Chapter 11; Yes^___^

8 2 0
                                    

😍CONTINUATION PO😍

Last subject na namin ngayon at wala naman kaming masyadong ginawa. Selecting of officers lang. Hays naging president ako sa subject nato. Tinanggap ko na lang yung posisyon ko kasi panay na yung pilit nila sakin eh. Itong mga kaklase ko talaga.

Pumunta nman ako sa harap upang mag lead at nagpatuloy kami sa selecting of officers. May napili na kaming secretary kaya siya naman yung pumalit sakin sa harap.

"Kris,halika muna may sasabihin ako"sabi ko at lumapit naman agad sakin si kris. Pagkatapos ay bumalik naman agad siya sa harap at may sinulat sa board. Pangalan ni ferris.

"May pabulong-bulong ka pang nalalaman ha"si kim. Eh ano naman?

"Bsta iboto mo siya ha"sabi ko sakanya. Sinabihan ko rin yung mga ibang kaklase ko na si ferris yung iboto para sa posisyon ng Auditor. At tumango lang yung ibang kaklase ko.

"Hala! Sinong nag nominate sakin? Ayoko! Please pakibura ng pangalan ko!" angal ni ferris. Yumuko ako kasi natatawa ako,ayokong malaman niya na ako yung nag nominate sakanya noh.

Hindi siya pinansin ni kris kaya tumahimik na lang si ferris. Sabi ko kasi kay kris na wag sabihin na ako yung nagnominate sakanya at hayaan para wala siyang magawa. Peace ferris haha.

"Prince charming na lang natin si ferris,mj"si miko.

"Wag"mabilis kong sagot sakanya. Ano ba to! Panira ng plano eh.

"Bakit?"tanong niya. Hindi ko na lang siya sinagot kaya lang biglang nang-asar.

"Alam ko na kung bakit"natatawa niyang sabi. Kung ano-ano na naman sinasabi nito eh! Tapos ay tumahimik na lang siya kasi kunwariy naiinis na ako sa iniisip niya.

Nanalo si ferris bilang auditor namin. Excited na sana kami sa prince at muse kaya lang hindi na sinali ni mam kasi wala naman raw yang gagawin sa posisyon na yan eh. Plano sana namin na si rieza at shawn. Hayyys sira yung plano.

Uwian na at inaayos ko na yung gamit ko. Narinig ko na may nagbubulong-bulongan sa likuran ko kaya napatingin naman ako kung sino. Si ferris pala tsaka yung mga kaibigan niya. Pinagpatuloy ko na lang yung pag-aayos ng gamit ko hanggang sa natapos ako.

"Ahhm mj"yung kaklase ko pala.

"Oh bakit?"tanong ko sakanya.

"May sasabihin si ferris sayo"napatingin naman ako kay ferris. Ano namang sasabihin nito?

"Ano yun?"sabi ko kay ferris. Hinihintay ko parin yung sasabihin niya kaya lang parang nahihiya siya.

"A-ah wala. Ano..ingat ka pauwi"sabi niya tapos ay ngumiti. Nakuu! Parang hindi naman yan yung sasabihin niya eh pero hindi ko na lang siya pinilit.

"Okay salamat"sagot ko at nginitian ko rin siya. Nauna na syang lumabas kasama yung kaibigan niya.

"Kinilig ka naman?" si miko. Pang-aasar na naman nito.

"Alam mo kanina ka pa eh"tapos ay tinawanan lang niya ako. Lumabas naman kami at nagpatuloy sa chikahan.

"Bye ingat ka"sabi ko kay miko at sumakay na ng jeep pauwi.

Nasa bahay na ako kumain muna ako tapos ay humiga muna saglit. Kinuha ko yung fone ko at nagbasa na lang ako ng ebook. Grabe nakakakilig itong binabasa ko. Sa sobrang daming pagsubok ang napagdaanan ay sila parin pala talaga sa isat-isa hanggang sa huli. Kaya lang, naisip ko hindi naman pala ito totoo.

5:46pm na pala. Bumangon ako at naglinis muna ng bahay sandali pagkatapos ay naisipan kong mag internet. Medyo madilim  rin pero hindi ko na lang pinansin.

