Chapter 46: The Reason

4.3K 67 0
                                    

Kuya Pete
Calling...

9 Missed Calls and 12 messages.

I rolled my eyes at mabilis na tinapon yun sa kung saang banda sa may counter. Balak ko ngang ibato sa bartender kaso mabait ako kaya sa mga drinks ko na lang tinapon ang cellphone ko.

Nakita kong lalapitan sana ako ng guards and all pero agad silang hinarangan ni Jay at pinaalis.

Lumapit si Jay sa akin at inabot ang cellphone ko.

Medyo na lalasing ako.

"Bakit ka ba naglalasing?" Jay said.

"Paki mo, bes."

He smirked.

"Don't bes me, my dear cousin."

"K."

I took another shot of alcohol and dragged myself to the dance floor. Pero bago pa man ako makapasok sa crowd ay kinuha ako ni Jay at ipinaupo pabalik.

"Kuya pete is worried. Whole day kang wala sa office and... You're here? Drowning in feelings o sa drinks?" Taka na sabi ni Jay.

I rolled my eyes on him.

"Ikaw. Wag na wag kang magpapa-asa sa ibang tao." Sabi ko na may paturo-turo pa.

"Tsk."

Hinilamos ko ang mga kamay ko at nagsalita ulit.

"Paasa. May pahintay-hintay pang nalalaman. Asshole." Sabi ko.

Mabilis kong ininom ang mga nakahandang maliliit na baso sa harap ko na kalalagay lang ng bartender.

"Eh bakit nga ba ako naiinis diba? Kasalanan ko rin naman. Tsk. Bakit nga ba ako naiinis? Kasi ano? Di na niya ako kayang magustuhan? O mahalin? I spent a whole year forgetting my ex just to get myself ready for something new. Kasi akala ko... He's just waiting for me."

Uminom ako ng dalawang baso.

"Okay lang. Okay lang talaga sa akin. Wala namang masama sa ginawa niya. Kung hindi, eh di hindi. Wag na nating pilitin. Dudugo lang." Sabi ko pa.

I sounds weird now. At i decided to shut up na lang.

"Sino ba yan?"

Biglang may umakbay na lalaki kay Jay. Isang familiar na lalaki.

"Alam ko bakit nagkakaganyan yan." Sabi nung lalaki.

"Hey henry, kausapin mo nga. Nakakahayblad eh." Sabi naman ni Jay na umalis agad.

Ganyan.
Akala ko nga makikinig siya pero umalis lang din at iniwan ako.

Pare-pareho lang naman pala kayo.
Mga gago.

I look at henry.

"Di pa ba kayo nagkikita?"

I smiled.

"Nagkita na kami. Nagkausap na nga kami."

My Favorite Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon