LWL

306 4 0
                                    

Love without limits bagong istoryang bumungad,
Sa prologue pa lamang may katanungan na agad,
Sino kaya ang masikretong si Mr.Best?
Mga jijies kanya-kanya na rin sa pag-guess.

Bulaklak at kape ay kanyang ipinadeliver,
Yaz mahuhulaan kaya ang kanyang kaforever,
Si Maxwell ay iba raw talaga ang gusto,
Kaya ang umasa ay kanyang inihinto.

Sa pagbasa nang  unang kabanata,
Si Yaz si Maxwell ang nais makita,
Si Maxrill ay nagsisimula ng magbinata,
Sa kalituhan di na s'ya halos makapagsalita.

"Keep breathing then" ang huli n'yang binigkas,
Sa kilig halos maubusan na si Yaz nang lakas,
May ngiti ba n'yang haharapin ang bukas,
Ikalawang kabanata sa motor ni Maxrill s'ya ay umangkas.

Sabi n'ya si Maxrill daw ang mas better,
Kaya itong si Maxwell naghimig bitter,
Iba raw s'ya kasi nga s'ya ay first born,
Ang pagiging competitive sa kanya ay inborn.

Nagkaroon sila nang sagutan,
Sinabi nito ay di n'ya makalimutan,
Hirap naman s'ya na ito'y iwasan,
Pag-asa muli nitong binuksan.

Sa ikatlong kabanata sila ay nakakahalata,
Si Naih nagsisimula na rin magsalita,
Si Yaz ang kilig ay kanyang pinipigilan,
Sa dalawa ay nagsisimula na s'yang maguluhan.

Sa  ikaapat naman na kabanata,
Si Maxwell ay nag-iba na ang inaasta,
Si Maxrill sakit ang makikita  sa mata,
Kay Maxpein nakatanggap sila nang pagsita.

Ikalimang kabanata na hindi inaasahan,
Puso at isip n'ya ay lalo pang naguluhan,
Sa nangyari sa kanila ay wala s'yang pinagsisihan,
Nagdulot sa kanya ng pag-asa at munting kasiyahan.

Ikaanim na kabanata nagsimula na s'yang mangulila,
Si Maxrill patuloy pa rin s'yang  binibigla,
Puso at isip n'ya parehong di nagkakaila,
Namimiss na n'ya ang Maxrill na nakilala.

Si Maxwell agad na lang dumating,
Kay Maxrill s'ya ay mabilis na bumaling,
Si Maxpein sa kanya mayroon hiniling,
Sa Palawan si Maxwell ay kanyang makakapiling.

May bagong lalaki lumapit sa kanyang harapan,
Montrell at Maxwell iba ang tono ng usapan,
Ang huling sinabi ni Maxwell ay naging palaisipan,
Ano kaya ang magiging sunod na kaganapan?

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now