Chapter 5 (Maxrill )

292 4 0
                                    

Maxrill feel be like

Nauna silang pumasok ni Hyung sa bahay,
Sa kanila di ko na sinubukan makisabay,
Di pa ko makatulog kaya ipinagluto ko s'ya,
Mainit na soup sana nga lang magustuhan n'ya.

Matapos sa guestroom s'ya ay aking pinuntahan,
Kung mamalasin si Hyung nasa aking likuran,
Nagsisimula na naman s'ya na ako'y asarin,
Wala s'yang magawa kundi umiling sa amin.

Sa pagbaba kami ang kanya nang inunahan,
Sa amin panigurado s'ya ay naguguluhan,
Nagustuhan n'ya ang soup na aking niluto,
Sabi ko dahil din sa kanya ako ay natuto.

Sabay kami ni Hyung nagbigay sa kanya ng inumin
Inunahan ko na ito, sabi ko s'ya bahala sa hugasin,
Inihatid ko na s'ya sa guestroom at nagpasalamat,
Sa aming inaasta, ramdam ko s'ya ay nagugulat.

Kinaumagahan sila ni Hyung ay magkasama,
Pakiramdam ko tila unti-unting sumasama,
Ipinagluto lang naman s'ya ni Hyung ng agahan,
Sa pagkain pinilit ko ang sarili na ganahan.

Nang nasa Airport kami sabi ko sarili n'ya ay  alagaan,
Namimiss na raw n'ya ko, sinabi n'yang di ko inaasahan,
Ang sagot ko, wag n'ya ko mamiss kasi di na ko babalik sa dati,
Ramdam ko ang kanyang lungkot at pinipilit na lang ang ngiti.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now