Chapter 7: Sana

4 2 0
                                    

"Peace be with you"si father. Pagkatapos nyang sabihin yan ay inialay namin ang aming mapayapang ngiti sa isat-isa.

"Ma,pa. Peace po"sabi ko sakanila at hinalikan sa pisnge. At yun din ang ginawa nila sakin.

"Hon,peace sorry na"si papa at kiniss ang mama ko.

Ay oo nga pala,nagtatampo si mama kasi sinabihan sya ng papa ko na hindi raw masarap luto nya. Pero biro lang yun ah. Kaya ayan tuloy,nilalambing niya ng todo ang mama ko. Natatawa tuloy ako sakanila.

"Peace babe, I love you"rinig ko sa katabi kong lovers tapos hinalikan nila ang isat-isa.

Ano kayang feeling na may boyfriend? Sweet at malambing din kaya katulad ng papa ko? Marespeto kagaya ng lolo ko? Aalagaan ako gaya ng mama ko? Yung ipagtatanggol ako tulad ng superhero? Tapat at mapagmahal din ba gaya ng Diyos? Hindi man perpekto bstat wag lang manloloko? O yung masasaktan lang ako kagaya ng sa pelikula o sa totoong buhay.

Ayoko. Ayoko muna. Natatakot ako. Sabi kasi ng mama at papa ko hindi biro o madaling magmahal. Pero sabi ng lolo at lola ko bastat mahal mo ang isang tao,nakakaya mo ang lahat kahit hindi mo ito pinag-aralan kung paano. Napangiti ako bigla.

"Anak halika na uwi na tayo"si mama. Napatingin ako sa paligid at palabas na ang mga taong nagsimba. Hindi ko namalayan sa kakaisip ko ng kung ano-ano ay natapos na pala ang misa.

"Mama, susunod lang po ako"sagot ko kay mama.

"Ohsge anak,hintayin ka namin dun sa labas"sabi ni mama tsaka lumabas.

Lumuhod ako at "Lord,sorry po kung hindi man ako nakafocus masyado. Curious lang po kasi ako dahil sa mga nakikita kong mga taong nagmamahalan" pumikit ako at nagbuntong hininga.

"Hindi naman po sa nagmamadali ako. Alam ko po sinusulat mo pa ang love story ko. Lord,SANA YUNG TAONG UNANG MAMAHALIN KO AY SIYA NA TALAGA. Pangako po na kung sino man siya...magiging mabuti po akong girlfriend nya,hindi po ako gagawa ng bagay na maaaring ikadulot ng paghihiwalay namin, pasasayahin ko sya at ibibigay ko lahat sakanya"idinilat ko ang aking mata at ngumiti. Tumayo na ako at lumabas na ng simbahan.

"Anak anong ipinagdasal mo?"si papa. Imbis na sumagot ay ngumiti na lang ako "halika na po ma,pa"

"Habang nabubuhay ang tao dito sa mundo. Asahan mong may magmamahal sayooooh.. Habang marunong kang umibig ay may kapalit..may maaakit kahit ikay saksakan ng paaaaangit!"*Basted by Siakol* Naku! Videoke na naman trip ng kuya(pinsan) ko.

"Kuya ang ingay mo!"inis kong sabi habang tinatanggal ang rubber shoes ko.

"Sus! Maganda lang talaga boses ko. Halika nga kumanta ka!"sabi nya na naka microphone pa talaga. Di talaga to marunong mahiya.

"Kakanta lang ako kapag gumanda na yang boses mo"pang-aasar ko naman.

"Bat mo ba tinatago yang boses mo? Panis na yan sgurado"yabang nyang sagot.

"Tinatago ko ba? Nagsasalita naman ako ah? Boses dba to?"natatawa kong sagot.

"Baliw! Mag-isip nga!"sigaw nya.

"Translate mo yan sa english"tinaasan ko pa talaga ng kilay.

"Gwapo ako"ang yabang talaga! Di ko na lang sya sinagot.

Sa totoo lang kumakanta nman ako kapag mag-isa lang ako. Naghihintay lang kasi ako na baka dumating ang taong gusto kong kantahan pero di ko alam sino eh haha baliw nga ako.

"Teka..may naiwan pa palang isa na nag friend request sakin ah. Oo kilala ko toh...si prince charming" Ini-accept ko naman agad tsaka tiningnan wall nya. Stalk na ba to?

"Uyyy sa wakas! May crush na ulit si ate mj!"sigaw ng dalawang kaibigan ko.

"Hoy kayo talaga! Mga chismosa! Alis na nga ang kulit nyo talaga"kunwari naiinis ako para umalis tong dalawa.

"Sus! Di umangal so totoo nga talaga! Bye prince charming"at ayun tinakbuhan ako. Narinig pala nila!

Mga sira talaga yun. Teka bat nga ba di ako umangal? Ay ewan. Naglaro na lang ako kasi wala nman akong kachat.
*ting* *ting* *ting* *ting* *ting*
Sunod-sunod na biglang tumunog kaya tiningnan ko agad. Hala?! Notifications pala yun! Tapos galing kay prince charming, likes ng pictures ko sa facebook.

"Hi"si prince charming este ferris.
*ting* *ting*
Anyare bat di ako makatype?! Maghehello kalang mj ano ba! Patuloy parin ang paglilike niya.

"hello" haynako! andali lang dba?!
At ayun nag-usap pa kami. Medyo nakakatype na ako ng tama,natapos ang pag-uusap namin kasi malapit na yung time ko sa internet. Nagbye na rin kami sa isat-isa haha. Mabuti pang umuwi na lang ako.

Bat ansaya ko ataaaaaaaa?^___^

Especially For You💘Where stories live. Discover now