Chapter 15; Second

3 1 0
                                    

Thursday ngayon at syempre maganda ang gising ko kasi hindi naman ako nagpuyat. Ginawa ko na agad ang daily routines ko every morning.

"Ma,pa. Alis na po ako bye"paalam ko tapos ay umalis na.

Mabilis rin naman akong nakahanap ng masasakyan kaya sumakay agad ako. Hmm sarap ng hangin. Kinuha ko ang fone ko sa bag at may 4messages, puro Group Message lang pala. Gusto ko sanang makinig ng music kaso naiwan ko pala yung headset ko. Ilang minuto lang at nakarating na ako sa school kaya bumaba agad ako sa jeep.

"Mj!"napalingon ako sa kung sino ang tumawag sakin.

"Uy! Kim,ikaw pala"sabi ko sakanya. Sabay narin kaming pumasok sa school para hindi naman ako mag-isa noh.

"Nagulat ka ba sa kagandahan ko?"si kim. Hala? Kumain na ba to? Biro lang haha.

"Kapal"natatawa kong sagot sakanya. Tumawa rin siya sa sinabi ko.

"Mj,kayo na ba ferris?"bigla nyang tanong sakin. Halatang-halata na ba talaga?

"Bat mo natanong?"sabi ko.

"Eh kasi sobrang malapit na kayo sa isat-isa tapos minsan nakikita namin yung mga titigan niyo. Nakita rin namin yung paghawak niyo ng kamay. Yung ring.." hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ang bibig niya.

"Okay"sagot ko sakanya. Natawa na naman ako kasi sa sobrang gulat niya ay lumaki yung mata niya.

"Okay? Ano yun? So kayo na talaga?"tanong niya ulit sakin. Andito na kami sa room at marami na pala kami dito.

"Wala akong sinabi ah"sagot ko at tinawanan lang siya. Nakita ko naman agad si ferris na kausap yung mga kaibigan niya. Ewan parang basketball ata yung pinag-usapan nila kasi yung isang kaibigan niya may pa aksyon pang nalalaman sa pagshoot ng bola. Hindi ko na lang muna nilapitan si ferris kasi baka mabasag lang yung kwentuhan nila,tsaka wala akong alam sa basketball no. Hinanap ko si rieza,at ayun! Katabi niya si Shawn. Asus ito talagang dalawang to oh. Tapos ay kausap rin nila sina Ferry,at Xander.

"Hi guys!" bati ko sakanila.

"Hello mj!" Sabay nilang bati sakin. Tapos ay nagkwentuhan kami ng kung ano-ano. Hanggang sa umabot sa...

''Pang ilan mo na si ferris,mj?"si Shawn. Nagulat ako sa tanong niya. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at omg pinagkakaisahan na naman nila ako.

"Ha?..a-anong klaseng tanong yan ha?"sabi ko.

"First Love nya si ferris"si rieza. Pahamak talaga tong si rieza. Sinakyan pa talaga nya trip nitong si Shawn. Oo nga pala, alam ni rieza na never pa akong nagkaboyfriend at siya rin. Pero hindi nya alam na kami na ni ferris.

"Goodmorning class" napatingin naman agad kami at si mam pala. Thankyou mam! Niligtas mo ako sa kanila.

"Pasalamat ka mj andito na si mam"si ferry. Aba isa pa to!

Nagsimula na ang klase namin at ganun parin naman. Okay lang ang araw nato hanggang sa oras na naman para lumamon.

"Bae kain tayo"si ferris. Tumabi siya sakin at sabay kaming kumain. Sina rieza at miko? Lumabas kasi bibili raw si rieza ng pagkain tapos si miko naman maghahanap raw ng gwapo,pampabusog. Baliw dba? Napatawa tuloy ako.

"Anong nakakatawa bae?" pagtataka ni ferris.

"Ah ano wala bae"sagot ko sakanya.

"Okay ka na ba talaga?" tanong ko sakanya. Gusto ko lang talagang makasiguro na okay na si ferris.

"Oo naman. Makita lang kita magaling na ako" sagot niya. Ayieee kinilig ako dun ha! Pero wag magpapahalata mj.

"Sus bola" sabi ko sakanya.

Especially For You💘Where stories live. Discover now