Chapter 3

12.7K 604 194
                                    

In general, masaya ako. Slightly interested ako kay Theo dahil ewan ko ba, nagpapakita kasi siya ng motibo. Ako naman, bilis tumibok ng puso kong first time makaramdam ng ganito.

Normal school days. Aral, uwi—pero this time, may halong inspirasyon.

"Uuwi ka na?"

Hirap itago ng ngiti lalo na pag siya yung nagtatanong. Alam ko namang walang halong malisya yung pagtanong niya. Pero para sa kin, ang saya lang na may isang taong nagtatanong sa kin kung uuwi na ba ako.

"Oo eh. Andyan na kasi yung service."

"Kaya hindi kita maaya eh."

"Maaya saan?"

"Maaya kumain sa labas. Gala lang."

TAMA BA YUNG RINIG KO?!

"Next time, ipapaalam ko."

Hindi ko matago yung ngiti ko hanggang sa lumabas siya ng classroom. Kinikilig ako. So ano... Ibig sabihin, gusto niya akong ayain sa labas?

Pag-uwi ko sa bahay, kinausap ko yung nanay at tatay ko na hindi muna ako sasabay ng service this year. Nagulat yung nanay at tatay ko malamang, at hindi sila pumayag noong una. Though, naconvince ko sila dahil sa dami ng ginagawa ngayong graduating na ako. Ang sabi nila, since bayad na kami for the whole month, next month na lang daw.

Okay lang, makakapaghintay ako.

Tumingin ako sa salamin ulit. Uy, parang nag gloglow ako. Haha! First time kong nagtagal sa salamin ng sobrang tagal. Napatitig ako, nagpowder, nag lip gloss (first time).

"Anak, ano ba!" Sabay bukas ni mama ng pinto. Nadatnan niya akong nakatingin sa salamin. "Malapit na dumating yung service mo."

"Ma, ipitan mo naman ako. Yung half pony tapos tirintas."

"Wala namang lason yung niluto ko, anong naisipan mo at nag-ayos ka?"

"Ma naman eh!"

"Sige na. Mag blower ka muna at basang basa yang buhok mo. Bilisan mo."

Siyempre ako naman, kuha agad ng blower. Pagtuyo, tinawag ko na si mama para ayusin yung buhok ko. Nasa kalagitnaan pa lang ng pagtali ng buhok, biglang bumusina yung service. Eh di siyempre sumigaw na rin si papa para bumaba na kami.

Pagdating ng classroom, nag-ayos ako. Ang unang nakapansin sa kin si Eli, yung class president namin na matalino at may itsura. Lesbian siya, butch type. As in parehong babae at lalaki nagkakagusto sa kanya. To be fair, crush ko siya noon dahil ang ganda na ang pogi pa. Hanggang sa naging mainstream ang maging crush siya, at alam naman natin na the more the karibal, the lesser chances of winning.

"Asan si Tasha?"

Inirapan ko lang siya.

"Ang sama mo."

"Anong nakain mo?"

"Yung apple ni snow white."

"Kain ka ulit non bukas."

"Behlat."

Aaminin ko namang flattered ako. I mean, coming sa Crush ng Classroom di'ba? Nga lang...

May isa pa kasi akong inaasahang tao na magsabi ng mga salitang 'yon.

Nga lang, nag-umpisa na yung unang klase, wala pa rin siya.

Naiinis ako dahil utang na loob naman! Ngayong nag-ayos ako, saka pa siya absent. Nag-ayos nga ako dahil sa kanya tapos ganon, nakakaasar.

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon