Chapter 14; Answered

1 1 0
                                    

"Mj ano nga ulit yung date ngayon?" Si rieza. Hays eto talaga makakalimutin.

"Wednesday,17th of June"sagot ko sakanya habang kinokopya namin ang sinusulat ni sir sa board.

Oo,1week narin ang nakalipas mula nung sinagot ko si ferris. Okay naman yung relasyon namin, tsaka andami na ring nakakahalata na kami na ni ferris. Gaya nung.....

(Continuation of Chapter 13)
Nandito pa kami ni miko sa room hanggang sa dumating na sina rieza.

"Oh ano labas na tayo?"tanong ni miko.

Kinuha ko na ang bag ko pati narin bag nila at lalabas na sana ng nakita ko si ferris na kasama na nman niya ay yung dalawang babae. Sino ba talaga sila? Papalapit sila kung san kami nakatayo at dali-dali akong lumakad palabas. Ay hindi! Tumatakbo na talaga ako palabas.

"M-mj! B-bat ka-a bbbah! tumakbo h-ha?"sabi ni miko na hinihingal.

"tubig oh"sagot ko at binigyan ko siya ng maiinom.

"Bakit? May kaaway ka?"tanong ni miko.

"Wala miko. Exercise"si miko at pumara agad ng masasakyan.

"Ha?! Exercise sa sobrang inet ng araw?!"sagot niya. Hindi ko nalang siya sinagot at sumakay na.

KINABUKASAN^__^
Nakaupo lang ako ngayon sa labas. Wala lang, gusto ko lang talagang magpahangin. Nakita ko si ferris na papalapit sakin kaya tumayo agad ako. At pumasok sa loob ng room.

"Bae okay ka lang?"si ferris. Oo naman okay lang ako.

"Oo"sagot ko habang nakatalikod parin. Nagulat ako kasi hinawakan niya kung kamay ko. Ohmygod bat ang ineeeet na nman?

"Bae bat di mo ko pinapansin?"tanong niya at tumabi siya sa pag upo sakin. Buti na lang wala pang masyadong tao kasi ang aga pa naman, hindi pa pwedeng ibreak yung rule noh.

"Ha..ah? pinapansin naman kita ah"sabi ko at grabe di ko na mapigilan..umiinet yung pakiramdam ko!

Hinigpitan niya yung pagkahawak niya sa kamay ko at ang masayahin nyang mukha ay biglang naging malungkot. Naku naman. Dahil ba sakin?

"Okay lang ako bae"sagot ko sakanya at ngumiti. Hinawakan ko rin yung kanang kamay niya baka sakaling mawala ang lungkot niya. Ayokong malungkot ang boyfriend ko ng dahil sakin.

"Halaaa ang sweeeet naman!!"pang-aasar ng mga kaklase namin. Napatingin naman agad kami ni ferris kung sino yung nagsasalita at  Hala! andami na pala nila dito sa room. Nakita ba nila yung paghawak ng kamay namin ni ferris sa isat-isa?

"Anong meron?"si blezzie. Naku po lagot! Tiningnan ko naman agad si ferris. Napatawa kami sabay sabi ng..

"Wala"tapos ay umayos na kaming lahat para sa klase namin.
(END OF CONTINUATION)

"Ay oo nga pala"sabi ni rieza at nagpatuloy sa pagsusulat.

Third subject na namin to at hindi pa naman nag explain si sir. Bukas na lang daw niya ipapaliwanag yung new lesson namin. Sa ngayon ay ang gagawin lang namin ay magsulat. Ilang oras ang nakalipas at recess time na namin.

"Mj labas tayo"pag-aaya ng mga kaibigan ko.

"Okay sige" tapos ay bumili lang kami ng burger tsaka juice at bumalik agad sa room. Pagpasok namin sa room ay nakita kong nakaupo lang si ferris at walang kausap.

"Bae? Bat mag-isa ka lang?"sabi ko at tumabi agad sakanya. Tiningnan ko siya at teka hindi ba ito kumain?

"Masakit ulo ko bae"sagot niya habang hinihimas-himas yung ulo niya.

Especially For You💘Where stories live. Discover now