Chapter 33

4.3K 191 161
                                    

Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Nga lang, walang luha na pumapatak o namumuo. Nasa loob lahat ng sakit, tipong parang pinipiga yung puso ko.

"Pagkatapos ng lahat ng sinabi mo kanina," sagot ko, "biglang cool off? Ano ba ang tingin mo sa feelings ko, Theo?"

"Sawang sawa na ako na pinagbibintangan mo si Cat sa isang bagay na hindi naman niya ginagawa."

"Sawang sawa na rin ako na mas iniisip mo yung nararamdaman niya kesa yung nararamdaman ko. Isa pa, hindi lang naman si Cat ang problema ko. Ikaw."

"Ako? Paano naging ako?"

"Babawi ka, sabi mo. Asan ang bawi? Nilipad ng hangin? Kinain ng crocodile? O baka pati buwaya hindi na kakainin yung so-called bawi mo dahil nonexistent naman."

Huminga siya nang malalim.

"Sinabi ko na lahat sa 'yo—na nagseselos ako, na gusto ko magkaroon sana kahit katiting na oras mo," dagdag ko. "I understand you, the hell I do! Kaya nga sa loob ng isang buwan, nagtiis akong di ka makita. Pero kaunting effort? Two-way ang relationship, Theo. Di ko to kaya mag-isa. Sabi mo noon, kaya natin to. Asan na yung mga sinabi mo? Asan na yung Theo na minahal ko?"

"Minahal? Di mo na ako mahal ngayon?"

"Don't fucking word play me," pagalit kong sinabi. "Sino ba sa atin ang nakikipag-cool off?!"

"Kalma, okay?" sabi niya. Tumabi siya sa 'kin at hindi ko naman siya tinaboy. Wala na rin akong lakas. "Okay, sorry. Sorry na sinabi ko 'yon. Ayoko lang na paulit-ulit yung away natin. Stressed ako sa expectations, at nawawala yung tiwala mo sa 'kin. Hindi ko alam kung paano babalansehin 'yon. Kaklase ko si Cat sa mga major subjects, ang hirap naman na hindi kami magkita."

"Kaya ang solusyon mo ay mag cool off tayo?"

"Sabi mo nga, may nasasabi tayong hindi magagandang bagay kapag nasa peak ang emotions natin. Napepressure ako, at natataranta ako kapag nagagalit ka dahil wala namang dapat ikagalit. Ikaw lang naman talaga ang mahal ko. I'm sorry. Ako yung mali. Thankful ako at ang suwerte ko na pumunta ka sa 'kin ngayon."

"I don't care if I'm your second priority," sabi ko, "dahil naiintindihan ko naman na ang first priority mo ay yang pag-aaral mo. Basta, sana, priority pa rin ako. Kahit next to family. Basta priority, hindi leisure."

"Hala, gano'n ba ako?"

"Gano'n ang nararamdaman ko."

"Sorry. Sorry kung gano'n naparamdam mo."

"Sa mga oras na to, sa totoo lang, parang di na sapat ang sorry."

Hinarap ako ni Theo sa kanya. "Sorry, sorry na," sabi niya. "Alam ko namang di sapat ang sorry. Hindi ko na rin alam kung paano na ako babawi. Araw-araw ko ring iniisip na gusto ko na ng maraming pera at oras para ma-date ka, pero di talaga ako pinagbibigyan, e. Kung may pera, walang oras. Kung may oras, walang pera."

"E paano na lang kung nasa Baguio na ako? Paano na tayo?"

"Kaya yan."

"E ito ngang simpleng nag-aaral tayo sa magkaibang school, nagkakaganito na tayo. Yung nasa magkaibang rehiyon pa kaya tayo? Parang di ko kaya. Mas gugustuhin ko na lang tumambay sa bahay. Dito na lang ako maghahanap ng work habang naghihintay ."

"Siguro nga mas okay na gano'n."

Nagbuntonghininga ako. Mula sa mainit na usapan kanina, kumakalma na kami. Ngayon, lalo na napuno ang utak ko ng pag-o-overthink. First time ata niyang humingi ng cool off sa 'kin . . . paano na lang kung di na ako nag-aaral? Baka isipin niya, wala na akong patutunguhan sa buhay. Mga gano'n ba?

Lost and FoundWhere stories live. Discover now