Chapter 44: Cold

5K 58 3
                                    

I inhaled.

Exhaled.

Inhaled.

Exhaled.

"Good morning, Ms. Uy. Please take a sit."

Sumunod ako.
May pinakita siyang mga iba't-ibang pictures ng mga magagandang haircut for girls.

"What do you prefer?"

I smiled and picked nothing.

"Uhmmm, ikaw na bahala." Sabi ko at kinindatan naman ako ng babae. Sa tingin ko ay pro naman siya.

"By the way, pakulayan ko ha." I didn't tell kuya about this pero... Gusto ko lang magpakulay.

"What color?"

"Red."




O m g.

Okay.

Hindi na wavy ang buhok ko. Straight na siya ngayon. Ang dating itim kong buhok ay naging pula. Hindi naman masyadong bright. Near siya sa pagka-maroon.

Feel na feel ko na magagalit si Kuya sa akin nito.

Pero, what?

It's been 1 year na since nagsimula na akong nagwork sa company.

Yes, bes.

1 year na rin ang lumipas. All is well. Successful naman kasi magaling lahat ang employees ko and ang mga artists ko.

And...

Well, nabored na ako kaya sinubukan kong mag-change sa hair. Styles and fashions. Maliit na bagay lang pero masaya na ako.

Sabi nga ni Kuya sa akin ay pumayat daw ako. Oh, edi pumayat. Kasalanan ko bang kahit kumain ako ng marami ay tiyan lang naman lalaki sa akin at mawawala lang rin. Oh diba. Laysho.

Pumasok na ako sa kotse ko.
Mabilis akong tinabihan ni Jella. My secretary. Magandang secretary.

"Ms. Uy, may meeting po mamayang 3:00 PM para po sa concert tour na gaganapin sa Thailand next year."

I nodded. Inaayos ko buhok ko. Pulang pula.

"And... May appointment po kayo tomorrow."

"Oh, postpone that." Sabi ko.

"But..."

"Kailanga ako ni Kuya bukas." Sabi ko and I winked at her. I really like her mole sa may bandang lips niya. Na-emphasize talaga ang beauty niya eh.

"Okay, Ms. Uy." She said.

Katahimikan.
Hindi na nagsalita pa si Jella.

Habang nasa biyahe ako, hindi ko mapigilan ang mapaisip na naman.
Kaya naman mas lumalapad ang noo ko dahil sa lagi na akong nag-iisip.

Nakarating kami sa building.
Dumiretso ako sa office ko. Lunch time pa rin naman pero di ko feel kumain.

Biglang pumasok si Jella na may dala-dalang takeout foods.

Feel ko na kumain.

"Thank you!" Sabi ko.

Sabay tanggap ko sa isang bag na may lamang chicken. Ngiting-ngiti ako at nagsalita na naman Si Jella.

"Galing na naman po yan sa isang lalaki." Napakunot ang noo ko.

"Really? Sinabi ba ang pangalan?"

Hindi siya umimik kundi napailing lang.

"Hindi na naman sinabi?" Sabi ko.

"Opo." Sagot niya. "Excuse me."

My Favorite Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon