Chapter 26

4.3K 204 57
                                    

Minsan, gusto ko na lang mawala.

Yup, ulit tayo sa umpisa.

Ngayong college na, gano'n pa rin. Ako pa rin yung kaklase mong puwede mong kausapin kapag bored ka at puwede mo na iwan kapag andiyan na yung group of friends mo. Paborito ko pa rin ang tortang talong, pero hindi ko naman inaaraw-araw para di ako magsawa.

Siguro hindi lang talaga ako marunong makipagkapwa-tao. Ay, ewan.

Kasi nga, over the summer, lagi kaming nagkikita ni Theo. Minsan tatambay lang sa kanila kapag wala yung mga magulang niya tapos manonood ng movie, momol spree, food trip. Masaya ako noong summer kaya mas lalo akong natakot pagdating ng pasukan. Pero sa mga enrolment namin kapag walang "activity" kuno para sa freshies, magkasama kami. Sinasamahan ko siya sa university nila, pero kapag sa university ko, dadating lang siya pag tapos na ako kasi strict yung security.

Kaya heto, parang naiwan ako sa alapaap na magkasama kami at hindi ko na alam kung paano kumausap ng ibang tao.

Unang linggo pa lang ng school, parang ayoko na. Siguro dahil napilitan lang naman ako sa course ko at alam kong wala akong gana sa mga pinagaaralan namin. Gusto ko na lang mag-Biyernes para magkita na kami ni Theo. Nga lang, parang isang mileniya ang Lunes, isang taon ang Martes, isang buwan ang Miyerkules, at isang linggo ang Huwebes. Sobrang tagaaaaal ng oras.

Five thirty ang huling klase ko. Pagdismiss sa amin, lumabas agad ako at kinuha yung cellphone ko para tingnan kung may text na si Theo at baka nasa labas na siya ng gate. Pagtingin ko . . .


TORTA<3

Mantika ko, sorry. May freshie activity ekek dito. E hinila kasi ako ng blockmates ko.

:(

Babawi ako bukas.

Blockmates? Di ba wala namang block sectioning diyan?

Meron pero pang first yr lang.

What if kung ako na lang pumunta? Maaga pa naman e.


Bigla kong napagtanto na ayoko magtunog clingy. Baka sabihin ang controlling ko naman at baka sabihin niya wala akong tiwala sa kanya. Dinagdagan ko yung text ko.


Pero kung gusto mo naman magenjoy with them, keri lang.

SURE KA? <3

Hindi. Gusto kita makasama. Peer pressure lang ako. Kung kaya mo lang, okay? Pero kung hindi, wag ka na tumuloy.

Kaya ko. Grabe naman to. At saka ako naman ang may oras e. <3


Alam ko papuntang school nila dahil dream school ko 'yon, pero hindi nga lang ako nakapasa. Bale, alam ko namang kailangan ko sumakay ng LRT tapos sasakay ng jeep.

Sinuong ko ang usok at dumi para lang makarating sa LRT. Pagdating . . . jusmiyo. Yung pila sobrang haba. Uwian na rin kasi. Pero sige . . . alang-alang sa pag-ibig!

Tiniis ko na lang yung sikip, tipong kahit hindi ko pa istasyon, parang tinutulak na lang ako ng tao palabas. Hindi ko na alam kung anong itsura ko paglabas—siguro mukha na akong shunga—pero okay lang.


Malapit na ako. Sorry. Kanina ka pa ba naghihintay?

Matatapos na ata yung event.

Lost and FoundWhere stories live. Discover now