KABANATA 5 (Yaz)

539 21 0
                                    

Yaz feel be like

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala,
Sa kanyang ikinikilos ay natutulala,
Ang mga sinasabi n'ya ay nakakabigla,
Ano ba matatawag ko rito isang himala?

Pumasok kami sa kanilang bahay,
Nanatiling naglakad ng magkasabay,
Sa susunod n'yang gagawin, ako ay naghihintay,
Madalas s'ya sa akin kung tumunghay.

Ayaw n'ya ko matulog sa ibang kuwarto,
Kanina pa iba ang kanyang inaakto?
Ihahatid na lang daw n'ya ko,
Pero sa huli sa kanya ay talo ako.

Iniiba ko ang aming usapan,
Kanina n'ya pa ko tinititigan,
Pati paglapit n'ya ay di ko naramdaman,
S'ya pala ay nasa akin ng likuran.

Manatili raw akong single, habang s'ya ay malayo,
Hindi ko matanong sa kanya "ano ba tayo?",
Mukha naman s'yang seryoso at di nagbibiro,
Nararamdaman ko ngayon ay halo-halo.

Saglit ako nakatakas sa kanya,
Pakiramdam ko kasi ay di ko na makakaya,
Naguguluhan man ako pero masaya,
Sana ay totoo ang ipinapakita n'ya.

May kumatok bigla sa pinto,
Bakit ang magkapatid ay narito?
Maxwell at Maxrill parang nag-uumpugang bato,
Ano ba nangyayari sa dalawang 'to?

Si Maxrill  ay marunong nang magluto,
Sa panonood daw sa 'kin kaya s'ya natuto,
Itong si Maxwell iba na naman ang akto,
Napahugas tuloy ng plato.

Si Maxrill hinatid pa talaga ko,
Parang ang layo naman ng kuwarto,
Sumunod si Maxwell at inilock ang pinto.
Sa kanyang ginawa, nagulat ako.

Anong mayroon kami ay di malinaw,
Pag-ibig ko sa kanya ang nangingibabaw,
Alam kong mali, puso ko ang s'yang sumigaw,
Sa kanyang mahigpit na yakap ayokong bumitaw.

Si Maxwell ay ipinagluto pa ko ng agahan,
Di pa rin ako sanay sa kanyang kasweetan,
Si Maxrill parang s'ya ang pinagalitan,
Kanyang ikinikilos ay aking pinagtatakhan.

Sa aking puso ay may agam-agam,
Sa aming paligid ako ay nakikiramdam,
Himig ni Maxrill ay nagdadamdam,
Namimiss ko s'ya, kanya ng alam.

Si Maxwell matalim na naman ang pagkakatingin,
Ewan ko, Bakit ngayon ay di ko magawang salubungin?
May kung ano sa sarili ko na nais tanungin?
Nawawala pag yakap at halik n'ya nagawa na kong bihagin.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now