Yaz feel be like
Sana ay hindi lang ito isang panaginip,
Mga sinabi mo, nakatatak na sa 'king isip,
Sana nga totoo ang mga sinabi mo sa akin,
Na ako ay may pag-asa na iyong mahalin.Sana ay tuloy-tuloy na ang iyong ipinapakita,
Tingin ko kasi mahal na nga talaga kita,
Kapag may kasama ka ng iba, ako'y nasasaktan,
Sana mga sinabi mo ngayon, di mo nalilimutan.Sana bukas di mo ko babalewalain,
Iyong binitawang salita sana di lamang para ako'y paasahin,
Sana ito na ang tunay na pagsisimula,
Nasa puso mo at isip mo di na ko mawawala.
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. Love without limits Pero nakapublished na ito ulit ngayon sa wattpad. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Dahil isa ko sa kanyang mam...