Chapter 16; Perfect

2 1 0
                                    

Goodmorning Friday!😍 hays salamat naman kasi walang pasok bukas. Makakapagpahinga talaga ako ng bongga. Bumangon agad ako at ginawa agad ang daily routines ko.

Natapos na ako sa kailangan kong gawin. Maaga pa naman kaya heto ako nakatayo parin sa harap ng salamin. Parang kailan lang nung si mama pa ang laging naghehairstyle sakin,pero ngayon ako na ang gumagawa. Umikot ako at tiningnan ulit ang sarili ko. Oo nga, dalagang-dalaga na talaga ako. Sa kilos,pananalita,at pati sa pag-aayos ng sarili. Pero baby parin tawag ni papa sakin. Hirap talagang maging only child.

"Ma alis na po ako" paalam ko kay mama. Hindi na lang muna ako nagpaalam sa papa ko,tulog pa naman kasi eh.

Pumara naman agad ako ng masasakyan at wow ha,ang ingay nung sinakyan kong jeep. Rock kasi yung pinatugtog niya. Nasa room na ako at pansin kong bukas na ang room tsaka andami ng bag sa upuan pero bat walang tao? Kinabahan agad ako kasi mag-isa lang ako dito eh. Tapos sobrang tahimik pa ng paligid. Lumabas ako at tiningnan ang paligid pero wala talaga eh.

"And now I tried hard to make it
I just wanna make you proud.
I'm never gonna be good enough
for you
Can't pretend that I'm alright
And you can't change me.

*Chorus*
Coz we lost it all
Nothing lasts forever
Sorry, I can't be perfect
Now its just too late
And we can't go back
I'm sorry, I can't be perfect"
(Perfect By Simple Plan)

"Woooh!" tapos ay nagpalakpakan.

Sa gulat ko ay nabitawan ko yung fone ko. Hays hindi naman nabasag pero NASIRA! Ayaw na tuloy mag-on. Ano ba naman to! Sobrang liit na nga ng fone ko masisira pa. Huhuhu pano to? Wala na akong foneT.T

"Wag mong itapon mj"si xander. Eh kayo naman kasi nanggugulat.

"Ang ganda pala ng boses mo mj" sabi ni blezzie habang pumapalakpak pa.

"Oo nga! Sge pa mj" yung abnormal namin na kaklase. Pasensya na hindi ko pa sya kilala eh.

"Hindi maganda boses ko. Tsaka nasira tuloy fone ko"sabi ko habang inaayos fone ko. Please gumana ka naman fone ko oh. Maawa ka sakin. Pang music nga lang kita tapos mamamatay ka pa.

"Naku! Lagut ka blezzie" si shawn.

"Oh bakit ako? Eh si mj kaya yung may hawak ng fone nya" si blez. Natatawa tuloy ako, nagsisihan na itong mga makukulit kong kaklase.

"Ganito na lang mj. Hingin mo yung fone ni ferris, tutal boyfriend mo naman yun" yung abnormal ko ulit na kaklase.

Hays ang aga-aga pa pero ang kukulit na ng mga toh. Bat ko naman hihingin yung fone ni ferris eh sakanya yun.

"Good morning bae" bati agad ni ferris pagkatapos ay tumabi sakin. Tinago ko naman agad ang fone kong sira. Nakakahiya naman kasi mamahalin yung sakanya tapos yung sa akin. Hindi eh. Wala nga itong facebook man lang.

"Good morning rin bae" bati ko rin sakanya. Kinuha ni ferris ang fone niya at naglaro ng kung ano-ano.

"Gusto mong maglaro nito bae?" tanong ni ferris sakin.

"Hindi naman ako marunong nyan eh" sagot ko sakanya.

"Ganito lang yan bae oh. Sige ikaw humawak" si ferris. Tapos ay hinawakan ko naman ang fone at tinuruan niya ako. Kaya lang may napindot ako,yung "home" ata tawag nun. Nahiya tuloy ako. Hindi ko naman kasi alam yung fone niya.

"Hala? Bat mo ako wallpaper sa fone mo bae?" tanong ko sakanya. Pero alam nyo yung tipong kunwari wala lang sayo? Pero ang totoo,sobrang kinikilig kana. Oo yan ang nararamdaman ko ngayon.

"Bawal ba? Maganda ka kasi talaga bae eh" si ferris. Ay ganun? Kaya lang pala kasi maganda? Akala ko kasi...

"Bae mamaya ulit kasi anjan na si mam" sabi niya at bumalik agad sa upuan niya.

Lumalabas na rin ang pagka joker ng mga guro namin. Buti naman,kasi ayoko ng puro seryosohan ang klase namin. Bored kasi. Mas maganda yung may halong biro parin. At ayun nga,andami na rin naming lessons.