"Mj..payag ka ba?"si lester. Oo nga pala! Nakalimutan ko na naman na kausapin siya kanina. Teka..anong sasabihin ko?

"Hi mj" si ferris. Siya muna yung nireplyan ko. Hindi ko pa kasi alam kung pano ko sasabihin na ayoko at hindi ko gusto si lester noh.

"Hmm ferris tulungan mo ko"sabi ko kay ferris. Oo,alam kong matutulungan niya ako kasi alam niya yung pakiramdam bilang lalaki. Ay syempre! Lalaki siya eh. Hay ang gulo ko.

"Bakit? Ano yun?"reply niya.

"Si lester nangligaw sakin..anong isasagot ko?"reply ko rin sakanya.

"Gusto mo ba?"sabi niya.

"Ayoko..hindi ko nman siya gusto eh" sagot ko.

"Eh kung ako? Payag ka ba?"reply niya. Ha? Hindi ko gets?

"Anong ikaw?"ako. Naku po! Parang alam ko na kung anong ibig sabihin nito.

"Manligaw?..sayo"siya. Sa sobrang gulat ko ay nahulog yung headphone na hawak ko. Buti na lang hindi nasira.

"Bakit?"reply ko na sobrang kinakabahan. Juskoooo po! Ito na ba yung dasal ko? Lord naman. Ayokong masaktan.

"Kasi maganda ka..matalino..etc"reply niya. Ano?! Rason ba yan?! Pinagtitripan lang ata ako nito eh.

"Tulungan mo muna ako kay lester"ako.

"Pagkatapos ba nyan..malalaman ko na rin ba yung sagot mo?"si ferris. Nagmamadali ba to? Nireplyan ko lang siya ng oo.

"Sabihin mo sorry..na kaibigan lang yung tingin mo sakanya"siya. Oo nga noh. Ohsge yan na lang yung sasabihin ko kay lester,bahala na.

"Ganun ba..okay lang mj" si lester. Sinabi ko na kasi na kaibigan lang yung tingin ko sakanya.

"Mj pwede ba?" Si ferris. Halaaa anong isasagot ko? Gusto ko kasi talaga na kung sino man yung first boyfriend ko ay siya na talaga.

Nag-iisip pa ako kung sasagutin ko ba to. Ayokong masayang yung pagsagot ko tapos baka maghiwalay rin kami. Masakit raw kasi talaga magmahal gaya ng mga nababasa ko sa ebooks.

"Yes" reply ko sakanya. Hindi ko alam kung bat ang bilis ko siyang sinagot pero sabi nga nila wag sayangin ang pagkakataon.

"Talaga? Tayo na?" si ferris. Bat ayaw pa nitong maniwala? Baka naman niloloko lang ako nito at hindi totoong gusto niya talagang manligaw sakin.

"Ay hindi! Kayo na. Haha joke lang. Yes,tayo na" reply ko sakanya. Wala naman sigurong masama ang subukan lang namin diba?

"Yeeeessss!!" si ferris. Nakaramdam ako ng saya ng hindi ko alam. Napatingin ako sa labas at umuulan pala. Loverain❤

Malapit na matapos yung time ko sa paggamit ng internet. Nagpaalam na ako kay ferris.

"Sige mj. Magsasaing pa ako eh"paalam rin niya at nagsend rin siya ng picture niya na nagsasaing. Akalain mo yun? Marunong rin pala itong magsaing eh. Akala ko kalokohan lang ang alam nito.

"Bye Bae"pahabol pa niya. Bae? Anong ibig sabihin nyan?

"Bae?"tanong ko sakanya.

"Before Anyone Else"sagot niya. Myghad!! Kinilig ako sobra! Napahawak ako sa pisnge ko kasi pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang kilig.

Nagbye na rin ako sakanya. Nako naman! Umuulan parin at wala akong dalang payong. Napangiti ako bigla kasi pakiramdam ko sign to. Itong loverain, tumakbo na lang ako pauwi.

Nasa higaan na ako at hindi parin makapaniwala na may boyfriend na ako. Sana naman wag nya akong paglaruan gaya ng iba jan.

June 10,2015 my unforgettable day❤

Especially For You💘Where stories live. Discover now