Chapter 15

6.7K 342 156
                                    

"Uy, bati na sila."

Iyon lang naman ang bati ng lahat ng tao sa classroom. Oo, medyo alam nilang lahat na nag-away kami, pero okay lang. Although yung tungkol sa memorize niya yung number ko, si Paul lang yung nakakaalam na nangisay ako sa kilig since siya na yung may alam nang lahat.

Dahil doon, minemorize ko na yung number niya.

Nagtuloy ang mga araw hanggang sa mag-sembreak. Umuwi kami sa probinsiya para bisitahin ang lolo at lola sa sementeryo. Merong signal pero sobrang hina, pero kahit ganoon, nagkakaroon pa rin kami ni Theo ng oras para mag-text.

"Sino ba yang katext mo, ha?" tanong ng ate ko. Nagulat ako kasi ngayon lang siya nagkapake sa ginagawa ko.

"Friend ko."

"Weh, friend?"

"Oo nga!"

"Sinong friend? Ka-school natin?"

Si ate nga kasi yung dahilan kung bakit ako napapasok sa school na 'yon di ba? Hindi ko siya naabutan kasi first year college na siya tapos first year naman ako. Medyo extroverted siya, hindi tulad ko, so meron siyang grupo ng mga kaibigan na laging pumupunta ng bahay since block sectioning nga, na akala ko naman mangyayari sa 'kin.

Siyempre, akala ko lang.

"Hindi," deny ko.

"Ito ba yung The Orpheus?"

"OMG ate, pati ba naman ikaw, alam mo yon?"

"Hello, ang kakaiba kaya ng pangalan ng batang yon."

Wow. Bata. Natawa ako nang onti.

"Freshie siya diba nung fourth year ka?"

"Oo. So siya nga?"

Tumango ako.

"Crush mo?" tanong ni Ate.

"Nope. Friends lang kami."

"Friends pero ginagawan mo ng baon, ng assignment, hinahayaan mong ihatid ka sa bahay at—"

"Utang na loob, ate! Paano mo nalaman yan?!"

"Hello. I have ears at home and at school."

"Mag move on ka na nga! Four years ka na graduate sa school nakikitsismis ka pa rin?!"

Tumawa si Ate. "Ganito kasi yan. May friend yung The Orpheus mo, si Reyna. Ka-grupo niya doon sa previous batch niya. Yung ate non, kabarkada ko."

"O, anong point mo?"

"So it means na, yung The Orpheus mo, kwinento sa grupo niya tungkol sa 'yo."

"Eh bakit ikwekwento nung Reyna sa ate niya?"

"Tash, ang point ko, kayo ba?"

"Hindi kami!"

"Eh bakit ganon yung kwento sa kin ng friend ko?"

"Ano bang kwento sa 'yo?"

"Ang dating is parang kayo."

"Hindi nga kami, Ate. Tsaka pwede ba, tigil-tigilan niyo yang tsismis. Bad for your health yan."

Napangiti ako. Bakit naman ako ikwekwento ni Theo bigla sa mga kaibigan niya? I mean, kwinekwento pa niya in a sense na parang kami.

"Hoy, Maria Natasha," tawag sa kin ni Ate.

"Bakit, Theresa Abigail?"

"Ingat. Mapusok ang unang pag-ibig."

"Kung ano-ano pinagsasabi mo, te. Tapos na ba thesis mo?"

Lost and FoundWhere stories live. Discover now