Chapter 13; Rule✔

2 1 0
                                    

Gabi na at andito ako ngayon sa internet cafe. Grabe napapadalas na ako dito, eh kasi naman wala akong kausap sa bahay.

"Gdevening bae"si ferris. Message niya agad sakin. Inaabangan niya talaga ako lagi noh. Lalo na ngayon na kami na.

"Gdevening rin"reply ko. Tapos ay nakinig muna ako ng music's.

"Busy ka ba?"reply niya.

"Hindi naman"sagot ko sakanya. At ayun nag-uusap kami. Naeenjoy rin akong kausap siya at alam ko namang siya rin.

"Pili ka ng isa bae"si ferris. May sinend kasi siyang collage tapos may picture niya,ni lester at ryan. Meron ring nakalagay na A. B. C. Haha anong trip nito?

"Bakit naman?"tanong ko sakanya. Ano ba to! Alam nman nyang siya yung pipiliin ko noh.

"Sige na,isa lang dapat"siya.

"Letter B."sabi ko. Si ferris kasi yung nasa gitna, si letter B. Tapos yung picture niya, nakasideview siya.

"awwiee" reply niya. Hala? May pakilig2 pa syang nalalaman ha. Natawa tuloy ako.

"Same bae"reply ko. Nagsend kasi siya ng stickers na may nakalagay na "I love you".

"Ang ganda mo talaga bae"sabi niya at may sinend na video sakin. Agad ko naman itong ipinlay.

Tapos nung nakita ko yung video. Sobrang na appreciate ko yung ginawa niya. Pictures na nakangiti ako lahat tapos yung title ng music ay God Give Me You❤ meron ring parang snow na background,basta sobrang nagustuhan ko talaga. For the first time may lalaking nag-effort na gawan ako ng video. May mga lalaki na kasing binigyan ako ng teady bears,letters,chocolates at nilibre ako. Pero iba parin talaga yung pakiramdam kapag yung boyfriend mo yung nag-effort sayo. Feeling SuperHappy!

"Thankyou Bae" reply ko. Nagpatuloy naman kami sa pag-uusap ni ferris.

"Bae wag mo munang sabihin sa iba na tayo na"sabi ko kay ferris.

"Teka bakit?"tanong niya.

"Basta bae wag muna. Sasabihin mo lang sa iba,kapag pumayag na akong sabihin mo. Nag-iisang rule yan."reply ko.

"Okay bae"siya. Hays mabuti naman at pumayag siya. Sorry bae. Ayoko lang kasi talagang maraming makialam sating dalawa. Darating rin tayo jan na sasabihin natin sa iba.

Nagluluto ako at iniisip ko parin siya. Simula ngayon, dapat iwasan ko na yung mga bagay na maaaring ikadulot ng pag-aaway namin. Hindi kasi talaga ako sanay na may kaaway,lalo na kung boyfriend ko yung kaaway ko.

"Lang sunog na yung niluluto mo"si mama. Napatingin naman agad ako sa niluluto ko.

"Mama naman eh!"sabi ko. Eh kasi binibiro niya lang pala ako.

Pagkatapos naming kumain ay humiga agad ako. Ayokong mapuyat na naman noh. Ngdasal muna ako at Zzzzzzzh.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Goodmorning! Tiningnan ko naman agad sa fone ko kung anong oras na at 4:30am na pala. Bumangon naman agad ako,pero hindi nman ako nagmamadali kasi si mama kasi yung nagluluto kapag umaga.

Ginawa ko naman agad yung daily routines ko. Ligo-Bihis-Kain-Toothbrush-at eto! dito ako laging matagal matapos,sa pagsusuklay,mag-iisip kung anong hairstyle kapag walang maisip headband na lang tapos lagay ng powder-sapatos-at ayun lakad agad papuntang school.

"Goodmorning mj"bati agad ni rieza. Ang aga talagang pumasok ng babaeng to.

"Goodmorning rin mj" si shawn. Eto rin ang agang pumasok.

"Goodmorning rin sainyo"bati ko rin at nginitian sila. Nagtinginan naman yung dalawa,hmm I smell something fishy?

"Waaaah!!"panggugulat ni miko sakin.

"Ay pangit!!!"sabi ko na nabigla sakanya. Ay oo nga! Amoy isda itong baklang to.

"Wow naman! Mas pangit ka kaya"si miko. Natawa tuloy ako sa mukha niya kasi yung tipong inis na inis sakin.

