Maxpein feels be like (LWL)
Ano ba itong nangyayaring kaguluhan?
Mayroon bang nagaganap na paligsahan,
Kasi naman ano pa nga ba aasahan,
Mga kapatid ko parehong naggwagwapuhan.Si Maxwell na libro parati ang kaharap,
Si Maxrill na pagkain parati ang hinahanap,
Iba na yata hangin kanilang nilalanghap,
Kaya itong si Yaz ay hirap na hirap.Dugo ng kahambugan ang nananalaytay,
Tingin pa lang nila nakakamatay,
Kaya itong si Yaz ay halos mahimatay,
Pero sa akin wala pa ring makakapantay.Tensyon ba ay magsisimula na?
Teka, parang mayroon pang hahabol sa eksena,
Yaz ganda mo talaga ay kahali-halina,
Tangi kong masasabi sa ngayon ay "IKAW NA".
![](https://img.wattpad.com/cover/103009223-288-k684214.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. Love without limits Pero nakapublished na ito ulit ngayon sa wattpad. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Dahil isa ko sa kanyang mam...