LWL Chapter 6 (Maxrill)

423 10 0
                                    

Maxrill feel be like

Pag bisita ko sa kanilang bahay ay di n'ya inaasahan,
Hindi ko sila pinansin, s'ya agad kong tinitigan,
Lumapit ako sa kanyang kinauupuan,
Kanyang malambot na buhok aking hinalikan.

Tinanong n'ya bakit ko ginawa ang bagay na yon?
Iba na ang tingin sa amin ng mga nandoon,
Na miss ko s'ya, s'yang aking itinugon,
Inasikaso n'ya ko katulad lang ng noon.

Inaya ko s'yang lumabas at kami ay magdate,
Bakit di na raw noona ang tawag ko tulad ng dati?
Sabi ko gusto ko ang tawagan na sweet parati,
Dagdag ko iginagalang ko s'ya bilang babae at di bilang ate.

Napapayag ko s'ya na ihatid ko na lang s'ya kinabukasan,
Para sa kanya may panahon ako, gagawa ako ng paraan,
Ngunit ang pagdating ni Maxwell ang di namin inaasahan,
Hindi ko man lang s'ya napigilan, bago n'ya ko tinalikuran.

Ang magandang umaga ko ay nawala panandalian,
Ngayon puso ko ay nabalutan ulit ng kalungkutan,
Nangungulila ako sa kanya ng ilang buwan,
Narito ako nakatayo sa kawalan at kanyang iniwan.

Pagbalik ni Maxwell ng biglaan mula sa Palawan,
Hanggang ngayon di ko ganap na maunawaan,
Ang magkalapit ba kami ni Yaz ay kanyang kinatatakutan,
Basta isa lang ang malinaw sa 'kin, ako ay nasasaktan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon