Chapter 2: But, I Want You

15.2K 160 2
                                    

"Wag mong sabihin kay kuya na nandito ako." Sabi ko sa pinsan ko.

"Okay."

"So, kumusta ang soccer?" Sabi ko habang naghahanda ng makakain namin.

"Great." Sagot naman niya. Busy siya sa pagpasok ng mga gamit niya sa loob ng bagpack.

He's so busy these past few days. May band siya tapos may laro pa. He's a very talented person.

"Alis muna ako." Bigla niyang sabi.

Napatigil naman ako nung nakita kong may dala-dala siyang bola.

"Di ka man lang ba kakain? Nakikinig ka ba? Jay Francis Uy!" Pero di na nakinig sa akin. Umalis na.

Napatingin ako sa pagkaing inihanda ko. For two pa naman. Di ko to maubos.

Di ko alam kung uuwi na rin ba ako. Naiinis pa rin ako sa bahay dahil kay kuya.

Kinuha ko ang cellphone ko. I texted Jay na kakaalis pa lang na doon ako tatambay sa Sarili niyang Bar.

"Paano ko naman to uubusin?" Sabi ko sa sarili ko.

Nakatunganga akong kumakain. Halos isang oras ko na ngang natapos ang kinakain ko. Matapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis.
Nagsuot ako ng Dark Blue Off Shoulder Dress. Mas lalo lang pumuti ang kutis ko. Inilugay ko lang ang wavy na buhok ko.

Nagtungo ako sa Bar ni Jay.
Nagpark ako sa sasakyan ko.
Di pa lang ako nakapasok sa Bar bigla akong tinawagan ni Kuya.

Ilang segundo ko pang tinitigan ang screen ng cellphone ko bago ko sinagot.

"Kuya Pete?" 

"Priscilla..."

Nailayo ko ang cellphone ko to check kung si kuya ba talaga ang tumawag. Pero siya talaga.

"You're crying?" Sabi ko.

"Nakunan si Jesel."

Parang nabasag ang pandinig ko. Di ako makapaniwala na ganun ang isasagot niya. Napabalik ako sa sasakyan ko.

"San kayo ngayon?" Sabi ko.

"Hospital."

I ended the call at mabilis na nagbiyahe tungo sa Hospital.

Nakarating ako sa hospital at nakita kong nakaupo si Kuya sa labas ng ER. Ano ba kasing nangyari kay Jesel?
Lumapit ako kay kuya.

"Priscilla." Agad niyang sabi nung nakita niya ako. Tumayo siya at niyakap ako.

"I... I don't know why. Bigla na lang siyang naglalasing. I was busy at work last night at ganito na ang nangyari." Sabi niya sa akin. Nanginginig siya.

"Si Jesel? Okay lang ba siya?"

"Gusto niyang makipagdivorce." Sagot niya.

I smirked.

"Nakunan lang kayo ng anak, hiwalay agad. Huhulaan ko, ikaw ba ang sinisisi niya?" Sabi ko. Di agad nakasagot si Kuya.

Napahilot ako sa sintido ko sabay upo sumunod na rin si kuya sa pag-upo.

"Then, be it. Divorce na kung divorce." Sabi ko.

I scanned my brother's eyes. But alam kong mahal niya si Jesel.

Napakagat ako sa labi ko.
Natahimik kaming dalawa.
Ilang segundo, minuto, at oras ang lumipas.

"Kuya, tayo na lang natira sa pamilya natin. Wala na sila mama at papa. At alam ko kung gaano ka naghirap para sa ating dalawa. Kaya ang gusto ko sana ay makahanap ka ng babaeng mahal ka talaga. Pero ano ba kasing pumasok sa utak mo at si Jesel pa ang pinili mo? She's immature. She is the same age as me. Walang wala sa kanya ang marriage." Sabi ko.

My Favorite Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon