Maxrill feel be like
Tunay ngang ang ating gusto, hirap tayong gustuhin,
Pero ang kanilang mahal nagawa silang paasahin,
Marahil ang nadarama ko ay mahirap intindihin,
Paano kung sabihin ko s'ya ay aking sasaluhin?Madali naman sa akin ang magkunyari,
Na tila wala lang sa paligid ang nangyari,
Aking nadarama sa kanya ang naghahari,
Wala pa naman sa kanya, tunay na nagmamay-ari.Sino ako para s'ya ay ganap na husgahan?
Kapag nagmahal masasaktan ka iyong asahan,
Hindi ako bulag para di malinawan,
Makakayanan ko na di s'ya iwanan.Sa pagmamahal mayroong mali at tama,
Iyan ang nangyari sa pag-ibig ng aming ama,
Matatalo ka ng sarili mong nadarama,
Dalangin ang tadhana sa 'kin ay makisama.
![](https://img.wattpad.com/cover/103009223-288-k684214.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. Love without limits Pero nakapublished na ito ulit ngayon sa wattpad. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Dahil isa ko sa kanyang mam...