"Sigurado kang pangit ako? Eh kung pangit ako bat ako nililigawan ng mga crush mo?"pang-aasar ko sakanya. Noon kasi kaklase kami diba at syempre hanggang ngayon. Kapag may crush kasi itong si miko,di ko alam kung bat ako ang nililigawan. Yung tipong binibestfriend lang nila si miko,para sakin.

"Bulag kasi sila. Hindi nila nakikita ang tunay kong kagandahan"sagot niya.

"Wag mo kasi itago"sabi ko kay miko.

"Gusto mong ipakita ko sayo? Wait lang" si miko at akmang tatanggalin yung polo niya.

"Hoy! Baliw ka talaga"sabi ko at pinigilan siya. Natawa tuloy ako at tumawa rin siya.

"Miko kapag binibiro kita,biro lang yun ha. Love kaya kita. Kung hindi kita mahal, sana kanina pa kita inaaway"sabi ko sabay yakap sakanya.

"Love you too mj. Pero sorry pareho tayong babae. Hindi pwedeng maging tayo eh"si miko at kunwariy umiiyak. Bat ba may bestfriend akong baliw?

"Kadiri ka!" Tumawa na naman kaming dalawa. Eto talaga yung palaging bonding namin.

Habang nagchichikahan kami ni miko. Ay dumating na ang kanina ko pa hinihintay. Si ferris. Tiningnan ko siya at napatingin rin siya sakin. Napangiti tuloy kami sa isat-isa.

"Hoy mj! Nakita ko yun" si miko. Grabe kailangan ba talagang sumigaw? Ang lapit lang kaya namin sa isat-isa.

"Ang alin?" pagmamaang-maangan ko.

"May pasmile2 pa kayong nalalaman ni ferris ha"si miko. Bakit bawal ba?

"Bawal ba miko?"sabi ko.

"Wala lang. Bagay naman kayo eh"si miko. Ayieee kinilig ako dun ha.

"Talaga?"ako.

"Oo nga" si miko. At ayun tumahimik na kami kasi nagsisimula na yung klase namin.

Laaaaast Subject na at gutooom na talaga ako. Pumasok lang si mam pero hindi naman siya nagklase samin kasi may kung ano-ano siyang ginagawa. Nagkwentuhan lang kami ng biglang may tumawag sakin.

"Mj halika muna"yung kaklase kong lalaki. Ano naman kayang trip nito?

"Oh bakit?" ako. Umupo ako katabi niya at hinihintay kung anong sasabihin niya.

"Anong meron sainyo ni ferris?"tanong niya na may halong pang-aasar sakin.

"Ha-ah? Wa-wala naman?"sagot ko. Napatingin naman ako kay ferris at may kausap rin siya, yung mga kaibigan niya.

"Bat ang sweet nyo?"hindi ko na lang siya sinagot at akmang aalis na at kakausapin ko sana siya ng biglang..

"Uhm Smith" tawag ni mam sakin. Napatingin naman agad ako kay mam at lumapit.

"yes po mam?"tapos ay may iniutos syang kung ano-ano na hinatid ko sa table nya sa faculty.

"Thankyouu Smith" si mam.

"Your Welcome mam" tapos ay umalis na ako.

Pagdating ko sa room ay pumunta agad ako kung san nakaupo si ferris. Kitang-kita sa mukha niya yung pagkabigla kasi hindi niya inaasahan na tatabi ako sakanya at yung saya.

"Sinabi mo ba sa iba?"tanong ko sakanya.

"Tungkol satin? Wala bae. Wala akong sinabihang iba" sagot niya at alam kong nagtataka to kung bakit ko natanong.

Sinabi ko naman kung bat ko yun natanong sakanya. Tapos ay tumawa siya. Hala? Anong nakakatawa dun?

"Bae baka naman kasi sobrang halata na" sabi niya. Oo nga no?

"Bae eh kung sabihin na lang kaya natin sakanila? Ayoko kasing may manligaw na naman sayo" si ferris. Seryoso talaga siya nung sinabi niya yun.

"Rule yan natin diba. Sasabihin naman natin sakanila bae eh,pero hindi pa ngayon" sabi ko at ngumiti lang kami sa isat-isa.

"Ingat ka bae ha"si ferris at lumabas na siya ng room.

Uuwi na rin kami ni miko,hinihintay pa kasi namin si rieza at khyla. Pumunta pa kasi ng cr yung dalawa.

Especially For You💘Where stories live. Discover now