Chapter 35

4.5K 228 147
                                    

Mahirap, pero nakayanan ko.

Noong unang mga linggo, hinahanap-hanap ko siya. Gusto ko siyang kumustahin. Gusto ko siyang i-chat. Pero nakita ko na lang na nag-deactivate siya—o baka binura na lang niya—lahat ng account niya sa social media.

Siguro ilang oras ko rin tiningnan yung number niya. Gusto ko siyang tawagan, kumustahin . . . pero ano pang sense ng lahat ng sinabi namin kung ganito lang din, di ba?

Hindi pa kami handa—'yan ang katotohanang dapat ko tanggapin.

Nagbura din ako ng social media accounts ko, pero gumawa rin ako ng bago. Yung mga contacts na sobrang close ko lang talaga yung nilagay ko doon, so halos wala pang singkuwenta yung ando'n. At dahil tinaggap ko na lang yung tadhana na talagang patitigilin ako, sinunod ko na lang yung gusto nina Papa (since bad shot pa rin ako na nagtago ako sa kanila tungkol sa first boyfriend ko) na pumunta sa Baguio para tulungan muna si Tita.

Nakaipon ako ng pera, free lodging, at tipid sa tubig. Lamig e. Lalo na sa mga araw na umuulan? Ay utang na loob. Minsan nari-realize ko na lang na di pa pala ako naliligo ng tatlong araw. Hahahaha.

Nagkaroon ako ng "kalandian," pero this time, ginusto ko magdahan-dahan. Puro lang naman kami de-Viber. Naumay na ako sa mga pickup lines niya dahil naranasan ko na lahat kay Theo. Hindi na mahalaga yung pangalan niya kasi di rin naman nagtagal yung harutan namin. Besh, three weeks tapos naging multo na. Less than three months, di na considered yon.

Di wag. Doon siya sa haunted house niya. "Ayaw mo sa 'kin, keri lang. Gusto ko sa sarili ko" ang naging motto ko sa buhay. Haha. Charot lang.

Pero masisisi niyo ba ako, e, ang ganda talaga ng umpisa at katapusan namin ni Theo? Kumbaga "tragic but beautiful ending." Naisip ko rin na mas okay na mutual yung desisyon namin. Walang third party, walang "It's not you, it's me" na drama.

Pareho kaming nagdesisyon na tama na muna.

Iniisip ko siya . . . madalas. Pero hanggang doon na lang 'yon. Tingin ko naka-move on naman ako dahil sa dami ng ginagawa. Inisip ko talaga na kung ginagawa niya yung makakaya niya para matupad yung expectations niya . . .

Ako rin dapat.

Tinuloy ko yung pag-aaral ko ng tourism tapos nag-aral din ako maging flight attendant at . . .

Guess what, bish. Sobrang di ko alam kung anong sumagi sa utak ng panel doon sa interview ko at tinanggap nila ako. AS IN napatingin ako sa salamin sabay sabing, "Tasha, ganda mo pala? Nuks, swak na normal!" sabay tawa at nagpasalamat sa Maykapal sa height at confidence ko.

I mean, heto na, lumiliwanag na ang buhay ko. Nagbabago na unti-unti.

Kailangan ko lang talaga ayusin ang direksyon ko kahit na . . . hindi ko sigurado kung dito talaga ang destinasyon ko. A wise philosopher once said, patuloy lang tayo sa pagkulo, mga ka-mantika.

Hanggang ngayon pa rin naman e. Sa dinami dami ng lugar na napupuntahan ng mga paa ko—thanks sa mga pakpak ng eroplano—pakiramdam ko, nawawala pa rin ako . . . at gusto ko pang mawala at makakita ng iba't ibang lugar.

Sobrang laki ng mundo. Tingin ko, normal lang naman ang mawala. Ang mahalaga naman ay sa huli, makita mo pa rin ang destinasyon mo.

Kasama ng kita ko at nina Mama at Papa (at may ambag din yung tita ko), nakaipon kami ng pang-franchise—charot, panggawa—ng isang karinderya na matagal ng pangarap ni Mama. Best seller? Tortang talong. Punyemas, ano? Haha. I mean . . . puwede namang tapsilog o kaya sisig . . . saan ka naman nakarinig ng karinderya na ang hinahabol ay tortang talong? Nang sinabi ni Mama 'yon, natawa ako pero hindi ko sinabi ang dahilan.

Lost and FoundWhere stories live. Discover now