Chapter 19: Different

5.5K 74 5
                                    

Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng bagahe at mga damit ko.
I decided na pumili lang ng talagang gagamitin kasi tinatamad akong magdala ng more than two na bags.

Kumuha lang ako ng mga summer attires and other.

Nasa baggage lang lahat ng damit. Yung iba naman like lotions and etc etc ay nasa bagpack ko na lang. Para naman di na ako masyado mahirapan sa mga dadalhin.

Niready ko na ang mga bags sa living room. I texted mentius na rin na magpapasundo na ako sa bahay.

Pumunta na muna ako sa kusina at uminom ng tubig. Naabutan ko ron si jesel. Nagluluto.

Nagulat ako kasi nagluluto siya.

"Jesel, what are you doing?" Sabi ko at ipinalayo ko siya sa stove.

"Nagluluto?" Sabi niya.

"Di ba nakakasama yan?" I don't know why I'm concern pero ayoko lang na makukunan sila ng dalawang beses.

Bago ako magsalita ulit, napatawa siya.

"Ano ka ba priscilla, hindi naman mawawala ang baby kung magluluto lang." She said.

She called me, 'Priscilla.'

"Uhm. Di ka ba mapagod niyan?" Sabi ko.

"Hindi naman."

"Andiyan naman si manang para magluto eh." Sabi ko.

She chuckled, "Okay lang talaga." Napatingin siya sa baggage na nasa sala.

"San ka? Kung maglalayas ka, sabihan mo muna kuya mo." Sabi niya.

She's getting more and more mature lately.

"Vacation lang." Sabi ko.

"Alone?" Sabi niya.

"With my boyfriend."

Hindi na sya nagsalita pa matapos akong magsalita. I think nagfocus siya sa pagluluto niya.

My phone rang.
Sinagot ko kaagad yun.

"Mentius..." Excited kong sabi.

He chuckled sa kabilang linya.

"Nasa labas na ako. Need help with your things?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Hindi na." Sabi ko at isinuot na ang bagpack at dinala na palabas ang isang baggage ko.

Bago ko pa masara ang pinto ay sumigaw ko.

"Jesel, igoodbye mo naman ako kay kuya pete. Thank you!" At isinara ko na ang pinto. Lumabas sa gate at sinalubong ako ni mentius.

Saka palang niya binaba ang cellphone sa tenga niya nung makita na niya ako. He helped me with my baggage and kissed my forehead.

He even opened the door for me.

"Gentleman tayo ngayon ah." Sabi ko. "Sabihin mo muna sa akin kung anong bansa ang pupuntahan natin."

"Later na." At ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko dahilan para mapayuko ako sa pagpasok sa sasakyan.

Okay, naninibago lang ako.

Masaya na rin kasi ganito na siya. Hays.

Nasa airplane pa naman kami. I decided to listen to a music since busy naman si Mentius sa tulog niya. Hindi ko rin kasi makukulit to pag natutulog. Tulog mantika naman kasi siya.

Paramore's songs lang ang puro laman ng playlist ko. At sa pagplay ng Misery Business, may isang taong pumasok sa isipan ko.

Di ko na siya nakita.

Nakaramdam ako ng pagkalungkot nung naalala kong posibleng di na kami magkikita.

Xander is a good friend.

Napangiti ako.

Sana mahanap na niya kapatid niya. It must've been hard for him. Napasok sa isip ko na nandun siya sa park. I even imagined the scenario of him sitting there alone and having a peace of mind.

"Ako lang naman si Alexander the Great. Ang Alex ng lahat at ang xander sa puso mo." Sabay wink niya.

Napaawang ang labi ko sa expression ng mukha niya. Nakakaloka siya.
Kung nasa mood ako, kanina pa ako natawa.

"It's xander. Alexander James Locke!" Sabi niya sabay taas ng kamay niya at kumakawaykaway sa mga taong dumaan malapit sa bench namin. Di ko alam anong nakakatawa pero humugis ang ngiti sa mukha ko.

"See? You look more beautiful when you're smiling." Sabi niya at umupo ulit.

I rolled my eyes.

I sighed.

"May problema ba?" Sabi ni Mentius. Nagising na pala siya.

Kinuha niya ang headset sa kabilang tenga ko at nakikishare ng music.

I froze when he changed the song.

"Ayaw mo nun?" Sabi ko.

"Wala lang ako sa mood makinig ng rock. Masakit ulo ko." Sabi niya.

Pinikit niya ulit ang mata niya.

I think nakatulog na naman siya. 
Dahan-dahan kong kinuha ang kabilang headset na nasa tenga ko.

Napaisip ako.

Hindi pala sila magkakatulad. I thought xander was very similar with mentius. Pero hindi.

Sa ano mang banda na may pagkakaparehas nila, may isang bagay parin na makakaparealize sayo na may taglay silang kaibahan.

I find it awkward for myself na parang hinanap ko si Xander kay Mentius bigla. Pero... He was not there.

I sighed again.

Naiinis ako sa sarili ko kasi di mawala sa isipan ko si Xander. Kaya i decided na hindi na lang ako matutulog sa buong biyahe at maglalaro ng kung ano anong games sa phone ni Mentius.

When a text message popped up.

My Favorite Pain (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt