Chapter 8: Crush

2 2 0
                                    

"Mj kanina ka pa nila tinatawag oh"sabi ng kaklase ko. Tiningnan ko naman kung san rin siya nakatingin. At ayun nga yung mga papansin na naman na mga kaklase ko.

"Bakit?"tanong ko sakanila sa mahinang boses. Baka marinig kami ni mam noh,ayokong mapagalitan.

"Bespren mo pala yang si miko?"natatawa nilang sabi.

"Oo tsaka anong nakakatawa?"sagot ko.

"Wala lang"sagot nila. Haynako ewan ko sainyo.

Monday ngayon at sobrang inaantok pa ako. Nakaupo lang ako sa upuan ko habang nagsusulat ng kung ano-ano. Hindi pa kasi nagsisimula ang klase namin,maaga pa naman masyado eh.

"Hi mj"bati ng kaklase ko sakin. Aba! Parang hindi na sila nahihiya ah. Ansaya naman!

"Hello,uhmm?"bati ko rin na medyo nahihiya kasi naman hindi ko pa sila masyadong kilala. Ang hina kaya ng boses nila nung introducing.

"Rieza Maurer"ay oo nga pala!

"Sorry ha. Nakalimutan ko"sabi ko sakanya.

"Sabi nga pala ni mam, yung mga walang ginagawa kung pwede maglinis raw tayo"sabi niya.

"Ay oo sge"tumayo naman agad ako tsaka nagwalis kami ni rieza.

Habang nagwawalis kami ay yung ibang kaklase namin nagtatawanan,may nagcecellphone din tsaka may mga naka upo lang.

"Excuse me"nakatayo siya sa harap ko at halatang naghihintay na padaanin ko sya.

"Sorry"sagot ko at pagtingin ko kung sino ay si ferris. Nakangiti pa talaga siya. Sa sobrang hiya ko ay dali-daling pinagpatuloy ko ang pagwawalis at bumalik na sa upuan ko.

Nagsi-upo narin ang lahat ng dumating na si mam. Tahimik na rin kasi nagsisimula na ang klase namin. Naku naman! Nakaharap na nman yung araw sakin, ang inet grabe.

"Hija,dito ka na lang muna sa harap" si mam. Sinunod ko nman si mam. Hindi nman ako lumipat ng upuan,umusog lang ako konti.

"Mj kanina pa yan gustong malaman # mo oh"si miko. Yung tinutukoy niya ay yung mga lalaking kaklase ko na nmang papansin.

"Hayaan mo na lang yan sila"sagot ko sakanya habang kumakain. Nakinig rin nman bespren ko.

Habang kumakain kami ay may nagtatawanan sa kabilang upuan. Napatingin rin nman kami at sila ferris pala yun kaya lang may nadagdag sakanila. May bago nga pala kaming babaeng kaklase. Blezzie raw yung pangalan. Parang ang saya ni ferris kausap yung bago naming kaklase.

"Hoy mj! Sinong tinititigan mo? Kanina pa ako nagsasalita dito"si miko. Hala nakatitig pala ako? Hindi nman ah.

"Nako! Andami kong sinabi,hindi ka pala nakikinig"napasimangot nman si miko.

"Uy ang oa mo! Nunga ulit yon?"sabi ko sakanya na natatawa. At nagpatuloy naman rin sya sa pgkekwento ng biglang..

"Pwede maki-join?"sabay kaming napatingin ni miko sa nagsalita. Si ferris pala.

"Wag na. Time na rin naman"si miko. Hala anyare? Natatawa ako kay miko. Sinabayan ko na lang kung anong trip nito.

"Oo nga nman. Ansaya na nga ng kwentuhan nyo dun eh"sabi ko naman. Bat pa siya lilipat eh ang saya nga niya kausap yung bagong kaklase namin.

"Okay lang,gusto ko dito"si ferris. Napatingin ako sakanya kasi parang seryoso talaga siya.

"Hi guys! Pwede kami din?"yung ibang kaklase namin. So mas marami mas masaya diba? Kaya ayun nagform kami ng circle para maayos kaming mag-usap.

"Ay teka,wala bang next teacher?"tanong ni khyla. May mga nakikilala narin nman ako noh.

"Wala eh. Busy ata"sagot ni kris.

