Chapter 54: Message

4K 49 0
                                    

*phone rang*

"Kanina pa yan ring ng ring, nakakabingi na." Sabi ni Jay na kumakain ngayon ng pop corn katabi ko.

Nasa place niya ako ngayon.

Wala namang tao sa bahay kasi wala pa sina Pete at Marie. Malamag nagsasarapan na yung dalawa.

At narito ako ngayon, bored na bored na nanunuod ng tv. Wala man lang magandang show. Nakakainis. Nakakaloka. Nakakabaliw.

I groaned and Jay suddenly snap a finger in front of me.

"You're weird." He paused. "Get out of my house."

My jaw dropped.

"Pinapaalis mo ako?" I said sabay turo sa sarili ko.

Magkatinginan lang kaming dalawa bago siya napasagot sa tanong ko sa kanya.

"Well, papunta na dito ang girlfriend ko." Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin at tamad na kinakain ang pop corn.

"F, may girlfriend ka na? Pakilala mo nga sa akin." Sabi ko.

"Ayaw ko." Sabi pa niya.

"Ang oa." Sabi ko.

"Alis na." Sabi niya.

Tumayo ako at binato ko sa kanya ang maliit na unan.

Di niya lang ako pinansin.

"Gaano ba kasi kalaki yang pinag-usapan. At kailangan mo pang makitira sa lugar ko?"

Sinuot ko ang black jacket ko.

"Aalis na ako, so just shut up."

I heard him laughed.

"Love quarrel?" Sigaw niya kasi nagsisimula na akong magpalakad-lakas since hinahanap ko ang sapatos ko.

"Shut up, jay." Sabi ko nung nakita ko na sapatos ko.

"Maliit na bagay ba yan na pinapalaki? Or ex? Or maybe trust issue?"

There.

Kakahawak ko pa lang sa door knob. He got the right answer. He got it.
Trust issue.

Umupo ako pabalik katabi niya. He's busy with his phone.

"Ano ba ang dapat kong gawin? Eh sa nainis ako eh! Ayaw ba naman akong pagkatiwalaan? Ha?"

He looked at me.

I hope maganda siyang mag-advice. I've knowm my lil cousin for a long time but he's a real talkshit.

"Trust issues. About ex rin?" Sabi niya.

Napatango ako.

Nagtype siya sa phone niya at napatingin naman ako pero agad niya ring iniwas sa akin para di ko makita.

Sinimaan ko siya ng tingin.

He has that good boy image but has a bad boy attitude. Sigh.

"Sabihan mo lang siya na magtiwala siya sayo."

"Kung mahal niya ako di ko na siya kailangan sabihan pa. He would trust me." Sabi ko.

Napailing siya.

"Sa tingin mo madali lang magtiwala, Priscilla?" He paused.

"Mas matanda pa ako sayo kaya ayusin mo." Sabi ko kaagad.

He rolled his eyes. And I remember xander. Okay. Namiss ko na si Buday.

"Okay. Hindi naman kasi madaling magtiwala." He started.

Napatahimik ako.

"Lalong lalo na if it's about... You know. Past." Sabi niya and I cup my face.

"Wala naman kasing problema kasi wala na ako sa ex ko. Wala na akong gusto. We're moving on." Sabi ko.

"Sure ka?"

I nodded.

"Ano bang reason na nag-away kayo? San nagsimula?"

"Flowers from ex."

Napasimangot siya.

Ganun ba yun ka big deal? He's just my ex.

"Damn. Sino bang hindi magseselos diyan." Sabi niya at napaikis na lang talaga kilay ko.

"Wala naman akong alam. Wala akong malisya kung kay ex man galing. At wala akong balak makipagkita o ano o ano pang bagay like benifits or ano pa." Tuloy-tuloy kong sabi.

Katahimikan.

"Xander know exactly what's going on between me and my ex before----"

"See, that's the thing." He said in a lower tone. Serious Jay is infront of me right now. Nagsalita ulit siya.

"Alam na alam ni present mo ang past mo at siguro, alam rin  niya kung gaano ka kabaliw sa ex diba? Minahal mo siya diba? At alam ni present yun..."

Unti-unti nang sumingit sa akin ang mensahe na pinapahatid sa akin ni Jay.

"Malamang nagselos yun. Lalo na kapag mayroong encounter kay ex na hindi man lang niya nalaman galing sayo."

Naalala ko yung time na nag-chat kami ni Mentius.

Kumustuhan lang naman yun!

Pero hindi ko nga sinabi kay Xander.
Mali ako. Oo, na.

"He's probably jealous. At dahil ex mo siya na kinababaliwan mo noon, malamang iniisip niya na pwede ka ring agawin ni Past ng sa mabilisan."

Ganun ba yun?

"Si xander naman ang pipiliin ko. Wala na kami ni Mentius." I uttered without looking at jay.

"It's just a matter of perspective. Kung may nasabi man siyang hindi maganda sayo, nadala lang siya."

Siguro.

Okay.

Napayuko na lang ako.

"Do you know what's the message behind his act?"

Napatingin ako sa kanya.

Ngumiti siya at napataas kilay ko.

"He's just afraid of losing you. Kaya baba mo na pride mo. I know, masakit pagdudahan. Pero mas lalo lang yun magdududa kapag nanlamig ka pa sa kanya." Sabi niya.

Napaawang ang labi ko.

Iniisip ko pa kung si Jay ba tong kausap ko o sinasapian lang siya ng mabait na espirito.

I sighed.

"Uuwi na ako."

Napasandal siya sa upuan.

"Finally."

Hinampas ko ng mahina ang balikat niya.

"Bye." Sabi ko sabay dali-daling lumabas at pumunta sa kotse.

Tinawagan ko rin si Xander habang nagmamaneho ako pero hindi naman siya sumasagot.

"Xander, cmon. Pick up."

I bit my lower lip at napayuko.

And I almost forgot that I was driving.
Napahigit ako sa hininga ko nung nang-agaw na ako ng daan at mabilis akong napaliko kaso na------

Everything went black.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now