Chapter 36: Room 45

5.5K 71 15
                                    

Xander
Calling...

Sabi nga niya tatawagan niya ako. So tinawagan nga talaga niya ako. Masyado pala siyang commited sa sinasabi niya. Na kung ano man ang order ay susundin niya kahit ano pa ang mangyari.

Sinagot ko ang tawag niya at napagulong sa kama ko.

"Oh?"

"Ano nga sasabihin mo kanina at may patawag-tawag ka pa?" Sabi niya kaagad.

Eh, sa hindi ko nga maalala diba?
Ay wait----

"VP!" Sigaw ko na para bang nanalo.

"Anong VP?"

"Ako. Ginawa ako ni Kuya na VP sa company niya." Sabi ko.

"Masaya ka naman?"

"Oo naman!"

"Di ba dapat niyan may celebration?" Sabi niya sa akin.

"Ehhh. Wala akong pera."

He chuckled.

"Then, I'll treat you for dinner tonight. Game ka?" Sabi niya.

Napaisip ako.

"Oh. Okay." Sabi ko.

"Susunduin pa ba kita?" Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Problema mo? Di na oy."

"Ayaw mo nun? And by the way..."

"Ano?" I asked.

He chuckled again.

"Wag ka magsuot ng dress ha."

"Tsk. Kala mo naman magpapaganda ako sayo. Ikaw, wag kang magsuot ng tux." Sabi ko at natawa na rin.

"Bilis na."

"Okay, I'd be there in 1 hour." Biro ko.

"20 minutes is enough." Sabi niya.

"Oh keh."

Tsaka ko binaba ang cellphone.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Sa wakas at makakalabas na naman ako sa bahay.

Nung lumabas na ako sa kwarto ko ay napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Kuya.

Nilapitan ko ang side table ni Kuya at kinuha yung bagay na iyon.

Napatakip ako sa bibig ko.

H-hindi niya naman to gagamitin diba?

Nanginginig ang kamay ko habang inangat ko papalapit sa akin ang baril.

Nasaan kaya si Kuya ngayon?
Pumunta ako sa kwarto niya and he wasn't there. Napatingin ako sa side table at nakita ko namang andun parin ang baril.

He's displaying it, carelessly.

Why?

Lumabas ako at halos mapatalon ako nung nakita ko si Kuya na nasa likod ko pala. Nakapamulsa lang naman yung isa niyang kamay at ang isa naman ay hawak ang keys niya.

"What we're you doing?" Sabi niya.

"Ano... Uhmm... I was looking for you." Sabi ko. "Oh, and there you are."

Napataas ang kilay niya.
I watched him standing there until he looks uneasy. Siguro naalala na niya ngayon na may baril siyang dinidisplay.

"Wala ka namang nakitang hindi maganda diba?"

"Wala."

Katahimikan.

"Bakit mo pala ako hinanap?"

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now