Chapter 6 (Maxwell)

472 6 0
                                    

Maxwell feel be like

Matagal-tagal na rin ako rito sa Palawan,
Di lang basta naging araw kundi buwan,
At ngayon ko lang naisipan s'ya'y tawagan,
Ang kanyang boses ay may bakas na kasiyahan.

Sa akin s'ya ay nagtatampo at naging seryoso,
Sabi ko sa kanya na marami akong inasikaso,
Naikuwento n'ya na dumalaw don ang aming bunso,
S'ya raw ay ihahatid sa trabaho, biniro pa n'ya ko ng seloso.

Kahit na puyat at wala pang kain umuwi ako ng Laguna,
Silang dalawa ni Maxrill ay nagulat, s'ya ay aking hinila,
Bakas sa kanyang mga mata na kay Maxrill s'ya ay nag-aalala,
Sa akin nakipagsagutan s'ya at sa Palawan pinapabalik na.

Sa trabaho n'ya sa ospital ay matiyaga kong naghintay,
Dahil sa pagod at puyat nakatulog ng nakaupo pero di ako nangalay,
Ako ay kanyang ginising, niyakap ko s'ya pero ako'y kanyang sinuway,
S'ya na nagprisinta magmaneho ng aking kotse pauwi sa aming bahay.

Pagkarating namin ipinagluto n'ya ko ng masarap na hapunan,
Sa kanya ako ay naglambing at nakangiti ko s'yang sinubuan,
Kaso sa aking pagtulog ay di naman n'ya ko tinabihan,
Bago ako umalis sa guest room s'ya ay aking pinuntahan.

Nagpaalam ako, humalik sa kanya bago ko s'ya iniwanan,
Ang pagkikita namin ulit nang dumating na s'ya sa Palawan,
Si Montrell sa kanya nakipagkilala at kamay n'ya ay hinalikan,
Nang kaming dalawa na lang s'ya ay aking sinabihan pag-aari ko kanyang ingatan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now