"Bae kumain kana?" si ferris. Habang nagpeprepared sa next subjects.

"Hindi pa bae eh. Bibili pa lang. Ikaw bae?" ako.

"Ako na lang ang bibili para sayo bae,kasi bibili rin nman ako" sabi niya habang nakangiti.

Pumayag rin naman ako,syempre matatanggihan ko ba itong gwapong boyfriend ko? Para saakin siya na yung Perfect guy for me❤ Hindi rin naman siya nagtagal at nakabalik agad na may dalang dalawang ice cream at biscuits.

"Salamat bae" sabi ko sakanya at balik agad sa pagsusulat habang kumakain.

"Always welcome" sagot nya. Nginitian ko lang siya.

"Ang busy mo bae huh" si ferris. Magkatabi kami at medyo nakatalikod kasi ako sakanya at ramdam ko yung hininga niya na nakakakiliti sa leeg ko kasi nakapatong yung ulo niya sa balikat ko. Behave lang mj wag kang ano jan.

"Ah ano kasi bae..assignment ito ni miko,ako yung gumawa" sabi ko kay ferris na patuloy parin sa pagsusulat at sa pwesto namin. Omg! nakakakiliti na talaga! Ansarap ng tumawa pero pigilan lang dapat.

"Ah ganun ba,okay bae"sabi niya at umayos na ng upo tapos kumain ulit. Hays buti na lang kasi baka hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Nakakahiya kaya.

Nagpatuloy ang klase namin at checking of assignments na. Ansaya ni miko kasi naka kuha rin siya ng perfect score.  May pa "sa uulitin" pa syang nalalaman ha. Kapal talaga nitong baklang to. Pagkatapos ng checking of assignments ay discuss na naman sa lessons namin. Ganun lang naman at syempre nakinig naman kaming lahat no.

"Bae uwi ka na? Sabay tayo ulit" si ferris habang inaayos yung sintas ng sapatos niya.

"Oo sge bae" tapos ay inayos ko rin naman ang mga gamit ko.

"Bae happy birthday" sabi ko kay ferris habang inaayos yung kwelyo ng polo niya.

"Bukas pa bae" si ferris. Eto naman eh ano naman? Gusto ko lang bumati eh.

"Uyyy nakasimangot siya. Thankyouu bae" si ferris ulit.

"Your welcome bae" tapos ay lalabas na sana kami ng biglang naghiyawan ang mga kaklase namin. Kaya lang hindi ko narinig yung sinabi kasi mas naunsa akong naglakad kay ferris eh.

"Ano raw sabi?" tanong ko kay ferris.

"Sweet raw tayo" tapos ay napatawa na lang kami sa isat-isa. Kasama rin namin yung mga pinsan ni ferris pero may sarili ring mundo yung dalawa eh. Kaya kami na lang yung nag-uusap ni ferris. Tsaka hindi pa naman kami gaano'ng close sa mga pinsan niya,nakakahiya pa.

"Ingat kayo bae,byeee!" sabi ko sakanila at sumakay narin ng masasakyan pauwi.

Pagdating ko sa bahay ay kumain agad ako ng tanghalian at natulog muna ako kasi inaatok talaga ako. Kahit na hindi pa ako nakakapagbihis ng shorts at undies. Inaantok na ako sobra.
----------------------------------------------------------
Kumakain na ako ng merienda at bigla akong napaisip na wala pala akong regalo sa boyfriend ko para sa birthday niya. Nakuuu! Isip. Isip. Isip.

"Bae mag-ingat kayo sa byahe nyo bukas ha" sabi ko kay ferris.

"Oo nman bae" reply niya.

Kanina pa kami magkausap ni ferris through chat. Pero wala parin talaga akong maisip na regalo sakanya. Wala naman kasi akong pera eh. Ansama ko ba kung wala akong maibigay? Huhu.

"Nagustuhan mo ba bae?" si ferris. May ginawa na naman kasi saiyang video na pictures ko ulit at may pictures narin niya pero konti lang yung sakanya. Pansin kong hindi siya mahilig mag picture huh.

"Super bae thank you''reply ko sakanya. At Oo! Sa wakas,may naisip na ako. Sana magustuhan niya kung ano man yun.

Nagpaalam narin ako kay ferris at umuwi na. Sana talaga magustuhan niya. Excited ako pero kinakabahan. First time ko kasi ito. Matutulog na ako ng maaga tutal tapos narin naman akong kumain. At upang mapaghandaan ko kung ano man yun? Bukas na.

Especially For You💘Where stories live. Discover now