Chapter 6; Discouraged

2 2 0
                                    

Goodmorning sakin! Happy weekend!! Tiningnan ko agad kung anong oras na at as usual kapag walang pasok 9am ang pinaka maaga kong gising. Syempre binabawi ko lang ang mga oras na puyat ako noh.
Bumangon naman agad ako kasi gutom na ang mahal kong tyan-,-

Pagkatapos kong kumain ay naglinis agad ako ng bahay hindi naman ako masyadong napagod sa paglilinis kasi hindi naman ganun kalaki ang bahay namin. Tsaka inayos ko na rin ang gamit ko at chineck kung may takdang-aralin. Ay oo nga pala! Wala pa kaming lessons kasi bago pa lang naman nagpasukan diba.

Bored na masyado kasi natapos ko na ang lahat kong gagawin. Ano kayang pwedeng gawin? Kumain! Oo tama! Kakain na nga lang ulit ako. Ayy ang saya may pagkain pa! At habang kumakain ako eh may biglang tumawag.

"Hi Langga? Kumusta kana? Kayo jan?"Si Ate.

Kapatid siya ng papa ko,pero mas magkapatid pa kami magturingan sa isat-isa. Langga yung tawag nila sakin eh. Ewan ko bsta "Mahal" din ibig sabihin nyan(:

"Hello ate! Ayos lang po kami dito,eh kayo jan?" sagot ko.

"Ayos lang din. Ikaw lang ba mag-isa jan? Miss na kita,ginagamit mo pa ba ang facebook account mo?"sabi nya.

"Opo umalis sina mama at papa. Miss ko na din kayo,minsan na lang eh bakit?"sagot ko habang kumakain.

"May ipinost kasi akong pictures ng pinsan mo. Tingnan mo na lang sa account ko"si ate.

Pagkatapos ay binaba na ng ate ko yung phone kasi may gagawin pa siya. Wala naman na akong masyadong ginagawa kundi nanood lang ng TV. Hindi ko namalayan ang oras at hapon na pala, naisipan kong tingnan kung anong pinost ng ate ko. Kaya ayun pumunta ako sa internet cafe at inopen yung facebook account ko. Hindi naman talaga ako mahilig mag internet eh kasi nakakangawit yung palaging naka-upo tapos nauubos yung pera ko tsaka sayang lang sa oras ko nyan. Baliw na ba ako nyan? Haha.

"10friend requests,6messages,at 54notifications?!" Iniuna ko muna yung friend requests.

Teka parang pamilyar yung mga nag friend requests sakin? Tsaka bat halos lahat lalaki? Pinili ko lang yung mga pamilyar sakin tapos tiningnan ko yung posts at pictures nila.

"Hala! Ini-add ako ni Ryan!!"sigaw ng utak ko. Anong akala nyo sumigaw ako? Nakakahiya kaya! Habang tinitingnan ko yung pictures nya ay parang nakaramdam ako ng "discouraged" kumbaga. Kasi naman! Bat pang adik yung mga posts? Tapos parang ang bait nya naman sa personal? Aynaku ewan ko sakanya.

"Pano kaya nila nalaman ang name ko sa facebook?"tanong ko sa sarili ko. Ayhala! Naaalala ko na! Nakuuu naman! Sinabi ko nga pala sa dalawang makulit kong kaklase kung anong fb name ko! Eh kasi nman ayaw nila akong tantanan! Ini-accept ko na rin sila,wala lang trip ko lang haha.

Nagmessage naman agad sakin yung mga ini-accept ko pero deadma lang kasi gusto kong maglaro hehe. At habang naglalaro ako ay may biglang nag message sakin.

"Hi MJ, thankyou sa pag-accept mo sakin" from Ryan.

Nagreply lang ako ng welcome tsaka nag offline na. Hay ewan! Hndi na ako naaattract sayo. Ayoko talaga sa mga lalaking mayayabang tss.

Umuwi na lang ako at nagluto na ng hapunan. Wala pa kasi si mama kaya ako muna nagluto. Tsaka minsan lang ako nagluluto, kpag nasa mood lang haha. Nahihiya kasi ako baka hindi masarap luto ko.

Ilang oras ang nakalipas ay dumating na si mama pati si papa kaya ayun kumain na kami. Kapag hapunan lang kasi talaga kami sabay kumakain eh.

"Nak galing ah. Marunong ka pala magluto"si mama.

"Syempre naman sakin nagmana"sabat ni papa.

"Anong sayo? Eh hindi ka nga marunong magsaing eh"sagot agad ni mama.

At eto ako natatawa. Hays sana ganito kami palagi.

Especially For You💘Where stories live. Discover now