Yaz feel be like
Ayaw man kitang basta na lamang paghinalaan,
Laman ng iyong isipan kahirap kasing hulaan,
Iyong damdamin nais ko rin namang malaman,
Para mawaglit ang takot na aking nararamdaman.Ako ay iyong biglaan kung lambingin,
Binabasa ko parati ang iyong mga tingin,
Naglalakas loob ako na ika'y tanungin,
Sana nga lang hindi mo ko linlangin.Kung sa akin, ika'y nagmamalasakit,
Puso ko 'wag sakit ang iyong iukit,
Una kong pag-ibig nag-iwan na sa 'kin ng pait,
Pakiusap sa 'kin ay 'wag mo nang iparanas ulit.Sa 'yo iba ang aking pagkakakilala,
Ikaw ang dahilan kung bakit ako natutulala,
Bakit pakikitungo mo sa 'kin ay nagbago bigla?
Sana nagkakamali ang puso ko sa paghinala.
![](https://img.wattpad.com/cover/103009223-288-k684214.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. Love without limits Pero nakapublished na ito ulit ngayon sa wattpad. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Dahil isa ko sa kanyang mam...