Maxrill feel be like
Noon di mo ko gaano napapansin,
Kasi kay hyung ka palagi nakatingin,
Ngayon kamay mo nakakaya ko nang haplusin,
May pag-asa ba ko sa 'yo, nais kong tanungin.Sabi mo namimiss mo ang dating "ako",
Ang bumalik ako sa dati ay di ko maipapangako,
Lahat ng katangian ko ngayon ay unti-unti nang nagbabago,
Lalo na ang pagtingin ko para sa 'yo ay di ko na maitago.Hindi na ko ang dati na sa 'yo ay nakikipaglaro,
Bawat bigkas ng bibig ko ngayon ay walang halong biro,
Hindi ko na alam kung kelan ako nagkagusto sa 'yo,
Pero sana huwag mo kong iwasan at sa akin ay lumayo.Sarili mo ay iyong alagaan at pakaingatan,
Ayoko nakikita kang palaging nasasaktan,
Kung maari lang damdamin mo sa kanya ay kalimutan,
Gagawin ko ang lahat para ang pag-ibig mo ay aking makamtan.
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. Love without limits Pero nakapublished na ito ulit ngayon sa wattpad. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Dahil isa ko sa kanyang mam...