Chapter 5

9.5K 480 96
                                    


Minsan, seryosong gusto ko na itanong kung may gusto ba siya sa kin.

Simula kasi noong hindi na ako sumasabay sa service, lagi kaming gumagala. Wala lang, kahit saan lang. Nagkwekwentuhan, gumagawa ng assignment nang sabay, nagjujumpshot sa kung saan-saan. Nagrarange mula 15 minutes hanggang limang oras depende sa bilang ng kwentuhan at assignment.

Pero siyempre nasa katinuan pa ako para hindi 'yon gawin.

"Tasha, may baon akong tortang talong," bigla niyang sinabi. "Nagluto ako para sa'yo."

"Bakit?" Gusto ko sana dugtungan yon ng 'ano ba tayo at pinagluluto mo pa ako ng paborito kong pagkain? pero baka half-friendship-half-semi-lovers over na.

"Maaga lang ako nagising. Nakita kong may itlog at talong. Naisip kita. Nagluto ako."

"O, eh bat mo naman naisip si Tasha?" Biglang tanong ni Eli na that time, umupo sa tabi ko para lang manggulo.

"Lagi namang nasa isip ko si Tash."

WHAT THE HOLY—

"So may gusto ka?"

"Eli!" binato ko siya ng eraser. "Malisyosa ka talaga kahit kailan!" UTANG NA LOOB. Alam naman ni Eli yung sikreto na gusto ko kung anong meron kami ngayon at ayokong magmadali.

Ngumiti si Theo.

"Mga ganyang bagay, di minamadali," tapos kinindatan niya ako. "Diba, Tasha?"

Ginoosebumps ako pagkarinig ko ng pangalan ko. Siyempre, narinig yon ng buong klase kaya tukso abot ko.

Peste. Gusto ko siya murahin. Ang sikip ng dibdib ko dahil alam kong gusto ko siya, pero at the same time, parang gusto niya ako pero hindi lang ako sure.

At dahil hindi ako sigurado at ayokong padalos-dalos, sasakay na lang ako kahit mukha akong ewan. Alam kong gusto ko eh, pero masakit lang na alam kong di ko pa alam kung ano ba.

Oo na.

Magulo.

Kasing gulo niya yung utak ko ngayon.

Uwian na nung nakita kong niyaya siya ng boys sa klase na maglaro. Nagliligpit ako ng gamit non. Kakatapos lang ng tugtog sa cellphone ko pero nakasuot pa rin yung earphones ko.

"Teka lang, paalam ako kay Tash."

HALA KA. WAIT. TAMA BA YUNG NARINIG KO?

"Yung totoo," tanong ni Baste, yung isa naming kaklase, "ano ba kayo?"

At sa malapit pa sa kin pa talaga nagtanong si Baste, no?

Patay malisya. Kunwari may tugtog pa rin na plinaplay.

"Getting there."

"Gago," hindi na si Baste yon. Parang si Sean pero hindi ko sigurado kasi nakatalikod ako. "anong getting there?"

"Wag kasi kayong maingay."

"Naka earphones naman."

"Eh malay mo naririnig."

"O, ano nga? Magpapaalam ka na ano? Sa nanay mo hindi ka nagpapaalam, tapos dito kay Tash oo?"

"Lagi kasi kaming magkasama pauwi."

"Ano naman? T'saka, ano ba kayo?"

Gusto ko marinig yung sasabihin ni Theo.

Kung ano ba kami.

I mean, ilang buwan na rin kaming ganito. Tatlo? Apat? Malapit na mag third quarter. Kaunti na lang, graduation na.

Biglang tumahimik. Gusto ko marinig yung sagot niya.

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon