Chapter 23

5.6K 263 128
                                    

Is this the real life?

Is this just fantasy?

Mama . . . mamamatay na ako sa saya.

Kung puwede lang gawing background music ang "Bohemian Rhapsody" ng Queen ngayon, ginawa ko na.

Andoon pa rin yung takot pero mas nangingibabaw yung kilig at yung panghihina—panghihina dahil hindi ko na alam ang gagawin. Dalawa lang naman ang choice ko eh: ang itulak siya palayo at matakot dahil ang taas naming o ang manatiling nakadikit iyong mga labi niya sa 'kin habang hindi humihinga. Malay natin, mailagay pa kaming dalawa sa Guinness Book of World Records bilang isang couple na pinakamatagal na hindi humihinga.

Bumitiw siya sa mga labi ko.

At ako naman pagkakita ko sa buong siyudad ng Laguna, hinila ko siya at dinikit ulit sa labi ko. Talk about confidence . . . o baka sinasadya ko lang din.

First kiss ko siya.

At second kiss ko rin.

At pinapangako ko sa harap ng siyudad ng Laguna at sa ferris wheel na 'to, siya ang third, ang fourth, at ang kahuli-hulihang halik ko.

Nagulat siya sa ginawa ko pero nakita ko rin naman na napatawa siya. Lalo kong naamoy ang hininga niya. Ano to, bakit to nag-Mentos? nasa isip ko. Letse, pinagisipan na ba niya na hahalikan niya ako dito?

At kapag oo . . . e di kilig.

Wala kaming imik pagkatapos noon. Hindi naman sa walang imik. Pero tumatawa lang kami. Akalain mo 'yon? Sa huli, ang mantika pa rin ang magwawagi.

"B-baliw ka!" sabi ko habang may ngiting hindi matanggal. "Ano 'yon?"

"Anong 'ano 'yon'? E di kiss!" sagot niya.

"Alam ko. Sira ka ba! I mean . . . ano 'yon? Ano ba? Confirmed na ba? So may . . . crush ka talaga sa 'kin?"

Bigla siyang natawa at hinila ako sa isang mahigpit na yakap. Kinilig ako dahil unang beses niya 'tong yakap na ganito. I mean, nagyayakapan kami pero bilang "kaibigan." Saglit lang kami magyakapan, halos tapik nga lang sa braso. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko siya. Iyong ulo ko sa may dibdib niya, 'yong kamay niya sa likod ng ulo ko at likod ko, 'yong tibok ng puso niya na rinig na rinig ng tainga ko, 'yong init na nararamdaman ko sa mga pisngi ko—lahat ng 'to, ramdam ko.

Nag-evolve na ako. Hindi na ako normal na mantika. Kumukulong mantika na ako . . . tumatalansik pa.

"Kulang pa ba 'yong kiss na 'yon para ma-gets mo kung anong nararamdaman ko?" tanong niya. "O kailangan pa nito?" Tapos pinisil niya ako sa yakap niya.

"W-w-wala lang," sagot ko habang nakasandal pa rin iyong ulo ko sa may dibdib niya. "Kailan mo pa naramdaman? Baka naman sinasabi mo lang 'yon sa 'kin kasi umamin ako."

"Matagal na. Natatakot lang ako kasi baka hindi pala parehas. E paano, bawat banat ko, binabalikan mo lang ng isa pang banat."

"So na-fall ka sa 'kin doon?"

"Pa-fall ka e."

"Wooooow, nagsalita!" sabi ko habang tinutulak siya palayo pero yakap pa rin niya ako. Well, ayoko rin naman magpabitaw.

Magkahawak-kamay, naglakad lang kami. Pero nang may makita kaming teacher, napabitaw kami agad tapos nagtawanan. Kami namang dalawa, akala mo naman kung sinong bagong kasal na pumaparada, nga lang, hindi kami magkahawak-kamay. Alam lang namin sa isa't isa na mutual na yung feeling.

Ang sarap pala ng feeling na alam mo na kung ano ka sa kanya, na hindi ka na nangangapa kung ano ba kayo, at sa wakas, na alam mong may pinatutunguhan na ang mga nararamdaman mo.

Lost and FoundWhere stories live. Discover now