At ayun nag-kekwentuhan na kami. Syempre kinilala muna namin ang isat-isa tapos may follow up questions din. Hanggang sa umabot kami tungkol sa kung sino yung mga tipo namin sa mga kaklase namin.

"Ikaw mj? May gwapo ba dito?"tanong nila sakin. Ha? teka,anong isasagot ko?! Nakakahiya naman kpag sinabi kong wala. Baka isipin nila na ang kj ko. Nakakahiya rin kapag oo,kasi for sure magtatanong yan sila kung sino.

"Maybe!"bilis kong sagot at hindi ko maiwasang mapatingin sa harap ko..si ferris..nakaupo kasi sya at bale magkaharap lang kami.

"Oo ibig sabihin yan. Alam ko"si miko. Naku etong baklang to! Binuko pa talaga ako!

"So sino yan mj?"tanong nila sakin. Ayan tuloy!

"Ahm.ikaw naman rieza,may gwapo ba dito?"pinasa ko agad ang tanong noh. Kasi baka kpag sinabi ko na si ferris..hindi sya nagagandahan sakin..kakahiya naman.

"Walang malisya ha?..si Shawn"si rieza. Natatawa tuloy kami kasi halatang nahihiya sya.

"Shawn! Gwapo ka raw sabi ni rieza!"sigaw pa talaga ng mga kaklase kong lalaki. Nasa kabilang upuan kasi si shawn,may ibang kausap din. Yung mga babae ko namang kaklase tumitili pa talaga.

Natapos ang pgkekwentuhan namin ng may dumating na guro. Ayun nga,nagpakilala sya tapos nagbigay rin ng rules. Nakinig naman kaming lahat sakanya.

*fast forward*
Gabi na at andito ako ngayon sa internet cafe. Sabi kasi ng mga friends ko ini-add nila ako sa facebook. Oo nman! May mga kaibigan na ako noh.

"Hi"kakaopen ko pa lang sa fb account ko ay message nya na agad ang nabasa ko. Sino pa ba? Edi si prince charming po.

"Uy! hello"reply ko. At ini-accept ang mga nagfriend request sakin. Habang nag-uusap kami ni ferris ay may nagmessage din sakin. Yung mokong na kaklase ko pala.

"Mj pwede manligaw?" Hala? Baliw to! Bakit????

"mahal kita" Hala na nman?! Nababasa ba nya isipan ko? Aytanga ako! Teka! Mahal?! Andami ng nagsabi sakin nyan pero bat nawawala kapag may nakikita silang iba?! Di yan totoo mj. Pinagtitripan lang ata ako nito eh.

Hindi ko parin alam ang irereply ko sa mokong na to. Kaya si ferris muna yung kausap ko...habang nag-uusap kami ay..

"Mj sinong crush mo? Sa room" bat nya kaya natanong? Ano kaya kpag ibalik ko yung tanong sakanya.

"Ikaw? Sino crush mo?"reply ko. Tiningnan ko naman yung si mokong pero offline na. Napagod ata kakahintay sa reply ko. Hindi ko naman rin kasi alam ang isasagot eh,ayoko namang makasakit kasi ng damdamin ng iba. Gusto ko sa personal ko sabihin na ayoko para maintindihan nya.

"Ikaw"si ferris. Ako pala. Ay teka! Anong ako?! Baka trip lang to? Ferrissss wag ganyan!

"Bakit ako?"sagot ko sakanya na kinakabahan.

"Kasi maganda ka"reply nya. Uy kinilig ako dun ah! Pero pano kpag hindi na ako maganda sa paningin nya? Syempre mawawala rin yang nararamdaman nya sakin.haays.

Eto na naman at malapit na matapos yung time ko sa paggamit ng internet. Ang hirap nman nito. Yung fone ko kasi para sa text lang talaga. Walang facebook ganun. Natapos narin ang pag-uusap namin ni ferris.

Nasa higaan na ako ngayon at iniisip ko parin yung kwentuhan namin ni ferris at yung sinabi nyang ako raw yung crush nya. Ayieee. Oo nga pala,yung problema ko kay mokong hays bukas na nga lang ako mag-iisip kung pano ko sasabihin sakanya. Makatulog na nga lang..ZZZzzzzhhhh.

Especially For You💘Where stories live. Discover now