Chapter 32: Familiar

5.2K 68 0
                                    

After two days. Sa wakas at pwede na rin si Kuya na makaalis sa Hospital. Grateful din ako kasi parang better na si Kuya.

Nasa sasakyan pa kami ngayon ni Kuya. I'm driving him home and I took a glance at him.

Nakatingin lang naman siya labas at ang lalim ng iniisip niya.

Maya-maya pa ay nagsalita na siya. I smiled. Happy that he's finally talking. No more silence. No more cold actions.

"Di man lang tayo nakapagbisita kina mama at papa nung Death Anniversary nila." Sabi niya.

"It's okay. Maiintindihan naman siguro nila." Sabi ko. Trying not to make him sad.

"Kuya." Tawag ko nang hindu nakatingin sa kanya.

Binagalan ko rin ang takbo ko sa kotse since I badly wanted to talk to him. Gusto ko kasi na habang nasa ganyang sitwasyon niya. Nandito ako para sa kanya. Nandun ako sa tabi niya. At gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

"Hmm?"

"Kain tayo."

"San?"

"Saan mo gusto? I know you love chicken! Kain tayo? I can buy a whole bucket of chicken if you want. We can have some grilled meat and beer too!" Pag-yaya ko sa kanya. Ang cheerful ng boses ko.

Please kuya. Ngumiti ka.

"Talaga?"

Ayan. Bibigay na yan. Malamang mahal na mahal niya ang mga manok eh.

"Oo! Well, di kita pipilitin..." Napaisip kasi ako sa sinabi ng doctor sa akin na wag muna siya painumin. Ayan na. Pinagsisihan ko tuloy na sinabihan ko siyang uminom ng beer.

"Pilitin mo ko." Sabi niya saka tumawa.

Di ko mapigilan nung makita ko ang tawa niya. Namiss ko yun. Ang ganda kaya tumawa ni Kuya.

I smiled at him bago pinark ang kotse.

"Dine in tayo o take out?"

"Take out." Sabi niya.

Napatigil ako nung di niua tinanggal ang seatbelt niya. Napatingin siya sa akin at ngumiti.

Okay.

Nasobrahan lang siya sa kasiyahan niya dahil sa manok. Hays.

"Do you want me to come with you?"

"If it's okay?" Sabi ko.

"Of course."

Lumabas ako at siya rin. Magkasabay kaming naglakad papasok sa Isang restaurant at habang naglalakad kami ay ginulo niya ang buhok ko.

Bahala na ang buhok ko kung magigibg magulo. Basta ba, masaya siya.

Pumasok na kami sa loob ng kotse at nagsimula na naman akong mag-drive.

"Mauubos kaya natin to?" Tanong ko.

"Yep." Sabi niya.

"Akala ko nga dati kuya na lilipad ka na."

"Bakit?"

"Kasi halos araw-araw, manok ang ulam mo. Akala ko nga rin na... Mygad.. Magkakaroon na ba ako ng sissy? Ganun. Akala ko magiging bakla ka. Sabi kasi nila na nakakabakla ang palaging kumakain ng manok."

Tumawa siya kaya di ko rin mapigilan ang mapatawa kasabay siya.

"Baliw." Sabi niya.

Napatingin ako kay kuya.

Strange.

Baliw.

Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng ganyan... Si Xander.

Nanlaki ang mata ko nung biglang sumigaw si Kuya at ininat ang kamay niya para controlin ang manobela ng sasakyan.

"Hey, watch out!"

Napabrake ako at halos malaglag na ang panga ko.

"Geez, muntik na." Sabi niya.

Kinalma ko ang sarili ko.
May huminto palang sasakyan at dahil napatigil ako kanina... Nawalan ako ng focus kaya naging ganun. Mabuti naman at nakapansin si Kuya. Kung hindi, baka babalik kaming dalawa sa Hospital.

"Careful." Sabi ni Kuya. "Okay ka lang?" Tanong pa niya.

Malakas kasi ang takbo konti tas nagbrake ako bigla kaya medyo malakas.

Napatingin ako sa kotseng nakaparada at isang familiar na lalaki ang pumasok sa loob ng sasakyang iyon.

Napatingin ako kay kuya na inaayos yung cellophane kung saan nandun ang mga manok niya.

Hindi pa pala niya alam ang totoo.
Hindi niya pa alam kung sino ang lalaki ni Jesel.

Binalik ko ang tingin ko sa harap at pinanuod kong umalis ang sasakyan na iyon.

It's been a long time since i saw him.
But this pain... Parang kahapon lang.

Kahit galit ako sa kanya.
Kahit naiinis ako sa kanya.
Kahit nandidiri ako sa kanya.

Namiss ko siya.

My Favorite Pain (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat