Chapter 13

6.1K 292 42
                                    

Okay na sana ang lahat—well, at least, iyon ang alam ko—hanggang sa biglang nag Intrams.

Yung totoo, wala namang problema. Paikot-ikot lang naman ako, nagchee-cheer sa bawat mga kaklase ko na lumalaban. Lalo na noong nagbasketball si Theo. Hindi siya magaling, oo, pero nung naka-shoot siya, kinindatan niya ako.

Sabay imaginary baril sa kin.

Sinong di tatamaan doon?

Tapos suot pa niya yung Tortang Talong jersey niya, at suot ko naman yung Mantika jersey ko. Kahit may jersey ako na ang nakasulat ay yung apelyido ko, mas pinili ko na yung binili na lang niya.

Habang pinalo-palo ko si Allen at Eli dahil sa kilig, biglang may dumating na grupo ng grumaduate na batch. In short, yung mga ka-batch ni Theo dati.

“Huy,” sabi ni Allen. “Iyon ata yung Bea. Yung may pink na shirt.”

Napatingin ako agad nang sinabi ni Allen yon. Iisa lang naman yung may pink na shirt, so nakilala ko agad siya. Siya pala yung nagustuhan ni Theo dati.

Hinanap ko si Theo. Pero mas mabilis pa sa kidlat, andon na siya sa tabi nung Bea na yon.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nasaktan. Hindi ko alam kung bakit kumirot yung puso ko. Ngumiti lang ako nang bahagya tapos kunwari may hinanap ako sa loob ng bag.

“Ano, happy crush pa rin ba?” tanong ni Eli.

“Wag ka ngang magulo. May hinahanap ako.”

“Ano?”

“Wallet. Bibili ako ng pagkain. Nagugutom ako.”

“Kakakain lang natin ah,” sabi ni Allen.

“Eh gutom pa ako. Pabantay ng bag.”

Iniwan ko sa kanila yung bag ko at bumili sa canteen. Nakakainis yung Theo na yon! Ganon na lang, ganon? Biglang dating lang nung Bea na yon, punta na siya agad? NAKAKAASAR—

“Huy,” sabi ni Kuya Mandy, yung cashier sa canteen, “kanina ka pa tulala.”

“Ay sorry, kuya. Nagmumuni-muni lang.”

“Anong minumuni-muni mo?”

“Kung bakit may mga taong pa-sweet-sweet tapos joke lang din pala.”

“Eh bakit din ba may mga taong nahuhulog sa mga ganon kung alam nilang joke pala.”

“May iba kasing hindi alam.”

“Alam nila. Umaasa lang sila na baka may chance.”

Bwisit tong si kuya. Di naman maki-kampi man lang!

“Nako! Ewan ko sayo, kuya. Pabili na lang ng juice.”

“Bakit,” tanong habang serve ng juice ni Kuya Mandy, “sino ka ba don?”

“Ewan ko sayo, kuya. Gawin mo na yang trabaho mo.”

Natawa lang sa kin si kuya. Hindi niya ako kilala, I guess, I mean, sa pangalan. Pero mabait at friendly din kasi mga staff dito sa school kaya nakakabiruan naming mga estudyante.

Anyway, tumambay muna ako saglit. Kinain ko doon sa canteen yung Knick Knacks saka ako naglakad. Papalabas na sana ako nang bigla kong nakita si Theo, kasama si Bea, isa pang babae, at dalawa pang lalaki na naglalakad papuntang canteen.

Tae naman oh.

Uminom na lang ako ng juice at nanalangin na hindi nila ako mapapansin.

“Uy!”

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon