Chapter 9: Curious

19 2 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papasok sa school. Mabagal lang yung lakad ko kasi ang aga pa. 5:30am pa nman tapos mamaya pang 6:00am magsisimula klase namin. Hindi ko alam kung bat ang ganda ng gising ko ngayon. Siguro dahil sa crush nya raw ako. Naks nman hihihi^___^

"Baby your all that I want..when your lying here in my arms..I'm finding it hard to believe.."hindi natapos yung pgkakanta ko..kasi nakita ko si ferris..kasama na naman nya yung dalawang babae na nakita ko nung isang araw.

"Sino kaya yang mga kasama nya?"Ay curious na ba ako nito? nagtago muna ako para hindi nila makita na nakatingin ako sakanila. Grabe ang close talaga nila oh. Pumasok na rin ako kasi malapit na magsimula yung klase namin.

"Mj goodmorning"bati ng mga kaibigan ko pagdating ko.

"morning"tipid kong sagot. Umupo agad ako at kunwariy natutulog. Nawalan ako ng gana ngayong araw nato.

Umayos lang ako ng pagkaupo kasi dumating na si mam. May goodnews pa siyang dala samin,kasi lilipat na kami sa classroom. Syempre masaya ang lahat kasi hindi na kami magtitiis sa inet at ingay sa gym. Masaya rin naman ako kasi laging sakin nakatutok yung araw eh.

"Mj tabi tayo"si rieza. Tumango lang ako kay rieza at sumunod sa mga kaklase kong unti-unting lumipat sa lilipatan naming classroom.

"Tulungan na kita"siya na naman. Syempre hindi ko pinahalatang wala akong gana ngayon noh.

"Kaya ko,salamat na lang"sagot ko kay ferris. At nagpatuloy sa pagbubuhat ng upuan. Nang makalipat at nakaupo kaming lahat ay naglinis muna kami sandali.

May mga sinabi si mam na kung ano-ano tapos inulit na naman niya yung rules niya. Hindi parin nawawala sa isip ko kung sino yung kasama nya. Hayjuskoo! Bat ba ang curious ko? Pake ko ba jan kay ferris ha!

"Uy mjjjj!!"sigaw ng kaklase ko sa tenga ko pa talaga! Ansakit ha!

"Ha? Bakit?!"sagot ko na hinahawakan tenga ko. Aysh ansakit talaga.

"Kanina ka pa tinatawag ni mam" hala! Hindi ko narinig. Kung ano-ano kasi iniisip eh!

Lumapit naman agad ako kay mam. Sabi lang niya na kailangan raw namin ni president mapanatiling malinis yung room tapos may kung ano-ano rin syang sinabi. At nag-usap rin naman kami ni president pagkatapos ay bumalik na kami sa aming upuan.

May mga ibang guro narin ang pumasok samin. Wala pang masyadong lessons kasi nagpapakilala pa yung mga bago naming guro sa ibat-ibang subjects. Tapos may introducing rin ulit, hindi narin masyado nahihiya ang mga kaklase ko. Tahimik lang akong nakaupo ng biglang may naalala ako..

"Oo nga pala! si mokong! Ay este lester"hinanap ko kng san siya nakaupo at ayun nakita kong kausap niya yung muse namin.

"Mj may sinasabi ka?"si jev.

"Ano..wala.. oo wala"tapos nginitian ko na lang sya.

"May sinasabi ka eh"si rieza. Hay nakisabay pa talaga to!

"Ano..uhm..maganda ba yung muse natin?"tanong ko sakanila. Nagtaka naman silang dalawa sa tanong ko kaya kunwari natatawa ako.

"Sguro? Siya kasi pinili ng boys eh"si jev. Si rieza naman tumawa lang sabay talikod. Kaya pala kasi may nakikinig samin. Siya yung kaklase naming lalaki na parang timang haha.

"Hindi ko siya binoto ha"biglang sabi nya. Teka? Bat ba to nakikinig, eh usapan lang namin yun ah! Hindi na lang namin siya pinansin.

Malapit na mag-uwian kaya naglinis na lang kami kasi wala rin namang pumasok na guro eh. Habang tinutulungan ko si president magwalis ay nakita ko si ferris na nakatayo sa pintuan at may kausap. Sino pa? Edi yung dalawang babae na naman na nakita ko kanina. Tinapos ko agad yung ginagawa ko at umupo.

"Mj sabay na lang tayo pauwi"si miko. Tumango na lang ako. Buti na lang may kasabay ako. Napakaboring kasi yung walang kasabay kahit palabas man lang ng school. 

"Anyare sayo? Gutom ka no?"nakasimangot kasi ako habang inaayos ko yung gamit ko. Kami na lang ni miko ang naiwan dito sa room. Ayokong makita ulit yung kanina noh. Kaya tinagalan ko ang pag-aayos ng gamit ko. Napansin naman ni miko na wala ako sa mood kaya tumahimik na lang muna siya.

"Miko,gusto mo siomaii? Libre ko. Bukas ikaw naman"sabi ko kay miko.

"Akala ko manglilibre ka talaga,tapos may kapalit pala"sagot niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Syempre,hindi madaling magkapera noh"sabi ko na natatawa parin.

"Madali lang! Gamitin mo yang kapangyarihan mo bilang babae"sabi ni miko na natatawa rin.

"Baliw! Hindi ako ganyan!"tapos kinurot ko yung tagiliran niya. Tapos ay bumili na lang kami. Habang kumakain kami ay biglang huminto si miko sa pagkain niya. Nakatingin si miko sa likuran ko kaya lumingon naman ako para makita kung ano yun.

"Ang friendly naman"si miko. Nakita kasi namin si ferris na andami nila. Nagtatawanan pa at halos lahat kasama babae. Syempre hindi mawawala yung dalawang palagi nyang kasama.

"Nasobrahan"sabi ko tapos ay tinapon na yung pinagkainan ko. Hinila ko naman agad si miko papalayo sakanila.

"Selos?"pang-aasar ni miko. Tiningnan ko lang siya ng masama at hinigpitan ng sobra yung pagkawak ko sakanya.

"Joke lang naman"tapos ay nag peace sign siya sakin. Tapos ay nag-abang lang ako ng masasakyan. Habang nasa jeep ako ay may nag-uusap na katabi ko. Ewan kung ano pero ang narinig ko lang na pinag-usapan nila ay biglang sabi nung isa ang " Curiosity kills" Grabe naman. Natamaan ako dun ah. Timing pa talaga hayys.

Nasa bahay na ako at gusto kong matulog kasi pagod ako. Basta trip ko lang.
<><><><><><><><><><><><><><><><>
Paggising ko ay kinuha ko agad fone ko. 6new messages. Tiningnan ko agad at same numbers lang pero hindi ko kilala kasi hindi naman naka phonebook sa fone ko eh.

*mj ano na?* *mj gsto ko ng malaman kung anong desisyon mo* *mag reply ka nman pls* Bsta yan yung message. At parang alam ko na kung sino to. Si mokong...ayy! Nakalimutan kong kausapin siya kanina. Ayteka? Ano rin naman sasabihin ko? Hindi ko alam eh.

Especially For You💘Where stories live. Discover now