Chapter 29: Good News

5.4K 89 7
                                    

Ilang araw na akong nakakulong lang dito sa kwarto at wala akong pakialam.

I heard Manang na nagbuntong-hininga nang hindi ko man lang siya nilingon.

Nakahiga lang ako habang hawak-hawak ko pa ang cellphone ko.

Tawagin man nila pangalan ko para kumain o ano, hindi pa rin ako gumagalaw.

I didn't even know na nasa loob pala siya ng kwarto ko. For how many days na ako dito sa kwarto ay ngayon lang siya nagsalita.

"Iha..." Malambing niyang sabi sa akin na pakiramdam ko ay tinawag ako ng aking ina. "Kumain ka naman. Kahit konti lang." Patuloy na Sabi niya habang dala-dala niya ang panibagong tray na may lamang mga pagkain.

Inilagay niya iyon sa side table at kinuha ang isang tray na dala niya kaninang umaga na kailanman di ko nagalaw.

Mahigpit akong napayakap sa unan ko. After awhile, namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ko.

"Mababaliw na ako sa inyong magkakapatid. Kumain naman kayo, mga anak." Sabi ni manang bago umalis sa kwarto ko.

Napatitig ako sa cellphone ko.
Sa tingin ko, isang oras ko na tong tinitigan.

Delete all.
Yes or No

Dumaloy ang luha ko sa pisngi ko.
Ang masasayang alaala nung nasa Korea kami.

I pressed yes. And i feel like I just deleted some part of my life.

Maya-maya pa ay tumawag sa akin si Xander. All of a sudden.

Napangiti ako.

I have this feeling na he'll comfort me. I badly need someone to comfort me.

Mabilis kong sinagot ang Tawag niya.
Sabi niya sa akin, may good news daw siya sa akin. Pinilit niya akong lumabas. At dahil i have this feeling na kinakailangan... Sumunod ako.

"Hey." Sabi ni Xander nung kakarating pa lang niya.

Ngumito ako at pinagmasdan ang paligid. It's been awhile since i went here. Namiss ko ang park. Tama si Xander, it could be a place where you can relax and have a peace of mind.

Sana pala pumunta ako rito. Noon pa.

"May good news rin ako sayo." Sabi ko sa kanya. Pinapanuod ko siyang tinanggal ang suot-suot niyang Jacket.

"Talaga? Ano yun?"

"Hiwalay na kami."

Napatigil siya.
Nagulat rin siya.

"Nakaya mo?" Sabi niya.

"Kinaya ko." Sagot ko.

"Wow." He paused. "Mabuti lang at naghiwalay na kayo. Hindi siya deserving sa babaeng katulad mo."

Tinignan ko siya. Napatingin rin siya dahilan na magkatama ang mga naming dalawa.

Di ko na nakikita ang old mentius sa kanya kagaya noon. Something always brings me back to mentius. Feelings.

Pero di ko pa rin akalain na buntis si Jesel at siya ang ama.

Ang sakit isipin.
Para akong sinasaksak nang paulit nang ilang araw. Di mawala yon sa isip ko but looking here in Xander's eyes.

I was lost.

Parang nawala ang problema at ang mga katotohanang alam ko na. May hindi pa ba ako alam?

May mas grabe pa ba?

"Ano naman yung sayo?" Sabi ko.

Tinawagan niya kasi ako para dito. And i feel like i need to get some fresh air so I go out.

With Xander.

It must've been a Great news since talagang sa personal niya sasabihin sa akin.

I waited for his good news. I widely smiled at him this time. Waiting for that good news of his...

Pero naglaho ang ngiti ko sa sinabi niya...

Hindi ko alam bakit ganito ako nag-react pero... Bakit parang may sumakit?




"I'm getting married."

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now