LWL Chapter 2 (Maxwell )

900 29 0
                                    

Maxwell feel like

Sa aming bahay ako ay umuwi,
Bumalik ulit ako sa dating gawi,
Naiiling ako sa kanya at napapangiwi,
Pagod ko ba kanyang napapawi?

Sa kotse ko gusto n'yang sumabay,
Ayoko na isipin nila, kung ano s'ya sa aking buhay,
Pilyong ngiti sa aking labi ay sumilay,
Sa bintana ng aking kotse, nanatili s'yang nakatunghay.

Aking kapatid tinawag s'ya ng paulit-ulit,
Pero ako ang kanyang pilit kinukulit,
Selos nga ba sa aking puso ay gumuguhit,
Pinagtatakpan ko lamang ba ito ng pagsusungit.

Sa ospital maraming nais s'yang ligawan,
Ipinapakita nila s'ya ay hinahangaan,
Aking nadarama ay hindi ko maunawaan,
Pag malapit ako, s'ya pa rin ay kinakabahan.

S'ya ay aking kinausap ng kaseryosohan,
Hindi ako ganap na nasisiyahan,
Sinabi ko sa kanya, ito ay kanya ng tigilan,
Kung ginawa n'ya lamang ito upang ako ay sundan.

Hindi ko talaga sadyang inaasahan,
Alam ko bilib s'ya sa aking kakayahan,
Iba na ang tono nang pagkakatawag n'ya sa aking pangalan,
Ramdam ko na pagluha kanina pa n'ya pinipigilan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt