Chapter 27

3.9K 197 71
                                    

"Sorry na . . . ," sabi ko. "Sasabihin ko naman e. Sadyang . . ."

Natatakot ako dahil hindi man lang umiimik si Theo. Ni hindi pa nga niya binibigay sa 'kin yung mga bulaklak na dala-dala niya. Pinili ko na lang tumahimik hanggang sa narinig ko siyang magbuntonghininga.

"Alam mo, ikaw," umpisa niya, "lagi kang sumisingit kahit na nagsasalita pa ako. Tapos ito, hindi mo kayang sabihin sa 'kin?"

"Lagi mo kasing sinasabi na i-work out—"

"Ano ba ako sa 'yo, Tasha?"

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Alam ko naman mali ko e. Tumulo na lang yung luha ko dahil . . . iyon nga, mali ako, at wala naming silbi kapag nag-sorry ako nang paulit-ulit.

"Sorry na . . . ," sabi ko nang humihikbi. "Sabi mo, kapag may nagawang mali, mag-sorry. Hindi na ako madadahilan kasi . . . iyon lang . . . takot lang ako sabihin sa 'yo kasi baka hindi ka pumayag."

"At ano naman kung hindi ako pumayag? Mapipigilan ba kita?"

"Oo!"

"Bakit?"

"Dahil boyfriend kita at—"

"At kapag sinabi kong wag kang tutuloy, di ka tutuloy? Tasha, di naman kita alipin e. Girlfriend kita."

"Bakit ang gulo mo?" inis kong tanong. "Kapag nag-uusap tayo tungkol dito, sasabihin mo huwag na lang ako lumipat. Tapos ngayon . . . tapos ngayon ganito na. Parang lumalabas na masama ako."

"Ha? Paano naman napunta doon?"

"Na kaya ko nga hindi sinabi sa 'yo kasi nagagalit ka kapag iyon pinaguusapan natin. Tapos ngayon na hindi ko nasabi, biglang hindi ka na pala magagalit? Parang ang contradicting lang."

"Teka, ano bang pinupunto mo? Ang importante ba, kung sino mas tama sa 'tin?"

"Ang point ko, kaya ko 'yon nagawa dahil ang contradicting ng mga sinasabi mo."

"So gusto mo bang mag-sorry ako?"

"Bakit mo ba ako pinapalabas na masama?"

"Ha? Tasha, anong pinapalabas na masama? Kanino? Kanino kita pinapalabas na masa—"

"Sa sarili ko!" sigaw ko at nagtakip ng mukha. "Nakaka-frustrate na binaba ko na yung pride ko para sa 'yo, na inaamin ko na ako yung mali, pero hindi mo ma-gets kung bakit ko 'yon ginawa."

"Dyina-justify mo kung bakit mo ginawa yung maling bagay na 'yon?"

"Oo, probably, na dahil 'yon sa lagi mo na lang sinasabi na sayang ganito, sayang ganyan. Wala akong suportang natanggap."

"Ako yung mali?"

"Alam mo, what the hell."

Tumayo ako naglakad palayo. Hindi ko na alam kung anong pinupunto ng sagutan namin. Nag-sorry naman na ako at sinasabi ko lang kung bakit. Bakit niya kailangan ipagdiinan at iinterrogate pa ako?

Lumabas ako ng gate ng school namin at naghintay ng jeep. Ang labo lang dahil pagkita ko, hindi naman siya sumunod. Tiningnan ko yung cell phone ko at wala rin siyang text.

Sa sobrang galit ko, sumakay ako ng jeep. Siguro kalahati na ng biyahe nang bigla akong nakaramdam ng guilt. Tumingin ako sa cell phone ko at wala pa rin siyang text.

Shit naman.

Nagpara ako at kinuha yung sobrang bayad ko. Sumakay ulit ako ng jeep papuntang school at tumakbo kung saan kami nag-usap.

Pero wala siya.

Knowing Theo, baka andito lang naman siya. Tumawag ako nang tumawag pero hindi rin niya sinasagot yung phone niya. Naiiyak na lang ako.

Lost and FoundWhere stories live. Discover now