Chapter 22

6.1K 321 220
                                    

Tiningnan ko lang yung bus sa may tapat. Sasakay na ba ako?

"Oy, halika na," sabi ni Eli.

Wait. May hinihintay ako eh, gusto ko sanang sabihin pero hindi ko sinabi. Tumingin lang ako sa paligid pero wala, nada, nothing. Walang Theo sa paligid.

Ang mangyayari kasi, lahat ng latecomers, either didiretso na lang sa place o baka sumabay na lang sila sa isang bus. Nakakainis kasi hindi ko siya makakatabi.

Haha. May balak pala talaga ako e, no?

Nagbuntonghininga ako dahil, ito, sasakay na ako na walang tortang talong na katabi. Naiimagine ko na magfafake sleep ako tapos kunwari mahuhulog yung ulo ko sa kanya—AAAAAH AKO SI KILIG—pero siyempre joke lang dahil masama 'yon.

Pero wala. Wala talaga eh.

Aandar na yung bus. Nagtext ako sa kanya kung makakapunta ba siya o kung late ba siya nagising at ng isang katutak na sad face.

Umandar yung bus na walang sakay na Theo.

Katabi ko yung isa kong kaklase. Eh since may iba naman siyang kausap, sumandal na lang ako sa bintana at pinikit yung mga mata ko. Sobrang aga ko pa man din magising para lang masiguradong di ma-late at ma-enjoy ko tong huling field trip. Pero eto siya, umagang-umaga, sinira na niya ang araw ko.

"Bwisit ka. Paano ka makakabawi?" bulong ko.

Nagshades na lang ako at pumikit. Naririnig ko naman yung nasa paligid ko pero parang half-asleep pa rin ako. Unti-unti akong nakaidlip . . .

Nang may biglang tumapik sa 'kin.

"Papasukan ka na ng langaw, uy. Lapit na tayo."

Doon ko napagtanto na nakanganga ako habang natutulog. Coming from that realization, napadilat ako dahil pamilyar yung boses.

Shoot.

"K-k-kanina ka pa?" tanong ko kay Theo—oo, si Theo—na nasandalan ko na pala. Putek yan, tumulo pa ata laway ko habang natutulog!

"Oo. Sobrang di mo nga namalayan na ako na katabi mo," sagot niya.

"Saan ka sumakay?"

"Dapat didiretso na ako pero tinext ko si Ma'am kung pwedeng isakay ako sa may hypermarket. Iyon, nakahabol naman ako, at naabutan na kita na iba agad ang katabi."

"Kung sana kanina ka pa—"

"So gusto mo nga akong katabi?"

Sinuntok ko siya sa braso.

"Hoy! Buttered husband ako?"

"Buttered talaga?" tanong ko na nakangiti. Hindi ko alam kung saan ako kikiligin eh. Doon sa kakasabi lang niya o doon sa isa pang kakasabi lang niya. Hormones, take it easy.

"Oo. Try mo kaya, buttered tortang talong. Mmm," sabi niya na may mukhang ewan na tingin.

HAHA bwitre. Akala mo ba ma-a-attract ako sa mga paganyan-ganyan mo? Pwes, tama ka.

"Ayoko nga. Kapag may butter, eh di redundant na na may mantika. Mantika na lang," sabi ko.

"Ayaw mo talaga ako ibigay sa iba no?"

"Bakit, papabigay ka?" tanong ko. WOW. The confidence is real.

Ngumiti siya. "Tasha, 1. Theo, 0."

"Ha!"

"Pero ang totoong score talaga sa kin."

"Pinagsasasabi mo?"

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon