Chapter 43: Letting Go

5.4K 73 12
                                    

Sabi nga nila, 'Kung pipiliin mong maging masaya, magiging masaya ka. Kung pipiliin mong masaktan, masasaktan ka.' Ganun lang naman iyon kasimple.

Nasaktan ako sa mga panahong pinili kong saktan ang sarili ko. Yung panahon na pinili kong mahalin ng buo ang ibang tao kesa ang sarili ko.
Yung panahon na may choice ako pero i still decided to stay. Yun na siguro ang panahon na, para ko na ring ibinihag ang sarili ko para masugatan ang puso, mawasak, magiging sawi, mapaiyak, at masaktan ng sobra sobra.

Wala akong regrets kasi... Nagmahal ako ng totoo. Minahal ko siya ng walang kapantay.

Sabi nga nila, 'Kung mahal mo siya. Mahal lang. Wag mahal na mahal. Para kung wala ng kayo. Masakit lang. Hindi masakit na masakit.'

Hindi naman tanga ang mga taong katulad ko eh. Yung martyr, yung nag-stay, yung inaapakan ang pride. Hindi tanga ang mga taong ganun. Bakit? Wala nang Mas tatanga pa sa taong iniwan, pinaiyak, sinaktan ang taong handang magpakatanga para sa kanila.

At sa panahong pinili mong maging masaya, syempre magiging masaya ka. Kasi nga pinili mo yun. Mangyayari din yun.

I probably love the feeling of being free.

At kung alam ko lang noon pa? Kung alam ko lang na kayang-kaya ko pala kahit wala siya? Edi sana... Pinalaya ko na sarili ko.

Ganito rin si Kuya. Alam ko.

We're here.

Nasa church kaming dalawa kami ngayon at nagdadasal. Nilingon ko siya at tinignan. Nakauwi na kami galing Bohol. And a day after, everything was fine so we'd like to thank.

He was praying too. Umupo ako galing sa pagkakaluhod. Umupo na rin siya after ilang segundo.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "I miss mama at papa." I said.

Tinignan ko siya at ngumiti lang siya saka ako inakbayan.

"Bibisita tayo sa kanila after this, okay?"

I nodded.

Pagkatapos namin ni Kuya na bumisita sa puntod nina mama at papa. We decided to eat sa isang chinese restaurant.

Pagkatapos rin naman iyon ay umuwi na kaagad kami. Nagkulong ako sa kwarto ko pagkatapos at napahiga sa kama.

Ito na ba?

Ito na ba ang panahon na wala ng ibang iisipin kundi pagkain?

Ito na ba yung summer feels na sinasabi nila?

Ito na ba ang smell of vacation?

Ito na ba?

Bakit parang pakiramdam ko mayroon pa?

Bakit parang pakiramdam ko ay may darating na namang problema? Ano na naman ba?

I sighed.

I stretched my arms at tamad na tinanggal ang suot sapatos ko nang hindi gumagamit ng Kamay.

My phone rang.

Napalingon ako sa bag ko. Kinuha ko roon ang cellphone ko at napatingin.
As i opened my phone, Nanindig ang balahibo ko.

Bakit kaya siya tumawag?

Iniisip ko muna ang possible na mga rason kung bakit niya ako tatawagan bigla-bigla.



Van Mentius Lim
Calling...

I answered.

Itinapat ko na sa tenga ko habang nakahiga pa ako ang cellphone ko. Hindi ako umimik. Hinihintay kong siya mismo ang maunang magsalita.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now