigilang mahiya. Ewan ko kung bakit.

"Ingat ka pauwi"sabi niya at may pahabol pang ngiting nakaka kompleto ng araw. Yung ngiting napapasaya ka rin. Omg! Mamamatay na ba ako sa sobrang kilig? Ay ang oa nman ata nyan mj.

Nasa bahay na ako. Habang nakikinig ako ng music ay may na realize akong bigla. Alam ko na kung bat lagi niya akong tinatawag at kung bat biglang nagbago yung ekspresyon niya kanina. Kasi gusto lang pala nyang marinig na tawagin ko rin siya gamit yung call sign namin.

Siguro naglalambing lang yun kanina sakin. Ayieeeeee kinikilig tuloy akong isipin siya. Eto talagang boyfriend ko nakakakilig❤

Especially For You💘Where stories live. Discover now